Chapter Thirty-Two

345 13 4
                                    

*****[Now playing: Casualty Of Love by Jessie J]*****

-------------------

Chapter Thirty-Two

"Bakit hindi mo sinabi sa akin agad ang lahat? Hindi ba't sabi ko naman sa'yo na lagi lang akong nandito kapag may problema ka. Yuan, ang tagal na ng pinagsamahan natin." Si GD habang nandito kami sa may veranda medyo malayo sa maraming students.

Napatungo ako at tumingin na lang sa mga estyudanteng nasa baba, nasa second floor kasi kami.

"Sorry GD. Ayoko lang kasing masali ka na naman sa gulong 'to."

"Hindi iyon 'yun e. Kaibigan mo ako, higit sa lahat best of friend tayo. Don't worry, kakausapin ko siya." Sabi niya na tila napagising sa diwa ko.

Napatayo ako ng diretso at napatitig sa kaniya. Umiling ako.

"Huwag na GD, kaya ko na 'to." Pakiusap ko, ayoko lang talaga siyang madamay pa.

"Kaya mo? Look at yourself, parang 'di ka na nga natutulog e. Yuan, trust me okay? I'll do my part. Aayusin natin 'tong pareho."

Napayuko ako, hindi ko alam kung sasang-ayon ba ako o hindi. Parang ayaw ko na gusto ko, hindi ko alam e. Kaya napapikit na lang ako dahil litong-lito na ako. Naramdaman ko na lang bigla ang paghigit sa akin ni GD dahilan para mapasandal ako sa dibdib niya at dito na sabay bumuhos ang mga luha ko. Parang nakahanap ako ng sandalan at lugar kung saan pa maibubuhos ang sakit pa na nararamdaman ko.

"GD . . . Hindi ko na yata kaya, ang sakit-sakit." Mahinang pagkakasabi ko habang taas-baba ang balikat ko.

Wala na siyang ibang sinabi maliban sa marahan na paghaplos niya sa likod ko.

"See? Kitang-kita mo naman, Top." Nagulat kaming pareho ni GD sa nagsalita kaya naman napahiwalay ako mula sa pagkakayakap kay GD at pinunasan agad ang mga luha ko.

Sabi na at boses ni Alexa 'yung narinig ko, napababa ang tingin ko sa braso ni Alexa na nakapalupot sa braso ni Top. Ang sakit naman.

"Oh bakit hindi kayo makapagsalita ngayon? Dahil ba sa pakiramdam na huling-huli kayo. Speak up!" Ngumisi pa si Alexa. Napatitig ako kay Top, walang bago sa mga mata niya mula nung huli naming pagkikita at kaninang napadaan siya sa labas ng room.

Puro galit at may kahalo pang ibang emosyon. Napailing ako at nilipat ang tingin kay Alexa, malakas ang kutob ko siya ang may pakana ng mga 'to.

"GD tara na." Sabi ko na lang at hinatak na si GD paalis sa kanila.

Pero bago pa man ako makaalis ay nahawakan pa ako sa braso ni Alexa at bumulong.

"Mga napapala ng sinungaling. Haha."

WARNING: My Man Is A Killer! [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon