Chapter Ten

450 11 0
                                    

*****[Now playing: Breakeven by The Script]*****

------------------

Chapter Ten

Nahatid ko naman siya sa unit niya ng maayos, buti na lang nandito si Seven. Haay. Pinahirapan ako ng unggoy na yun!

"Oh, kain ka muna." Abot sakin ni Seven ng isang juice at snacks habang nakaupo ako dito sa stool.

"Salamat." Sabi ko sabay higop ng juice. Umupo siya sa tapat ko.

"Bakit ba nasa club yang kapatid ko?" Tanong niya.

"Hindi ko nga rin alam eh."

Ngumiti naman siya at tumitig sakin na parang aning lang. May sayad ba to?

"Oy, makatitig ka. May dumi ba sa mukha ko?" Sabi ko sabay tuon ng tingin ko sa kinakain ko.

"Haha. Wala naman. Maiba tayo, I just want to know more about you."

"Wala namang kaintere-interesado sa buhay ko." Sagot ko, napagawi naman yung tingin ko sa wall clock nila at magseseven na ng gabi, "ay Seven! Uwi na ako, alas siyete na pala."

Tumayo na ako sabay bitbit ng bag ko.

"Hatid na kita, baka magalit pa lalo sakin ang kapatid ko kapag may nangyaring masama sa'yo. Haha." Sabi niya at tumayo na rin.

"Psh. Wala naman pakealam sakin yun." Sabay rolled eyes ko habang sabay na kaming naglalakad patungo sa elevator.

"Haha. Bakit naman wala? Eh girlfriend ka niya."

Nakasakay na kami ngayon sa elevator. Grabe ha, dami niyang tanong. -.-

"Basta." Sagot ko, baka mamaya madulas pa ako sa mga sasabihin ko sa kaniya. Malaman pa niyang kunwarian lang ang relasyon namin ni Top.

"Ang lihim niyo naman sa nangyayari sa inyo ng kapatid ko, umm. Di rin siya masyadong nagkukuwento sakin ng tungkol sa inyo eh, unlike nung past love-- uh, nevermind."

*TING!*

Lumabas na kami ng elevator at naglalakad na kami papuntang parking lot. Pero teka, ano yung sinasabi niyang past lovelife ba ang ibig sabihin niya? Ibig sabihin, may naging ex na si Top?

Nakarating na kami sa kotse niya at pinagbuksan niya ako ng pinto. Lumipat na rin siya sa driver's seat at sinimulan nang paandarin ang kotse. Sinabi ko na rin sa kaniya kung saan ang bahay namin.

"Seven." Tawag ko habang nagmamaneho siya.

WARNING: My Man Is A Killer! [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon