*****[You Got It All by The Jets]*****
--------------------------------------------------
Chapter Forty-Two
"HELLOOO--"
0_______0 *jaw drops*
Halos nagulat din kami ni Top nang may biglang pumasok. Napabalikwas kaming dalawa at biglang tumayo si Top saka tumalikod. Ako naman, halos pamulahan ng mukha. Nakakahiya! Nakita kaya nila kami na nagkikiss? >0<
"Nakaistorbo yata tayo guys." Halos pabulong na sabi ni Dae.
"Ah, eh. Oo nga eh." Napapakamot pa sa batok na sabi ni Seungri.
"Ah sige. Pagpatuloy niyo na 'yung ginagawa niyo. Lalabas muna kami. Hahaha." Si Taeyang na may dalang basket of fruits.
WAAAA!!! Nakita nga kami. T___T
Nakakahiya talaga. Huhuhu. Tinignan ko si Top pero nananatili siyang nakatalikod samin at nakapamulsa ang mga kamay.
"No! O-okay lang. Ah, um. Kayo lang? Hindi niyo kasama si GD?" Pag-iwas ko na lang.
Unti-unti silang lumapit sa direksyon ko.
"Wala e. May pupuntahan yata. Nakasalubong namin kanina e. Nga pala, may dala kami para sa'yo. Kamusta na?" Si Taeyang, sabay lagay ng basket sa side table ko.
"Salamat. Um, ganun ba. Ah ako, okay lang." Sagot ko.
Umikot si Top at pumunta sa may sofa malapit sa pintuan at doon umupo. Kumuha siya ng magazine sa may mini table at nagbasa. Muling natuon 'yung pansin ko sa tatlo nang magsalita si Dae.
"Yuan, kelan ka raw makakalabas dito?" Tanong niya.
"Wala pa akong balita. Sina mama kasi ang nakikipag-usap sa mga doctor." Sagot ko, napatingin ako kay Seungri na pumunta sa direksyon ni Top at umupo sa tabi niya.
Napatingin ako sa dalawa nang magsalita si Taeyang.
"Oo nga pala. Pinapasabi ni Alexa, baka mamaya o bukas na siya makadalaw sa'yo. May appointments pa raw siya eh."
Napangiti na lang ako. Ang laki na nga ng pinagbago ni Alexa.
"Marami pa raw akong pagdadaanan na gamutan dito eh." Saad ko na lang.
"It means Yuan, magtitigil ka na sa pag-aaral? Sayang naman?" Si Dae.
Napangiti ako ng tipid, "ayos lang 'yun."
"Eh 'di ibig sabihin niyan . . ." nakangiting-aso pa na napahintong sabi ni Taeyang at sumulyap saglit kay Top. "Dito kayo magdiriwang ng balentayms day!? Yihaaa!!!"
BINABASA MO ANG
WARNING: My Man Is A Killer! [On Hold]
FanfictionSi Yuan na isang simpleng babaeng nabuhay na halos kasama ang bestfriend niyang si GD. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ang loob ni GD sa bestfriend niyang si Yuan. Natatakot siyang sabihin ang nararamdaman sa babae dahil natatakot siya sa...