Chapter Twenty-Eight

353 8 0
                                    

*****[Now playing: I Miss You by Blink 182]*****

--------------------------

Chapter Twenty-Eight

"Ready guys?" Tanong ni papa nang makasakay na kaming lahat sa van.

"Ready!!!" Sabay-sabay naming sigaw at nagtawanan pa.

Pauwi na kami and yeah, I'm excited to be home again. Nakareserve na lahat ng energy ko para sa mga gagawin ko kaso nakaramdam ako ng lungkot nang maalala ko ang ginagawa ko kay Top mula kahapon hanggang ngayon. I'm still avoiding him, inoff ko na nga phone ko para hindi na ako lalong makonsensya kapag nakikita kong nag-aappear 'yung name niya sa screen ng phone ko.

Haay, sorry talaga Top. Kelangan kong tumupad sa usapan namin and para na rin sa ating dalawa 'tong ginagawa ko.

Mas mainam muna kung ibaling ko sa ibang bagay ang sarili ko ngayon.

[Cellphone rings]

Siguradong hindi sa akin ang nagriring dahil naka-off ang phone ko, tumingin ako kay GD at sa kaniya pala.

"Hello? Sino 'to?" Huminto siya at napasulyap sa akin, muli siyang nagsalita. "Ikaw pala, hindi eh. Kasama niya nagbakasyon ang family niya sa Bataan. Okay, bye."

Itinago niya ulit ang phone niya sa bulsa ng polo niya, curiosity is killing me.

"Sino 'yon, Dee? At sinong tinutukoy mong nasa Bataan din?" I ask, he heaved out a sigh.

"Si Top."

Tila bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.

"D-did you tell him--"

He cuts me off, "no. Hindi ko sinabing kasama kita. Hinahanap ka niya at tinatawagan ka raw niya pero naka-off daw phone mo."

Grabe, nakokonsensya ako. Nageeffort siya para lang makausap ako pero anong ginagawa ko? Sa totoo lang, gusto ko na nga talagang makasama siya at makausap pero anong magagawa ko? Nakatali ako ngayon sa isang kasunduan.

Ngumiti ako ng pilit kay GD, "Good job."

"Yuan," tawag niya kaya napatingin ulit ako sa kaniya, "are you sure about this?"

"About what?"

"The plan. Hindi mo siya pinapansin e, try mo kayang kausapin siya tungkol dito? Baka bandang huli, maging magulo lang lalo."

Umiling ako at ngumiti, "yeah I'm sure. Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya dahil ayoko nang madamay pa siya. Maiintindihan niya rin siguro ako, GD."

WARNING: My Man Is A Killer! [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon