Chapter 16

0 0 0
                                    

Marcel/ Mr.Steel's POV

"Hindi kaba nilalamig?"

Nagulat ako ng may mag salita at nakita kong si Yara pala iyon.

"A-ah naramdaman ko lang yung malakas na hangin at pag ulan ng nyebe, pero hindi ako giniginaw dahil sa bakal na ang aking katawan." sabi ko Sa kanya.

"Kanina ka pa dyaan?" tanong ko kay Yara.

"Medyo" sabi nya.

" Ano pala ginagawa mo dito sa labas?" tanong ni Yara. Napansin ko na parang bumalik yung kilala kong Yara.

"Ah wala lang. Naisip  ko lang na lumabas kasi......."

" Dahil ba naiisip mo Faye?" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nahulaan naman din nya iyon.

" Oo eh. Iniisip ko lang yung mga masasayang alala namin kaya ako lumabas" sabi ko kay Yara.

Napansin ko na parang lumungkot ang muka ni Yara.

"Yara?" tawag ko sa kanya at tumingin naman sya saakin.

"Iniisip mo padin ba sila James?" Tanong ko kay Yara. Tumango nalang sya sa sinabi ko.

Nakita ko na tumutulo na ang mga luha ni Yara mula sa mga mata nya kaya naisipan kong yakapin sya. Baka sakaling gumaan ang loob nya.


"Shhhh magiging ok din ang lahat." Sabi ko kay Yara.

"Nagbakasyon lang naman sila. Naniniwala ako na babalik sila dito at sasalubungin ka nila ng mahigpit na yakap" sabi ko sa kanya.

Umiling ang ulo nya sa sinabi ko.

"H-*sobs* hindi na mangyayare iyon dahil huli na ang lahat." Sabi ni Yara.  Bigla akong nagtaka sa sinabi nya.

"A-ano ang ibig mong sabihin na huli na ?" tanong ko sa kanya.

Humiwalay sa sa pagkakayakap saakin at huminga sya ng malalim. Pagkatapos ay tumingin sya saakin.

"Mr. Ste- este Marcel. May kailangan kang malaman. Pag pasensyahan mo na kung ngayon ko lang ito sinabi sayo"  sabi ni Yara.

"Ano ba ang ibig mong sabihin? naguguluhan ako sa mga sinasabi mo."  Sabi ko sa kanya.

" Si Dr. Jeero." Sabi ni Yara.

"Niloloko lang tayong lahat ni Dr. Jeero sa simula palang" Biglang lumaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

"T-teka...totoo ba iyan?" Tanong ko sa kanya.

"Oo. Pa-pasensya na ngayon ko lang sinabi" Sabi ni Yara habang nakayuko ang ulo nya.

"Papaano tayo niloloko ni Dr. Jeero? pwede mo ba i paliwanag saakin" sabi ko sa kanya.

Yara's POV

Hindi ko na talaga kaya ang pangloloko ni Dr. Jeero saamin lalo na kay Marcel. Dahil bago lang sya dito kumpara saamin.

"Makinig ka mabuti sa sasabihin ko" Sabi ko kay Mr.Steel. Tumango naman sya sa sinabi ko.


"Sa una talaga, wala talagang ibinibigay sayo si Dr. Jeero na pera. Gawa-gawa nya lang iyon. Matalino syang tao kaya nya nagagawang lokohin ka sa pamamagitan ng teknohiya. Napapansin mo ba na ayaw ka nyang masyado papasukin sa kanyang opisina? ayun ay dahil matalino kang tao at madali mong maiintindihan ang lahat ng mga pinaggagawa nya. Tatlong taon kana nyang niloloko." Paliwanag ko kay Mr.Steel.

"Teka, totoo ba yang sinasabi mo? may ebidensya kaba?" Tanong ni Mr.Steel.

"Meron." sabi ko.

Nilabas ko ang aking cellphone at pinarinig sa kanya na kausap ni Dr. Jeero ang sarili nya.

Ito ang sinasabi sa record na pinapakinggan ko kay Mr,Steel.

Namumuro na talaga yang Claymore nayan. - Dr. Jeero

Madalas ako kinukulet tungkol sa walang kwenta nyang anak- Dr. jeero

Buti nalang wala talaga akong binibigay sa kanyang pera HAHAHAHAhA- Dr.Jeero

Hindi naman talaga sya kumikita saakin, ako ang kumikita sa kanya para magkapera lalo HAHAHHA - Dr. Jeeo

Isa din sya sa mga isasanla ko kapag nalaman ko na nanghihina na sya - Dr. Jeero


Nakita ko ang muka ni Marcel na nakatulala.  Siguro naghalo halo na ang emotion nya.
Dapt siguro ay hindi ko nalang sinabi sa kanya ang katotohanan. Dapat ay hinintay ko muna ang tamang oras.

