*****[Now playing: Be Honest by Jason Mraz]*****
------------------------
Chapter Thirty-Eight
Normal P.O.V.
Nasaan na kaya 'yun? Sabi niya kasi magkita raw kami dito sa resto na pagmamay-ari nila ng kapatid niyang si Seven, kaso kanina pa ako ditong naghihintay. Ni anino niya 'di ko makita. Tinetext ko 'di naman nagrereply, gusto ko sanang tawagan pero wala naman akong extra load na pangtawag. Ay naku. =_____=
Patayo na sana ako mula sa kinauupuan ko pero may biglang umupo sa tapat ko. Walang iba kundi 'tong si Top, of course! Hindi ako ngumingiti sa kaniya o kaya man, hindi ako nagsasalita. Nakakainis. Pumangalumbaba na lang ako at umiwas ng tingin sa kaniya. Alam ko nakangiti siya. Ewan ko ba dito.
"Princess." Simula niya sabay hawak niya sa right hand ko na nakapatong sa table pero hinatak ko naman ang kamay ko pabalik sakin. "Princess, are you mad?"
Hinde! Hindi ako magsasalita! Talk to my hand. Tss.
Hindi na siya nagsalita instead nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Tumayo siya at hindi ko alam kung saan siya pupunta, naiinis pa rin ako. Sinundan ko na lang siya ng tingin habang naglalakad palayo sa lugar ko, pumunta siya sa isa sa mga crew nitong resto at may binulong. Kung ano man 'yung sinabi niya ay hindi ko alam. Tss. Nakikita ko lang na tumatango-tango 'yung crew at saka ngumiti. Pusang gala!
"Nakakainis ka na talaga Top! Sige, hindi mo ako aamuhin ha. Bahala ka." Bulong ko sa sarili ko.
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko sabay sakbit ng bag ko sa balikat ko. Naglakad na lang ako palabas ng resto. Nandito na ako sa may pintuan nang may biglang humarang na guard sa harap ko.
"Anong problema?! Padaan ako." Utos ko sa guard pero umiling lang siya.
Nagpamaywang ako sa harap niya, nakakainis e. Ano bang problema ng mga tao ngayon?! Haisst!
"Manong, ano bang problema?! Padaan sabi!" Napagtaasan ko na ng boses si guard pero ngumiti lang siya.
Ugh! Bwiset na buhay 'to!
"Sabi ko umali---"
Napahinto ako bigla sa pagsasalita nang marinig kong may tumugtog ng gitara dito sa loob ng resto at nanggagaling 'yun mula sa bandang gitna nitong restaurant.
[Now playing: Crazier by Taylor Swift. Please play the song on the right side.]
Lumingon ako sa lugar na 'yun at nadatnan kong nakatayo sa gitna si Top habang hawak ang bouquet ng roses at isang hugis puso na unan na may nakasulat na, 'I LOVE YOU PRINCESS. HAPPY MONTHSARY'.
Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko. Masaya na parang na-disappoint ako sa sarili ko, kasi hindi ko man lang naalala na monthsary namin ngayon. Napatingin na lang ako sa paligid at lahat ng taong nandito sa loob ng resto ay nakatingin sa akin at kay Top. Unti-unting namumuo na ang mga luha sa mga mata ko. Ang saya kasi. Kaya pala, nalate siya. 'Yun pala . . . 'Yun pala nang dahil dito.
BINABASA MO ANG
WARNING: My Man Is A Killer! [On Hold]
FanfictionSi Yuan na isang simpleng babaeng nabuhay na halos kasama ang bestfriend niyang si GD. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ang loob ni GD sa bestfriend niyang si Yuan. Natatakot siyang sabihin ang nararamdaman sa babae dahil natatakot siya sa...