CHAPTER 14

1 0 0
                                    

(Lumipas ang tatlong taon......)

3rd Person's Point of View

Lumipas ang tatlong taon, sikat na sikat na si Mr.Steel sa circus kapag nagpupunta ang mga tao doon. Sanay na sanay na sya sa kanyang ginagawa. kontrollado nadin nya ang kanyang kapangyarihan.


Marcel/ Mr.Steel's POV

Tatlong taon na akong nandito sa circus at madami talagang nangyare saakin. Sanay na sanay na ako mag perform sa circus para sa mga tao at natutuwa naman sila saakin.  Kung tatanungin nyo kung nasaan sila James at ang kambal na ulo na si Noah at Oliver? Pinagbakasyon sila ni Dr.JEERO. Isang taon daw ang bakasyon nila. Pero hanggang ngayon hindi pa sila bumabalik. Siguro na eenjoy nila ang pagbabakasyon nila.  Buti pa sila nakakapag bakasyon na, samantalang ako hindi pa pwede dahil hindi pa ako pinapayagan ni Dr. Jeero.


Tatlong taon ko nadin hindi nakikita ang anak ko. Kamusta na kaya sya? sabi ni Dr. Jeero wala daw ako dapat ipag-alala dahil nasa kaligtasan ang anak ko ngayon at may kaibigan naman daw syang nurse doon kaya kahit papaano may nakakausap pa daw sya.

Ilang beses nadin akong nakiusap kay Dr. Jeero na kahit isang araw ay bibisitahin ko ang anak ko. Pero ayaw nya talaga dahil hindi ko pa daw bakasyon. Tatlong taon akong nagtratrabaho dito,pero ni isa wala akong natanggap na bakasyon. Miss na miss ko na ang anak ko.


Kung tatanungin nyo kung kamusta si Yara? naging malamig na ang pakikitungo nya saakin. Hindi lang saakin, kung hindi sa buong tao dito sa circus. Hindi ko na syang nakikitang lumalabas sa kwarto nya. Hindi ko alam kung bakit sya nagka ganyan, pero simula nung umalis sila Noah, Oliver, at James. Naging ganyan na sya. Ang sabi magbabakasyon lang naman daw kaya siguro babalik din sila at babalik nadin ang kasiglahan ni Yara.

Nagagalit na nga si Dr. Jeero kay Yara dahil matagal na syang hindi nag tratrabaho. Halos pumutok na ang ugat sa galit si Dr. Jeero kay Yara. 


Ako nalang mag isa ang nag peperform sa circus para sa mga tao. Nagrequest ako kay Dr. Jeero na isama nalang ang mga hayop na kagaya ng tigre, kabayo, Oso, at iba pa. Nakakulong lang naman ito sa circus kaya naisipan ko nalang na hingan ng pabor si Dr. Jeero tungkol dito. Para ito sa pag perform ko sa circus para mas lalong ma entertain ang mga tao.

------------------------------------------------------------------------------------------

Naglalakad ako ngayon  papunta sa kainan para mag almusal. Kumuha na ako ng pagkain, tinanggal ko ang upuan ,at umupo na ako sa sahig. Alam nyo naman dahil sa bigat ko ay baka masira ulet ang upuan.

Umupo ako at magsisimula na sanang kumain, pero napansin ko si Yara sa sulok at kumakain. Nakita kong napansin nya ako  at naglakad na papalayo. 

Naawa ako kay Yara dahil siguro napaka bigat ng problema nya. Kung ano man iyon, sana maayos na iyon.

Naisip ko nang kunin ang kutsara at tinidor at simulan na kumain. Totoo ang nakikita nyo. Kaya ko ng humawak ng kutsara o kahit anong metal dahil kontrollado ko na ang aking kapangyarihan.

Habang ako ay kumakain,naiisip ko ang anak kong si Faye.

Kamusta na kaya sya? natatandaan nya paba kaya ako? galit ba sya saakin dahil iniwan ko sya? Namimiss nya din kaya ako?

ito ang mga tanong sa isip ko ngayon. Tatlong taon ko ng syang hindi nakikita.

"Magandang Umaga po" Sabi ko sa kanya, pero parang wala lang syang narinig at dinaan nya lang ako.

Naisip kong makiusap ulet para makita ang anak ko kaya tatanungin ko sya. 

"Dr. JEERO!" tawag ko sa kanya, pero patuloy padin sya sa paglalakad.

Kahit dinedma nya lang ako, alam kong naririnig nya ako. 

"Pwede ko na po ba bisitahin ang anak ko?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko na napahinto sya saakin at tumingin. 

Ang tingin nya saakin ay parang gusto nya akong patayin.


"PFFFFT HAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAAHAHHA" Nagulat ako ng bigla kong marinig ang malakas na tawa ni Dr. Jeero. Palagi nalang syang ganyan kapag tinatanong ko, madalas syang ganyan tumawa. 

Ilang segundo ang pag tawa nya at huminto na sya.

"Ano ang sabi ko sayo? Hindi ba sinabi ko na kapag oras na ng bakasyon mo tyaka mo sya  bibisitahin?" Sabi ni Dr. Jeero.

"Madami kapang kailangan gawin kaya huwag mo muna intindihin iyon HAHAHAHAHAHAh" sabi ni Dr. Jeero at nag lakad papalayo.

