Chapter 1

8 1 0
                                    

Marcel's POV

Inaabangan ko ngayon ang anak kong si Faye sa eskwelahan.  Masiyahing bata sya at sya ay isang grade 1 student sa pampublikong paaralan.  Malambing din syang anak at matilino pa.

"PAPA!!!" rinig kong tawag ng aking anak.

Tumakbo ito saakin at niyakap ko sya ng mahigpit.

"Kamusta ang araw mo sa school?" Sabi ko sa kanya.

"Ayos naman po, papa. Nakakuha ako ng perfect score sa quiz namin sa math at science." Masayang sabi ni Faye.

Pinakita nya saakin ang papel nya at nakita ko ang score nya sa science na 15/15. Sa math naman, 35/35. Talagang namana nya saakin ang katalinuhan ko sa dalawang subject na ito.

Totoo yun, dahil mahilig at magaling din ako sa dalawang subject na ito nung nag-aaral pa ako. Pangarap ko maging scientist, pero hindi ako nakapagtapos dahil walang pera ang aking mga magulang at tinanggap ko nalang ang katotohanan na hindi ako makakatapos ng college noon.

Pero sisiguraduhin kong makakatapos ng pag-aaral ang maganda kong anak na si Faye. Gagawin ko ang lahat para sa kanya.

Kung tatanungin nyo kung nasaan ang nanay ni Faye, patay na ang aking magandang asawa na si Freya. Namatay sya sa kakapanganak kay Faye. Sayang nga at hindi nakita ni Faye ang nanay nya. Siguro ay masaya silang magtatawanan ngayon. Sana ay ayos lang si Freya sa langit. 

Pero kahit hindi nakita ni Faye ang nanay nya, pinakita ko ang litrato ng nanay nya 

                                                                           (Credits: Pinterest )Ayan ang litrato na pinakita ko kay Faye

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                                                                           (Credits: Pinterest )

Ayan ang litrato na pinakita ko kay Faye.

At ito naman si Faye ngayon.

                                                                        (Credits: Pinterest )

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                                                                        (Credits: Pinterest )

Ito na ang itsura ni Faye. 5 yrs old na sya ngayon. 

Kame ay naglalakad na pauwi at tinawag ako ni Faye.

"Papa, pwede moko bilhan ng cotton candy?"Sabi ni Faye.

Kinuha ko ang wallet ko at tinignan ko ang laman neto. Buti nalang at may konting pera pa ako dito na pwedeng pambili ng Cotton candy ni Faye.

"O sige, bibili tayo" Sabi ko sa kanya na nakangiti.

"YEHEY!" Masayang sabi ni Faye.

Bumili na kame ng Cotton Candy. Sya lang ang binilhan ko dahil kukulangin na ang pera kung bibili pa ako para sa sarili ko.


"Mmmmm" Rinig kong si Faye na kumakain.

"Gusto mo papa?" Sabi ni Faye saakin.

"Hindi na anak, busog na si papa" Sabi ko sa kanya. Pero narinig nya ang tunog ng sikmura ko. Hindi pa kasi ako kumakain dahil mas inuna kong pakainin si Faye kesa saakin. Kaya nakalimutan ko na pakainin ang sarili ko.

Kumurot si Faye sa cotton candy nya.

"Papa, say aaaahh" Sabi ni Faye saakin.  Ginawa ko ang sinabi nya at isinubo ko ang cotton candy na binibigay nya sakin.

Hinalikan ko sya sa pisngi at nagpatuloy na kame sa paglalakad namin.

Iniisip ko lang kung nakapagtapos siguro ako ng pag-aaral, baka nabigyan ko si Faye ng maganda at komportableng buhay. Pero mukang ito talaga ang tadhana para saakin. Pero alam ko namang may dahilan ang panginoon, kaya mag titiwala lang ako sa kanya. Sana ay hindi maranasan ni Faye ang hirap na dinararanas ko sa trabaho. 

"Faye" Tawag ko sa kanya. 

Tumingin ito saakin.

"Pasensya na at hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang papa mo. Siguro kung nakapagtapos ako ngayon, baka mayaman tayo at nabibigay ko ang gusto mo." Malungkot na sabi ko sa kanya.

Ngumiti si Faye saakin at niyakap nya ako.

"Ayos lang yun papa. Sapat na saakin kung ano ang kaya mong bilhin. Hindi naman ako maarte. Alam ko ang perang pinaghihirapan mo saakin. Tyaka ayos lang kahit na hindi ka nakapag tapos, ang importante saakin ay mahal na mahal mo kame ni mama, kahit na nasa langit na sya." Sabi ni Faye saakin.  Napaluha nalang ako sa sinabi nya saakin. Buti nalang at namana ni Faye ang kabaitan ni Freya. Siguro ay masaya si Freya kung makikita nya ang anak namin sa personal.

-----------------------------------------------------------------------------------------------

Patuloy lang kameng naglakad at nakaabot na kame sa bahay namin

Ito lang ang bahay namin.

Maliit at pangit lang ang bahay namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maliit at pangit lang ang bahay namin. May mga maliliit na butas pa ang mga bubong kaya pag tag-ulan, naglalagay nalang kame ng timba sa sahig para doon tumulo ang tubig.

Pumasok na kame sa loob. Napag-isip namin na umupo muna at magpahinga.

Binuksan ni Faye ang telebisyon at nanood muna sya ng pambata.

Tinignan ko ang oras at 5:45 na pala. 

Tumayo na ako nag nagbihis para pumunta sa trabaho ko.

Bago ako lumabas ng pinto, binilinan ko si Faye.

"Faye, huwag kang lalabas ng bahay ha? isara ang pinto at huwag magpapasok ng kung sino-sino" Sabi ko sa kanya.

"Opo papa. Mag-ingat ka po paalis" Sabi ni Faye. Lumapit ito saakin at niyakap ako. Ganito  ang ginagawa nya madalas kapag aalis ako ng bahay.

Hinalikan ko na ang noo nya at kumaway na ako sa kanya at naglakad na papaunta sa aking trabaho.

Ang aking trabaho nga pala ay dalawa. Isang Janitor sa umaga, Dishwasher naman sa gabi. Ngayon ay mag-gagabi na kaya papasok na ako sa restaurant na pinagtratrabahuan ko.

                                                                         (Credits: Google)Dito nga pala ako nagtratrabaho sa gabi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                                                                         (Credits: Google)

Dito nga pala ako nagtratrabaho sa gabi. Pumasok na ako sa loob at nakita ko ang mga ka trabaho ko na nakasuot na ng uniporme nila. Sinuot ko na ang aking uniporme at nakita ko ang aking boss.

"Magandang gabi, Mr. Claymore" Sabi saakin ng boss ko.

"Magandang gabi din po" Magalang na sabi ko sa kanya.

Apat na taon na akong nagtratrabaho dito sa restaurant. Pinasok ako ng kaibigan ko dito, pero hindi na sya nag tratrabaho dito dahil nasa abroad na sya. Wala na akong kaibigan dito sa restaurant.


Sinimulan ko nang mag hugas ng pinggan. Punong-puno nang customer ang restaurant kaya malamang madami akong huhugasan. Pero ayos lang, ang importante ay may pera akong nakukuha para kay Faye.

Habang ako ay nag-huhugas, naramdaman kong may nambato ng kutsara sa ulo ko. Hindi ko na tinignan kung sino ito dahil malamang sya nanaman ang may gawa nun.

"Hoy talunan!" Tawag nya sakin.

Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy nalang sa paghuhugas.

Nakaramdam ako ng tulak nya sa saaking balikat at nabasag ang pinggan dahil nabitawan ko ito.

"Hoy ano bayan! Erik magsisimula ka nanaman ba ng gulo?" Sabi ng boss namin.

"Pasensya na sir, nagkakatuwaan lang kame ni Claymore dito" Dahilan ni Erik.

Pinulot ko na ang mga bubog sa sahig at tinapon sa basurahan.

Pinagpatuloy ko nalang ang paghuhugas ng pinggan at narinig kong may binulong saakin si Erik.

"Hindi pa tayo tapos, Claymore" Bulong ni Erik saakin at umalis.

Nagtataka kayo kung bakit galit saakin si Erik? 

Ex-boyfriend dati ni Freya yan. Hiniwalayan ni Freya dahil nakita nya daw na may kasama daw syang babae. 

Lumipas ang ilang taon noon, balak sana makipag balikan ni Erik kay Freya, pero nabalitaan na nyang kinasal na kameng dalawa. Doon na sya nagsimulang magalit saakin. Madalas nya akong pinagbabantaan,nilalait, at sinisisiraan. Nagkataong dito din sya nagtratrabaho kaya mas lalo nyang binubulabog ang buhay ko.

Pero ayos lang, masaya ako dahil ako ang pinili ni Freya at nagkaroon kame ng anak. At kailangan ko din kasi ng pera para kay Faye kaya pagtyatyagaan ko ang lahat ng pagsubok para saaking anak.


Natapos na ang aking trabaho at naglakad na ako pauwi.

Habang ako ay naglalakad pauwi, nakarinig ako ng parang may tumawag saakin.

"PSST!!" Lumingon ako at nakita ko ang lalakeng mukang sindikato.


Next Chapter.....

MR.STEELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon