Marcel's POV
"Yara sino yung kasama mo?" Tanong ni James.
"Si Marcel yan. Naturukan na sya ng serum" Sabi ni Yara.
"SI MARCEL NAYAN?!!!!!" Sigaw nung tatlo."Oo, gulat kayo no? kahit ako din nagulat. Hindi ko lang pinahalata" Sabi ni Yara.
"Teka ang laki naman ng pinagbago mo, Marcel. Literal na malaki ang nabago. Mas malaki at mas matangkad kapa kila Noah at Oliver" Sabi ni James. Oo nga, napansin ko din na hindi lang lumaki ang aking katawan, tumangkad pa. Ang mga tangkad ko ay mga nasa 7'8 ft. Tapos sobrang laki pa ng katawang kong maskulado kumpara kila Oliver at Noah.
"Umupo kana, Marcel. Sabay-sabay na tayo kumain." Sabi nung isang ulo na si Oliver.
Pumunta na ako sa upuan para umupo. Pero imbis na makaupo ako, nasira ang upuan na inupuan ko dahil sa sobrang bigat ko. Nakita nilang bumagsak ako dahil nasira ang upuan at napansin ko sa mga muka nila na nag pipigil silang tawanan ako."PPFFFFT AHAHAHHAHAHAHAHAHAHHA" Rinig kong tumawa na si James
"Mag ingat ka kasi, Marcel HAHAHAHAHAHA" Sabi ni Oliver.
"Oo nga naman." Sabi ni Noah."AHHAHAHAHAHHA hindi ka kasi nag iingat" Sabi Yara.
Napabuntong hininga nalang ako at naisip ko nalang mag indian sit dahil mukang hindi ko naman kailangan ng upuan dahil sa laki ko. Kinuha ko na ang kutsara at susubo na ako para magkalaman na ang aking tiyan.
Pero napansin kong nalaglag ang pagkain at biglang nawala ang kutsara ko.
"May problema ba?" Sabi ni Yara.
"Nawala bigla yung kutsara ko" Sabi ko. Tinignan ko na ito sa ilalim, pero wala talaga.
"Hawak mo lang yun kanina ah" Sabi ni James.
" Hindi ko din alam kung bakit nawala eh" Sabi ko.
"O eto, buti may dala kameng extrang kutasara" Sabi ni James at binigay ito saakin.
Sususbo na sana ulet ako,pero napansin kong nawala ulet ang kutasara. Magtatanong na sana ako kung ano ang nangyare, pero kita ko sa muka nila ang gulat.
Nakita kong inabot sakin ni Yara ang kutasara nya.
"Eto oh, subukan mong hawakan at tignan mo lang ang kutsara." Sabi ni Yara. Sinunod ko ang sinabi ni Yara. Hinawakan ko ang kutsara at napansin ko ng parang pumasok ito sa loob ko. Napatayo ako bigla sa gulat.
"So ibig sabihin, hindi talaga ako na mamalik-mata sa nakita ko kanina" Sabi nung isang ulo na si Noah.
"Marcel, kaya mong humigop ng bakal kahit na bakal ka?" Tanong ni James."H-hindi ko sigurado" Sabi ko. Sa pagkakatanda ko ay may mga abilidad nga din pala binibigay ang serum at akala ko ay pag iibang anyo lang ang meron ako.
"Marcel, subukan mo ngang hawakan ang mahabang bakal na nakakalat sa sahig" Sabi ni Yara.
Lumapit ako doon sa bakal na nasa sahig at hinawakan ko ito, pero walang nangyare.
"Bakit ganun? wala naman nangyare kumpara mo sa kutsara kanina" Sabi nung isang ulo na si Noah."Subukan mong mag concentrate. Ganyan din kame nung una dahil hindi pa kame sanay sa abilidad namin." sabi ni Yara. Sinunod ko ang sinabi nya at napansin ko na na-aabsorb na ng katawan ko ang bakal.
Tumayo agad ako pagkatapos ko itong ma-absorb at pakiramdam ko ay parang nadagdagan ang lakas ko."Anong pakiramdam mo? " Sabi ni Yara.
"Para akong nagkaroon ng lakas nung nagawa kong ma absorb ang bakal" sabi ko.
"Ayos ah, akala ko anyo lang nabago sayo, may abilidad kana din pala" Sabi ni James.
Naisipan ko nalang umupo sa sahig at kumain gamit ang kamay ko. SIguro susubukan kong kontrollin ang abilidad na meron ako.
