Chapter Thirty-Nine

323 11 10
                                    

*****[Now playing: My All by Mariah Carey]*****

------------

Chapter Thirty-Nine

"Dee, cr lang ako ha." Paalam ko, wala pa naman kasi si prof.

"Okay, kapag nakita mo nga sina Dae pakisabi, basketball kami maya. Hindi nagrereply e."

"Aye! Aye!"

Tumalikod na ako at lumabas na ng room. Nasaan kaya si Top ngayon? Hindi ko pa kasi alam ang sched niya. Hehe. Minsan kasi, hindi siya kasama nina Dae. Minsan lang naman.

Naiihi na talaga ako! Phew. Lakad-takbo na ang ginagawa ko papuntang cr. Puputok na yata ang pantog ko sa sobrang dami na ng ihing naipon. Phew! Whehehe! Konting-tiis na lang, malapit na!

*Wis wis wis wis*

Whoooh! Ayos. Success! Hehehe. Nakaihi na rin sa wakas. Pagbukas ko ng pinto ng cubicle ay dumiretso na ako agad sa sink. Naghugas ako ng kamay. Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin at mabuti naman, maayos pa ang itsura ko. Mukhang tao pa naman. Whahaha.

Bigla akong napatingin sa isang babaeng lumabas mula sa isang cubicle gamit 'tong salamin.

Akalain mo nga naman! Sa dami-rami ng taong makikita ko rito ay ito pang babaeng 'to?! -_____-

Haays. Makaalis na nga lang baka kung ano pa ang magawa ko sa babaeng 'to. Tss. Rolled eyes.

Paalis na sana ako nang bigla baga namang humarang sa daraanan ko ang mukhang paang babaeng 'to!

Tinitigan ko siya sa mga mata niya, nakatitig lang din siya nang mariin sa mga mata ko. Pero bakit ganun, parang may kakaiba sa tingin ng babaeng 'to. Ay naku! Ano bang pinag-iisip ko?! Tandaan mo, Yuan. Dakilang eksena 'yan sa buhay mo.

"Excuse me." Mapait kong sabi.

Pero hindi siya natinag, nandito pa rin siya sa kinatatayuan ko. Aba't!!!

"I said, excuse me. Ano na naman bang problema mo, Alexa?!"

"Yuan." Simula niya, pero iba ang tono ng pagsasalita niya. Hindi katulad dati na, mararamdaman mo talaga ang taas at may pagka-impokritang boses niya.

"B-bakit? Anong ba talagang kailangan mo? Manggugulo ka na naman ba? Pagbabantaan mo na naman ba ako? Alexa, how many times I would tell you na--"

"Yuan, calm down." Napakababa ng tono ng boses niya kasabay pa nun ang pagpatong ng kamay niya sa kanang balikat ko. Pakiramdam ko tuloy, parang may bumara sa lalamunan ko. "I'm not here para guluhin ka. Mali ang mga iniisip mo but yes, naging masama ako sa'yo. I treated you as my enemy kahit na wala ka namang ginagawang masama sakin."

WARNING: My Man Is A Killer! [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon