Matapos mawalan ng trabaho at pangsustento sa nag-iisang anak niya, walang nagawa si Marcel kundi kumapit sa patalim at pumasok sa (circus) na inalok ng isang sindikatong lalaki.
Walang kamalay-malay na doon na pala magbabago nang panghabang-buhay...
"Dahil narinig ko sa mga usapan ng alagad nya kanina na papunta na sya sa hospital ni Faye at gagawin na nyang apolikant ang anak mo!" Sabi ni Yara.
Biglang kumulo ang dugo ko dahil sa galit ng sabihin ni Yara iyon.
"HAYOP TALAGA SYA!!! PATI ANAK KONG MAY SAKIT SA PUSO AY IDADAMAY NYA PA!!" sigaw ko at binato sa malayo ang upuan dahil sa sobrang galit ko sa narinig ko.
"Mas malala pa sya sa Hayop, Marcel. Dahil si Dr. Jeero ay baliw na scientist. Wala ng ubra ang mga therapy sa kanya. Dahil ayon sa nabalitaan ko, lahat ng mga nag therapy sa kanya ay pinatay nya. Ang iba ay pinaglaruan nya muna bago ito pinatay." Paliwanag ni Yara.
"Pinatay nya din ang sarili nyang magulang" Sabi ni Yara.
Kaya pala madalas tumatawa yung Doctor na yun.
"Pero teka, sa sinabi mo kanina na merong side effect ang serum ni Dr. Jeero, papaano kapa nabubuhay o hindi nagkakasakit?" Tanong ko kay Yara.
Meron syang pinakita saakin na blue pill.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(Credits: Google)
"Inumin mo ito. Pasikreto kong ninakaw iyan kay Dr. Jeero sa laboratoryo nya noon. Kaya ako nakaligtas dahil sa pill na ito. Kapag ininom mo ito, wala ka ng mararamdamang syntomas kagaya ko." Paliwanag ni Yara.
"Pero bakit hindi mo nabigyan sila James noong nandito pa sila" tanong ko.
"Ayun ay dahil nahuli ako ni Dr. Jeero na ninakaw ko ang mga iyan noon. Kinuha ni Dr. Jeero ang mga blue pill at sinunog ito lahat. " Sabi ni Yara.
"Kaya ang nabigyan ko lang ay kambal na inaalagaan ko noon." Dagdag ni Yara.
"Inumin mo nayan, Marcel. Ayan nalang ang huling pill na naitago ko noon para sa mga Apolikant na kagaya natin" Sabi ni Yara.
"Apolikant?" tanong ko.
"Ayun ang tawag sa mga naturukan ng serum ni Dr. Jeero." Sabi ni Yara.
Ininom ko ang blue pill at napakalamig sa bibig neto. Pakiramdam ko ay gumaan ang pakiramdam ko.
"Walang anuman. Puntahan mo na si Dr. Jeero ngayon!" sabi ni Yara.
"Sige, mag iingat ka dito at salamat ulet." Sabi ko at tumakbo papuntang hospital ni Faye.
3rd Person Point of View
"Sige, mag iingat ka dito at salamat ulet." Sabi ni Mr.Steel kay Yara at tumakbo.
Tinignan ni Yara si Mr.Steel na tumatakbo hanggang sa mawala na ito sa paningin nya.
Samantala......
Narinig lahat ni Sherwin ang usapan nila Yara at Mr.Steel. Kaya nilabas na nya ang kanyang cellphone para tawagan si Dr. Jeero.
*krrrring* kriiiiiingg*
Dr. Jeero's POV
"Pakibilisan mo nga mag drive, madami pa akong gagawin" Sabi ko sa driver ko
*krrrring* kriiiiiingg*
Narinig kong tumutunog ang aking cellphone kaya kinuha ko agad ito at tinignan kung sino ang tumatawag.
Sherwin Richard is calling
Accept or Decline
Si Sherwin lang pala to. Akala ko naman kung sino.
Pinatay ko ang tawag, pero tumunog ulet ang cellphone ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa pangungulit neto kaya sinagot ko na ang tawag nya.
(in call..)
"Ano bang kailangan mo, Sherwin?" -Dr. Jeero
"Akala ko ba tapos na ang contrata mo sakin? nabigay ko na ang pera mo ah?" -Dr. Jeero
"Dr. Jeero, may kailangan importante kang kailangan malaman!" - Sherwin
"Ano iyon? at bakit ka nasa circus?" - Dr. Jeero
"Lahat ng plano nyo ay sinabi ni Yara kay Mr.Steel. Panigurado papunta na dyan si Mr.Steel para pigilan ka." -Sherwin
Agad namuo ang galit saakin dahil sa narinig ko. "Bilisan nyo na kung ano man ang plano ninyo. Dahi- Yara?! kanina ka pa dyan?!
"Kung ano man yang binabalak mo Dr. Jeero, hindi ka magtatagumpay!" Yara
(End Call)
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAGHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"Binato ko ang aking cellphone dahil sa sobrang inis.
Traydor talaga itong Yara na ito. Dapat pala ay tinapos ko na ang buhay nya noon palang
"Boss, kumalma ka lang." Sabi ng isa kong alagad.
"PAPAAANO AKO KAKALMA KUNG MERONG PUMIPIGIL SA PLANO KO!!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinutok ko ang baril saaking alagad.
Kitang-kita ko sa muka ng aking alagad na natatakot sya sa baril na nakatutok sa kanya.
"M-Mas lalo po nating hindi magagawa ang mga plano nyo kung mainit ang ulo nyo" Sabi ng aking alagad na kinakabahan.
Mukang tama sya sa sinabi nya. Huminga ako ng malalim at kinalma ko ang aking sarili. Tinago ko na ang baril na nakatutok sa kanya at ayaw ko naman din mag hanap ng alagad dahil mahirap kumuha ng tao.
Naisip ko munang mag sightseeing sa bintana habang umaandar ang kotse papunta saaming pupuntahan.
Habang ako nag si-sightseeing, may nakita akong isang na mukang maangas ang itsura at mukang mayabang na tao.
Biglang may pumasok sa isipan kong magandang ideya.
"Pakihanda ang 50,000 na dulyar at ang serum pati na ang injection" Utos ko sa alagad ko.
"Bakit po boss?" Tanong ng isang alagad ko.
"May nakita akong isang milagrong tutulong saatin MWHUAHAHAHAHAHAHA" Sabi ko sa kanila at tumawa ng parang walang kinabukasan.
Humanda ka, Mr.Steel. Mukang may nahanap na akong ka kakompetensya mo.