Nagkwekwentuhan lang ang mga kasama ko at nakikinig lang ako sa kanila. Pero syempre gusto ko din makisama sa kanila dahil baka isipin nila na hindi ako marunong makisama kaya makikisali nadin ako sa kwentuhan nila. Nang makasali ako, naisipan ko silang tanungin.
"Pwede ba ako mag tanong?" Sabi ko sa kanila. Nakita ko sa muka nila na inaabangan nila ang tanong ko.
"Kelan nyo pa huling nabisita ang pamilya nyo?" tanong ko sa kanila.
Nakita ko sa muka nila ang lungkot.
"A-ah sige huwag nyo na-"
"Hindi pa namin sila nakikita dahil patay na ang mga magulang namin. Kahit isa sa mga miyembro ng pamilya namin , hindi na namin alam kung nasaan sila." Sabi ni Yara. Dapat pala ay hindi ako nag tanong dahil mukang personal masyado ang tanong ko sa kanila.
Napansin ko na tinapik ako ni Yara sa balikat ko.
"Kung iniisip mong personal ang tanong mo saamin, ayos lang dahil matagal naman din yon" Sabi ni Yara. Tumango nalang ako at nag kwentuhan nalang ulet sila at nakinig nalang ako
Sa gitna ng aming kainan at kwentuhan, nakita ko ang isa sa mga alagad ni Dr. Jeero na lumapit saamin.
"Marcel Claymore, hinahanap kana ni Dr. Jeero sa labas" Sabi nung isang alagad ni Dr. Jeero at umalis na sya.
"Bakit kaya hinahanap si Marcel?" tanong nung isang ulo na si Noah.
"Eh dba ganun ginawa saatin lahat nung tinurukan tayo ng serum? siguro gusto nya lang din makita ang abilidad ni Marcel" Sabi ni Yara."Sige mauna na ako." Sabi ko sa kanila. Tumayo na ako at naglakad palabas para makita ko si Dr. Jeero.
Nang makalabas na ako. Nakita ko si Dr. Jeero na parang nag papahangin. Lumapit ako sa kanya at parang napansin nya naman ako.
"Hinahanap nyo daw po ako"Sabi ko kay Dr. Jeero. Lumingon sya saakin at ngumiti.
"Oo, dahil nabalitaan ko na gising kana daw" Sabi ni Dr. Jeero.
"Makinig ka, gusto ko malaman ang abilidad na meron ka ngayon. Gusto ko malaman ang kapangyarihan na binigay sayo ng aking serum" Sabi ni Dr. Jeero.
"Papaano ko naman po gagawin yon?" sabi ko kay Dr. Jeero.
Nakita ko na parang may sinenyasan si Dr. Jeero sa mga alagad nya. Umalis ang alagad nya at parang may kinuha ata.
Ano naman kaya gagawin ko? Ang alam ko lang naman ay kaya kong mag absorb ng bakal sa katawan ko.
Naisip kong sabihin ito kay Dr. Jeero.
"Ah Dr. Jeero" Tawag ko sa kanya at lumingon sya saakin."Kung hindi nyo pa po alam, nalaman ko na po ang aking abilidad" Sabi ko kay Dr. Jeero.
"At ano naman yun" sabi ni Dr. Jeero.
"Nalaman ko po kanina habang kumakain na kaya ko pong umabsorb ng bakal saaking katawan sa pamamagitan lamang ng pag hawak ko dito." Sabi ko kay Dr. Jeero.
Nakita ko sa muka nya na parang hindi sya na parang may kulang sa sinabi ko.
"Hindi ako kumbinsido, hindi ayan ang hinahanap ko. Malalaman ko yang abilidad mo kapag dumating na ang hinahanap ko." Sabi ni Dr. Jeero.
Ano ang ibig nyang sabihin?
"Boss, andito na po sya" Sabi nung alagad ni Dr. Jeero.
Nakita ko na may kasama sya na parang maskulado ang katawan at medyo kasing laki ko. Mas malaki din ito kila Noah at Oliver.
Next chapter.....
BINABASA MO ANG
MR.STEEL
Science FictionMatapos mawalan ng trabaho at pangsustento sa nag-iisang anak niya, walang nagawa si Marcel kundi kumapit sa patalim at pumasok sa (circus) na inalok ng isang sindikatong lalaki. Walang kamalay-malay na doon na pala magbabago nang panghabang-buhay...