Matapos mawalan ng trabaho at pangsustento sa nag-iisang anak niya, walang nagawa si Marcel kundi kumapit sa patalim at pumasok sa (circus) na inalok ng isang sindikatong lalaki.
Walang kamalay-malay na doon na pala magbabago nang panghabang-buhay...
"Ako si Dr. Isaac Nikolas Jeero. Tawagin mo nalang akong.....Dr.Jeero" Sabi nung matanda sakin.
Sinenyasan nya ang isa nyang alagad na parang buhatin sya at binuhat sya sa harap ko. Pinagmasdan mabuti nya ang aking muka pati na ang aking katawan.
"Hmmmm.....pwede. Maganda ang nakuha mo, Sherwin." Sabi nung matandang pangalan ay Dr. Jeero.
"Kunin nyo ang briefcase!" Sabi ni Dr. Jeero sa mga alagad nyang malalaki ang katawan. Kinuha nila ang briefcase at binigay ito kay Sherwin.
Binuksan ni Sherwin ang briefcase at madaming pera ang nandoon.
"Salamat,Dr. Jeero" Sabi ni Sherwin.
"O paano bayan, Marcel. Goodluck nalang sa trabaho mo kay Dr. Jeero ah" Sabi ni Sherwin saakin.
"Oi Tek-" Naputol ang aking sasabihin dahil umalis na agad sya. Naiwan ako dito at napapalibutan ng mga alagad ni Dr. Jeero.
"Sumunod ka sakin" Sabi ni Dr. Jeero.
Sumunod ako sa kanya at nakita kong nag peperform na sila Yara.
Naka make up ang dalawang ulo na malaking katawan na sina Oliver at noah bilang payaso. Tila pinapatawa nila ang mga tao at nagtagumpay naman silang patawin ang mga ito. Si James naman ay ginawa nyang tatlo ang sarili nya at ginamit ang isang malaking ring. Binugahan ito ni Yara kaya nagka apoy ang circus ring. Nag parkour ang dalawang sarili ni James at sumunod sya. Tagumpay naman nyang nalusutan ang malaking ring na may apoy.
Si Yara naman. Bumuga sya ng apoy galing sa bibig nya at nagagawa nyang ibahin ang hugis ng apoy na binubuga nya. Kaya nyang gawing hugis, kabayong tumatakbo, Taong lumilipad na parang si Peter pan, at Hugis puso. Naaliw naman ang mga tao sa ginawa ni Yara. Lalong-lalo na ang mga lalake sa kanya. Maganda din kasi si Yara kaya siguro ay nagugustuhan din nila ang ginagawa ni Yara.
Nakakaaliw ang mga talento nila. Paano nga kaya sila nagkaroon neto?
"Maganda ang ginagawa nila, dba?" Nagulat ako nang magsalita si Dr. Jeero sa gilid ko bigla.
"O-opo" Tanging sabi ko sa kanya.
Nakalimutan kong kasama ko nga pala syang nanood dito sa taas. Hindi naman kame pansin dito taas dahil medyo tago itong lugar na ito.
Ganito pala karami ang mga tao sa loob ng circus.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
( Credits : Google)
"Hindi madali ang kanilang ginagawa kung ordinaryong tao ka lang at walang abilidad" Sabi ni Dr. Jeero.
Tinignan ko sya na nagtataka.
"Sumunod ka sakin para malaman mo" Sabi ni Dr. Jeero. Sumunod ako sa kanya papunta sa parang laboratoryo ang loob. Papasok na sana kame nang magsalita sya.
"Maiwan muna kayo dito. Kung sakaling may hindi magandang mangyari sa loob, Tyaka na kayo pumasok." Sabi ni Dr. Jeero sa mga alagad nyang malalaki ang katawan. Tumango sila at pumasok na sya sa loob.
Ano kaya ang ibig nyang sabihin na kung sakaling may gulong mangyayare? Kinakabahan na ako sa mga nangyayare sakin.
"Ano pa ang inaantay mo dyan? Tutunganga kanalang ba?" Nagising ako sa pagkakatulala ko nang magsalita si Dr. Jeero. Kanina pa pala ako walang kibo dito. Siguro sa kakaisip ko.
Pumasok ako sa loob at ito ang itsura ng laboratoryo nya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(Credits: Google)
ito ang laboratoryo nya. Napaka ganda ng laboratoryo nya. Hindi ko inaasahan na merong ganito sa loob ng Circus.
Pero nagtataka ako bakit parang merong mga bangkay ng tao at hayop na nasa loob? apat pa ang mga ito. Mukang bulok na ang mga katawan nila masyado, pero nakalagay padin sila sa loob na may kulay asul na gamot. Dapat ay makalibing na ang mga ito.
"Umupo ka dito" Sabi ni Dr. Jeero. Nakita kong may lamesa at may dalawang upuan. Umupo ako sa tapat nya.
"Gusto ko lang kitang interviewhin dahil mag-aaply ka daw dito sabi ni Sherwin. Gusto ko malaman lahat ng tungkol sayo at kung bakit mo gustong mag trabaho dito." Sabi ni Dr. Jeero.
3rd Person Point of View
Sinabi ni Marcel ang tungkol sa buhay nya kay Dr. Jeero. Sinabi ni Marcel na kailangan nya ng pera para sa operasiyon ng anak nyang si Faye. Nakikinig lang si Dr. Jeero kay sa sinasabi ni Marcel. Nililista nya ang mga mahahalagang sinasabi nya sa papel. Sinabi din ni Marcel na matalino daw sya sa matematika at agham. Mas lalong naging interesado si Dr. Jeero kay Marcel dahil doon.
"O sige, mukang narinig ko na ang dapat kong marinig" Sabi ni Dr. Jeero.
"Ano po ang ibig nyong sabihin?" Sabi ni Marcel.
"Pumasa ka sa interview natin ngayon" Sabi ni Dr. Jeero. Kitang- kita sa muka ni Marcel ang gulat at saya dahil pumasa sya sa interview ni Dr. Jeero.
"T-talaga po? Ibig sabihin po ba ay pwede na ako mag trabaho?" Sabi ni Marcel.
"Hindi" Sabi ni Dr. Jeero.
Nagtataka si Marcel kung bakit hindi pa pumayag si Dr. Jeero. Sinabi naman nyang pasado sya, pero hindi padin sya tanggap.
"Pwera nalang kung......"Sabi ni Dr. Jeero. Tinignan nya si Marcel kung mukang desidido ba talaga syang pumasok sa trabaho na iyon.
"Kung?" Sabi ni Marcel habang inaantay ang sagot ni Dr. Jeero.
"Kung pipirmahan mo ang contrata" Sabi ni Dr. Jeero at nilabas ang contrata at nilagay sa harapan nya.
"Basahin mo maigi ang contrata dahil kapag pumirma kana, wala ng bawian" Sabi ni Dr. Jeero.
Binasa ni Marcel ang contrata at nakita nyang may nakalagay na
*hindi na pwedeng bisitahin ang mga kamag-anak* Agad namang nagtaka si Marcel.
"T-teka....seryoso ba mga nakalagay dito?" Nagtatakang tanong ni Marcel.
"Oo, bakit umaatras kana ba? Sabihin mo lang kung ayaw mo habang maaga pa. Hahanap kame ng ibang tao at bibigyan namin ng malaking pera" Sabi ni Dr. Jeero.
Agad namang nalito si Marcel. Hindi nya alam kung ano ang desisyon na gagawin nya. Tinitignan nya mabuti ang contrata kung gagawin nya ba iyon para kay Faye.
"Pero" Tinignan ni Marcel si Dr. Jeero dahil nagsalita ito.
"Pwede mo naman bisitahin ang anak mo,Kapag sinabi ko lang. Huwag kang mag alala, bibigyan naman kita ng bakasyon kahit papano" Sabi ni Dr. Jeero.
Medyo na kumbinsi si Marcel sa sinabi ni Dr. Jeero.
Pumikit si Marcel at hinawakan na nya ang ballpen.
"Ikaw na bahala kay Faye, panginoon" Sabi ni Marcel sa isipan nya. Pinirmahan na nya ang contrata.
Ngumiti si Dr. Jeero dahil pinirmahan na ni Marcel ang contrata.
"Welcome, saaking Circus" Sabi ni Dr. Jeero at nakipag kamay sya kay Marcel. Tinanggap ni Marcel ang kamay nya.
"Sinabi mong magaling ka sa agham at matematika dba?" Sabi ni Dr Jeero. Tumango si Marcel sa kanya.
"Sumunod ka saakin. May gagawin tayo" Sabi ni Dr. Jeero kay Marcel.
Sumunod si Marcel kay Dr. Jeero at may pinakita si Dr. Jeero kay Marcel.