------------------------------------------------------------------------------------------

Ang oras ngayon ay 8:19 pm na. Ilang minuto nalang ay magsisimula na ang palabas. Punong-puno ang tao sa circus. Hinahanda ko na ang aking sarili para sa palabas.  Naisipan ko muna magdasal para sa gagawin ko sa mga tao.



Pagkatapos ko mag dasal, akala ko ako nanaman mag isa mag peperform, dahil nakita ko ang isang pamilyar na tao sa harapan ko.



"Buti ok kana ngayon. Kaya mo naba mag perform?" Tanong ko kay Yara.


"Oo" Sabi nya at tumango. Naisipan ko nalang na hindi ko nalang sya muna kausapin dahil baka hindi pa maayos ang pakiramdam nya.

Nakita kong papunta na ang isang crew dito sa direksyon namin.

"Mr.Steel, hand-  ....... Yara? magpeperform ka ngayong gabi?" Gulat ng isang crew nung makita nya si Yara. Tumango nalang si Yara bilang sagot nya.

"Ganun ba?! edi maganda. 30 secs nalang tatawagin na kayo. Goodluck sa perform nyo ha?" Sabi ng crew at umalis.

Tinignan ko si Yara at tila wala lang emosyon ang muka neto.

*After 30 Secs*

"LADIES AND GENTLEMEN, ANDITO NA SI MR. STEEL AT ANG PAGBABALIK NG DATING PERFORMER O MAS KILALANG "FLAME GIRL" SI YARA!' sabi ng MC. 


Lumabas na kame pagkatawag saamin ng mc. Rinig namin ang sigawan ng mga tao nang lumabas kameng dalawa.

Sinimulan na namin magperform sa mga tao hanggang sa matapos kame.

------------------------------------------------------------------------------------------

Natapos na ang performance namin at nagsi uwian na ang mga tao.

Bumalik na agad si Yara sa kwarto nya at nagpahinga na ata sya. Nakita kong may sako ng basurahan sa gilid at hindi pa ito na itatapon kaya lumabas ako para ako nalang magtapon neto.

Nang maitapon ko na ang basura, may nakita akong  isang batang babae at isang matandang lalake na mga nasa 29 yrs old.


"Ang galing ng performance nila, papa" Sabi nung batang babae.

"Oo nga eh. Hayaan mo, ipupunta ulet kita dito tuwing sabado" Sabi nung lalake sa anak nya.

"Yeheey" sabi nung bata at umalis na sila gamit ang sasakyan nila.

Hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang luha ko habang pinagmamasdan ko ang mag-ama. Siguro bigla kong naisip si Faye habang  pinagmamasdan ko sila. 

Hindi ko na napigilan ang emosyon ko kakaiyak at nagpasya na akong pilitin si Dr. Jeero saaking makakaya para pumayag manlang syang bisitahin ang anak ko kahit isang araw lang. Wala na akong pake  kung magalit sya saakin.


Agad akong pumunta sa opisina ni Dr. Jeero. hindi ako  kumatok, Pumasok padin ako.


Nakita kong may pinipirmahan si Dr. Jeero na papeles at mukang napansin nya ako sa harapan nya.

"Ano ang kailangan mo, Mr.Steel?" sabi ni Dr. Jeero habang pumipirma ng papel.

"Payagan nyo na po akong bisitahin ang anak ko ngayon kahit isang araw lang." Sabi ko kay Dr. Jeero.

Nakita kong tumingin sya saakin at tinaasan ako ng kilay.

"Hanggang ilang beses ko ba sasabihin sayo na hindi na muna pwede" Sabi ni Dr. Jeero.

"Ilang taon na po akong nakakulong dito sa circus at ni isang beses hindi nyo ako pinayagan lumabas. Kaya nakikiusap ako na kahit isang araw lang, bisitahin ko ang anak ko." Sabi ko .


Nakita ko ang muka nyang nag pipigil tumawa.

"HAHAHAHAHAHHAHAAH." Tawa ni Dr. Jeero.

Hindi na ako nagulat dahil palagi naman syang ganyan.

"Hindi ba pumirma ka ng kontrata?! ano ng nirereklamo mo? Sabi ko papayagan lang kita magbakasyon o bumisita sa anak mo kapag gusto ko?" Sabi ni Dr. Jeero.


"PERO ILANG TAON NA AKONG NAGSESERBISYO DITO AT HINDI KO NA KAYANG TIISIN!!" sigaw ko dahil hindi ko na mapigilan ang emosyon ko.



" TUMAHIMIKA KA!!! ALALAY LANG KITA DITO KAYA WAG MOKONG SASAGUTIN NG GANYAN" sigaw pabalik ni Dr. Jeero saakin at binato ako ng tasa nya. Wala naman akong naramdamang sakit dahil gawa naman sa bakal ang buong parte ng katawan ko.

Tinignan ko si Dr. Jeero at nagpasya nalang akong umalis ng opisina nya. 

Pagkalabas ko ng opisina, nakita ko si Yara sa harap ko na parang nagulat sya. Siguro ay narinig nya ang alitan namin ni Dr. Jeero. Nagpasya nalang akong pumunta sa kwarto at mag pahinga.

Next Chapter.........

MR.STEELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon