*****[Now playing: I Love You This Big by Scotty McCreery]*****
-----------------------
Chapter Four
[GD's P.O.V.]
Naglalakad na ako ngayon papuntang parking lot ng school kung saan nakaparada ang sasakyan ko. Ngayon lang natapos ang practice ng basketball. Sana pala pinasama ko na lang si Yuan sa practice para sigurado akong maihahatid ko siya ng safe. Sigurado ngayon, nasa bahay na yon. Hindi naman sisipot yon sa usapan nila ng ugok na Top na yon e.
I slide in my car as I started the engine. Pinaandar ko na ang kotse at binaybay na ang daan pauwi. Gusto ko sanang ibili ng gift si Yuan para sa christmas kaso lagi ako nawawalan ng time, lalo ngayon pagod ako so next time na lang. Ibili ko na lang kaya siya ng pagkain at idaan ko sa kanila? Pizza na lang.
Hininto ko muna tong sasakyan sa gilid at bumaba na. Dito ako sa Seungri's resto bibili e, no choice. Wala na akong ibang dadaanan pa na may tindang pizza. Hahanap na sana ako ng table ko pero parang nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita ko si Yuan na yakap si Top.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot at galit. Selos lalo. Oo, si Yuan na ang matagal ko nang gusto. Nadevelop ako sa kaniya nang di ko man lang namamalayan, dati todo tanggi ako sa nararamdaman ko hanggang sa natutuhan na kong tanggapin to.
Hindi ko alam ang gagawin ko, parang ayokong umalis at panuorin lang sila ngunit ang sakit. Kaya naman, mas mainam na lang kung aalis na muna ako sa lugar na to.
Dumiretso ako sa kotse ko at hinarurot ng mabilis hanggang makarating sa bahay. Kumuha muna ako ng ilang beers sa fridge saka ako nagtuloy sa kwarto ko.
Shit! Bakit ngayon pa?! Akala ko ba hindi siya pupunta don. Pero bakit siya nandun at ganun ba kabilis para maging close sila ng ganun? Tanga ko kasi, mahuhulog na lang ang loob sa bestfriend pa! Tsk. Pero di ako basta-basta susuko, ipaglalaban ko kung anong nararamdaman ko sa'yo Yuan.
** ** ** **
[Normal P.O.V]
Pambihira, bakit ba ang aga kong nagising?!! Di ako pinatulog nung yakap nung kumag na yon ah. Saan kaya yon? Papasok kaya ngayon yon? Siya na naman nag-iinvade ng utak ko, umagang-umaga e. -.-
Papunta na ko sa room ko ngayon e, teka nga. Si bestfriend kaya? Bakit wala pa yun? Dati-rati maaga pumasok yon, himala! Nakarating na ako sa room ko at konti pa lang kaming nandito. Dumiretso na ako sa upuan ko at kinuha ko muna ang ipod ko saka nakinig ng music. Dumukdok na rin ako sa arm chair ko kasi nagsisimula na akong maghikab. Nasa lower volume lang ang ipod ko para in case na dumating si prof e, alam ko.
"Kyaaaa!!!"
"OMG. What is he doing in our room??!!"
BINABASA MO ANG
WARNING: My Man Is A Killer! [On Hold]
FanfictionSi Yuan na isang simpleng babaeng nabuhay na halos kasama ang bestfriend niyang si GD. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ang loob ni GD sa bestfriend niyang si Yuan. Natatakot siyang sabihin ang nararamdaman sa babae dahil natatakot siya sa...