"P-pasensya na, hindi ko sinasadyang iparinig sayo yon. Nadagdagan pa lalo ang problema mo dahil saakin" Sabi ko habang yumuyuko sa kanya.

Huminga ng malalim si Marcel at tumingin saakin. Kitang-kita ko sa mata nya ang halong emotion na nararamdaman nya. Kasalanan ko ito kung bakit sya nag ka ganyan.

"Huwag ka humingi ng pasensya" Sabi ni Marcel. Napatingin ako sa kanya ng diretsyo dahil sa sinabi nya.

"Masaya ako at sinabi mo saakin ang katotohanan. Ngayon alam ko na  kung ano ang tunay na pakay talaga ni Dr. Jeero" Sabi ni Marcel na halatang pilit ang ngiti nya.

"Kung iniisip mong galit ako sayo, nagkakamali ka dahil tama lang ang ginawa mo." Dagdag pa ni Marcel.

"Pero may tanong ako" sabi ni Marcel.

"Ano yun?" sabi ko.


"Papaano mo na record ang mga sinasabi ni Dr. Jeero? at ano ang ibig sabihin nya na isasanla nya ako?" Tanong ni Marcel o Mr.Steel.


"Ang ibig nyang sabihin ay hinihintay ka nyang maging mahina dahil ang serum ni Dr. Jeero ay merong side effect. Magkakaroon ka ng mga syntomas kagaya ng lagnat, pananakit ng ulo, pananakit ng katawan, at iba pa kapag tumagal na ang serum sa katawan mo" Paliwanag ko kay Marcel.

"Tyaka pa sikreto akong pumasok sa opisina nya noon. Kaya ko ito na record" Sabi ko.

Marcel/ Mr.Steel's POV

"Ang ibig nyang sabihin ay hinihintay ka nyang maging mahina dahil ang serum ni Dr. Jeero ay merong side effect. Magkakaroon ka ng mga syntomas kagaya ng lagnat, pananakit ng ulo, pananakit ng katawan, at iba pa kapag tumagal na ang serum sa katawan mo" Paliwanag ni Yara saakin.

Teka kung ganun....ang ibig sabihin ay....


"Ang ibig sabihin sila James at ang iba pa ay...." 

"Oo, hindi talaga sila totoong nagbakasyon. Binenta na sila ni Dr. Jeero sa mga Uk na mga sindikato. At tuluyan silang papatayin." Sabi ni Yara habang pinipigilan nya ang luha nya.

"Ayun ba ang dahilan kung bakit ka naging malungkot netong mga nakaraang taon?" tanong ko kay Yara.

"Ayoko kasing matulad sila kila  Bryce at Benjamin." Teka, parang pamilyar saakin ang pangalan na sinabi ni Yara ah.

"Bryce at Benjamin? kung hindi ako nagkakamali, sila yung binalita sa telebisyon noon?" Tanong ko kay Yara.

"Teka binalita? ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ni Yara saakin. 

Wala kasing telebisyon dito sa Circus kaya siguro hindi nya alam ang iyon. Wala ding internet kaya balewala din ang mga cellphone o computer dito.

"Ano ang nangyare? bakit sila binalita??" Mga tanong ni Yara saakin.


"Nagkaroon daw kasi ng plane crash ang eroplano na sinasakyan ng mga kagaya nating naturukan ng serum papuntang UK. Lahat daw sila patay sa eroplano kasama na ang pilito" Pliwanag ako. Napatakip ng bibig si  Yara at tuluyan ng lumabas ang luha nya.


'Pero nakatakas daw ang dalawang kambal na nagngangalang Bryce at Benjamin. Hinahanap na sila ngayon. Hindi ko alam ang itsura nila dahil walang pinakitang litrato." Sabi ko. Bigla ko namang  nabuhayan ang muka ni Yara nang sabihin ko iyon.

"T-talaga?!" Sabi ni Yara.

" Oo, ayon ang sabi sa balita." sabi ko.

"Hay jusko, salamat sa Diyos." Sabi ni Yara.

"Teka Marcel, Kailangan mo na pala puntahan si Dr. Jeero at kailangan mo syang pigilan ngayon!" Biglang sambit ni Yara.

"Teka bakit?" Tanong ko sa kanya.


"Dahil narinig ko sa mga usapan ng alagad nya kanina na papunta na sya sa hospital ni Faye at gagawin na nyang apolikant ang anak mo!"  Sabi ni Yara.


Biglang kumulo ang dugo ko dahil sa galit ng sabihin ni Yara iyon.

Next Chapter......

MR.STEELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon