Chapter 12

1 0 0
                                    

(Kinabukasan...)

Marcel's POV

Andito ako ngayon sa kwarto ko at ngayon ko lang nalaman ang abilidad ko na kaya ko palang gumawa ng iba't-ibang klaseng sandata sa magkabilang braso ko simula nung aksidente kong nahiwa ang braso ni Jonathan. Hanggang ngayon ay nakokonsensya padin ako sa nagawa ko kahapon.

Pero dahil wala akong magawa dito sa kwarto, sinubukan kong gawing iba't-ibang klaseng sandata ang aking mga braso ko. 

*Knock * knock*

Nakarinig ako ng kumakatok sa pintuan at tumayo para buksan ito. Pagbukas ko ng pintuan, nakita ko si Dr. Jeero na merong dala.

"P-pasok po kayo" sabi ko at pumasok sya at umupo sa higaan ko.

"Hindi na ako magtatagal dito sa loob dahil meron lang akong gustong ibigay sayo" sabi ni Dr. Jeero.

"Ano po ba yon?"Tanong ko.

Nakita kong binigay nya saakin ang dala nyang paper bag. Kinuha ko ito sa kamay nya at tinignan. Kulay itim na may halong pula ito at may nakalagay sa gita na " STEEL"

"P-para saan po ito?" tanong ko kay Dr. Jeero.

"Suutin mo yan para mamaya sa circus dahil mag sisimula kana" Sabi ni Dr. Jeero. Lumaki ang mata ko dahil sa sinabi nya. 

SA WAKAS!! MAGSISIMULA NADIN AKO MAGTRABAHO.

"M-maraming salamat po" Nauutal kong sabi dahil sa tuwa.

Umalis na si Dr. Jeero at parang binalewala nya lang ang  pasasalamat ko. Siguro ay hindi sya sanay sa ganun. Napansin ko din ang personality ni Dr. Jeero na medyo masungit at madalas tumatawa ng parang wala ng bukas. 

Tinignan ko ang damit at napakaganda neto. Sinuot ko ito at tumingin sa salamin para tignan kung bagay ba ito o hindi.

ito ang aking itsura nung sinuot ko ang damit.

Sakto lang saakin ang damit at nagustuhan ko naman ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sakto lang saakin ang damit at nagustuhan ko naman ito. Palagay ko ay bagay saakin itong damit na ito. Ang ganda pa ng tela at comfortable pa akong suutin ito.

Tinignan ko ang oras at 4:30 pm na. 8:30 start ng performance. 

Sa totoo lang, kinakabahan ako para mamaya. Pero masaya ako dahil magsisimula na akong mag trabaho dito sa circus.

Nagpasya na akong lumabas para mag almusal.

------------------------------------------------------------------------------------------

Habang ako ay naglalakad, nakarinig ako ng parang may umuubo sa kwarto ni James. Hindi ko ito pinansin, pero narinig ko bigla ang iyak ni Yara sa loob. Ano kaya ang nangyare?

Hindi sa pagiging chismoso, pero lumapit ako sa pintuan ng kwarto ni James at naririnig ko ang usapan nila.

"Tahan na, Yara. Hindi ko ito ipapaalam kay  d- *cough* *cough* Kay Dr. Jeero." Sabi ni James na umuubo.

"Dapat lang! dahil wala dapat makaalam neto saatin kung hindi tayong apat lang." Sabi ni Yara habang umiiyak.

Teka apat? so ang ibig sabihin kasama ang kambal na ulo na sila Noah at Oliver?

"OO nga ya- *Cough* *cough* Yara, huwag ka mag alala, walang makakaaalam neto." Rinig ko ang boses ni Oliver.

Ano kaya ang ibig nilang sabihin?

nagpasya nalang akong umalis at dahil mukang masyadong privacy ang pinaguusapan nila at hindi dapat ako makielam doon.

------------------------------------------------------------------------------------------

8:15 pm na an oras ngayon at ilang oras nalang para sa magiging performance nahinahanda ko na ang sarili ko sa palabas mamaya.

"Kinakabahan ka?" rinig ko sa likod kong nagsalita si Yara.

"A-ah oo eh" Sabi ko.

"Huwag ka mag-alala, masasanay kadin" Sabi ni Yara. Humarap ako sa kanya at kitang-kita ko sa mga mata nya na namamaga. Siguro ay dahil sa kakaiyak nya kanina.

Napansin nya siguro na nakatingin ako sa mata nya kaya siguro lumingon sya palayo saakin.

" Wala to, may pinagdadaanan lang ako ngayon kaya ganito mga mata ko" Sabi ni Yara.

"Pasensya na, hindi ko sinasadyang tignan. Napansin ko lang" Sabi ko kay Yara.

"Ayos lang" Sabi ni Yara.

"HOY! MAGSI HANDA NA KAYO DAHIL MALAPIT NA MAGSIMULA ANG PALABAS!" rinig namin ang isang crew.

Naramdaman kong tinapik ako ni Yara sa balikat.

"Goodluck sa gagawin mo mamaya." Sabi ni Yara 

"Ganda ng damit mo" Dagdag ni Yara at umalis na.

3rd Person's Point of View

Madami ng tao sa loob ng circus at nakahanda na sila Yara, James, at ang kambal na si Oliver at Noah. 

Si Marcel ay mamaya pa lalabas dahil baguhan palang sya. Magkakaroon sya ng sarili nyang performance mamaya para sa mga tao.

"Ladies and Gentlemen, Ihanda nyo na ang sarili nyo dahil mag sisimula na ang palabas!" Sabi ng isang MC.

Ilang minuto ang lumipas at lumabas na sila Yara, James, at ang kambal na sila Noah at Oliver.

Nagsimula na silang mag perform at aliw na aliw ang mga tao sa kanila. Punong-puno padin ang circus dahil sa kanila. 

Nanood si Marcel sa likod habang hinahanda nya ang sarili nya para sa mamaya. Hindi nya alam ang gagawin nya kaya mas lalo syang kinabahan.

"PSSST!" rinig ni Marcel na merong tumawag sa kanya. Paglingon nya, Nakita nyang si Dr.Jeero ang tumawag sa kanya. Lumapit si Dr.Jeero sa kanya.

"Ihanda mo na ang sarili mo dahil malapit kana" Sabi ni Dr. Jeero. Hindi nakasagot si Marcel dahil sa kaba nya, pero narinig nya ang sinabi ni Dr. Jeero.

"WHOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO" rinig nila ang sigaw ng mga tao dahil sa ginagawa nila Yara. 

Narinig ni Marcel ang tunog ng isang relo na parang timer mula kay Dr.Jeero. 

"Tumunog na ang aking relo, humanda kana dahil lalabas kana" Sabi ni Dr. Jeero.

"Mr.Claymore, ihanda nyo na po ang sarili nyo dahil lalabas na po kayo after 30 secs." Sabi nung isang crew.

 Tumango si Marcel sa crew at nag paalam muna si Marcel na aalis mun sya saglit.

Pumunta si Marcel sa tagong lugar at nagdasal sya sa mangyayare sa kanya ngayon.

Lumipas 30 segundo...

Nakahanda na si Marcel para sa palabas. Hindi man nya alam ang gagawin nya, pinapaubaya nalang nya sa Diyos ang lahat na sana gabayan sya.

Tumigil na ang palabas na ginagawa nila Yara at namatay na ang mga ilaw.Akala ng mga tao ay tapos na ang palabas, peropinatigil bigla sila ng MC.

"Hep,hep,hep.......hindi pa tapos ang ating palabas" Sabi ng MC
 
Sobrang dilim sa loob ng circus at nagtataka ang mga tao, hanggang sa.....

"Ladies and gentlemen, meron tayong bagong kasama ngayon na kakaiba,Bago, at paniguradong mamangha kayo sa kanya" Sabi ng MC.

"pinapakilala ko sainyong lahat..............

si  MR.STEEL!!!!!"

Next Chapter........

MR.STEELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon