Chapter 15

3 0 0
                                    

(Kinabukasan..)

Marcel's  POV

Nagising ako ng mabigat ang aking pakiramdam. Siguro dahil sa lungkot na nararamdaman ko hanggang ngayon. Ginawa ko na lahat para pumayag si Dr. Jeero, pero ayaw nya padin talaga. Napaka higpit nya saakin. Buti pa yung tatlo na sina James, nakapag bakasyon na. Isang araw lang naman hinihingi ko para makasama ang anak ko.Mas maganda kasi yung nakikita ko sya ng personal para ganahan ako sa trabaho. 

Buti nalang wala akong performance mamaya. Pero kahit wala akong performance, nakakulong lang ako dito. Wala akong magawa buong maghapon. Kaya parang balewala din. Magsasayang lang ako ng oras ngayong mag hapon.

Nag pasya nalang akong bumangon para mag almusal dahil nakakaramdam na ako ng gutom. Naglakad ako papunta sa kainan ng circus para kumuha ng pagkain. 

Habang kumakain ako. Napansin ko na wala ang sasakyan ni Dr.Jeero. Baka siguro umalis? buti pa sya nagagawa nyang umalis kung kelan nya gusto.

------------------------------------------------------------------------------------------

Natapos na ako kumain at wala nanaman ako magawa. At dahil wala nga ako magawa, naisip ko munang lumabas para makasimoy ng hangin.


Lumabas ako at naramdaman ko ang niyebe mula sa langit.

Naalala ko. Dec, 24 nga pala ngayon. Hindi nanaman ako magpapasko kasama si Faye. Nakakalungkot isipin na wala sya dito sa tabi ko. Sana masaya sya kahit na wala ako sa tabi nya. 


 Pumikit ako at naalala ko bigla ang masasayang alala namin ni Faye nung pasko.

Naala ko nung huling paskong pagsasama namin.

*Flashback*

( Date: Dec, 24, 2018) 


December na ngayon at kame lang ni Faye ang nandito sa bahay para mag pasko. 
ang oras ngayon ay 11:30 pm na at ilang minuto nalang ay kakain na kame. Simple lang ang handa namin ngayon. Isang kilong spagetthi at isang 1.5 na softdrinks lamang ang pagkain namin dahil wala kameng sapat na pera para sa mga bigating handaan.  Wala din kameng sariling christmas tree at iba pang decoration dito sa bahay.

Napansin ko na may sinusulat si Faye sa lamesa kaya naisipan ko syang lapitan.

"Ano yang sinusulat mo?" tanong ko sa anak ko.

Bigla nyang tinago ang papel na sinusulatan nya.

"W-wala ito, papa." sabi ni Faye at umakyat sa taas. 

Para saan kaya yon?

Ah basta, mas maganda siguro i handa ko nalang ang plato at pagkain namin dahil ilang minuto naman din kaarawan na ng panginoon.

Pagkatapos kong ihanda ang mga pinggan at mga pagkain namin, nag pasya muna akong  silipin si Faye sa kanyang kwarto.


Pagkarating ko sa kwarto nya, nakita ko syang may sinusulat. Napansin ko kanina pa sya nag susulat. Para saan nga ba talaga iyon?


"Faye?" tawag ko sa anak ko. Nakita ko na nagulat sya sa pagtawag ko kaya tinago nya agad ang papel na sinusulatan nya.

"A-andyan ka po pala, papa. Kanina kapa po dyaan?" tanong ni Faye. 


"Ah, hindi. Kararating ko lang." Sabi ko sa kanya.

"May ginagawa ka paba?" tanong ko kay Faye.

"Wala na po. Tara, baba na po tayo." Sabi ni Faye at hinila ang kamay ko pababa.


Nang makababa kame, nakita ko ang orasan 11:58 pm na pala.ibig sabihin ay sumapit na ang pasko.

"O tara anak, punta na tayo sa lamesa dahil dalawang minuto nalang" Sabi ko sa kanya at umupo na kame sa lamesa.


Binigyan ko sya ng kutsara at tinidor at nilagyan ko nadin ng softdrinks ang baso nya.


"Dasal muna tayo anak" pag aaya ko kay Faye at tumango naman sya.

Nagdasal kame sa panginoon at nagpasalamat kame sa mga pagkain na meron kame kahit simple at kakaunti lang ito, ay biniyayaan nya padin kame ng ganitong handa.

"Amen" Sabi namin ni Faye.


"Kain na po tayo, papa." Sabi ni Faye saakin at sinandukan ko sya ng paborito nyang spaghetti. 

Nagsimula na kameng kumain.

"HMMMMMMM sarap naman po nito, papa" sabi ni Faye nang kainin nya ang spaghetti.

"Hay nako, nambola pa ang anak ko" Sabi ko sa kanya at nagtawanan kame.

MR.STEELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon