3RD Person's Point of View
"Boss, andito na po sya" Sabi nung alagad ni Dr. Jeero.
Nakita ni Marcel ang isang lalakeng parang galit ang muka at napaka laki ng katawan kagaya ni Marcel."BOSS TAWAG NYO DAW PO AKO!"sabi nung parang galit na lalake na kasing laki ni Marcel. Tinignan sya ni Dr. Jeero at ngumiti.
"Buti nakarating kana, Jonathan." Sabi ni Dr. Jeero.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH" Sigaw ni Jonathan at hinagis bigla ang hawak nyang apple juice.
Mainitin ang ulo ni Jonathan dahil sa epekto ng serum ni Dr. Jeero. Payatot lang sya dati, pero nung sya ay naturukan na ng serum, naging maskulado na ang katawan nya at naging mainitin ang ulo. Hindi sya sinasama ni Dr. Jeero sa pagperform sa circus dahil alam nyang magkakagulo kapag si Jonathan ay nandoon.
Para sa mga hindi nakakaalam, ito ang itsura ni Jonathan.(Credits: Google)
"Ano po ba ang kailangn nyo boss????!!!!" Sabi ni Jonathan na nanggigil.
"Gusto ba ng suntukan ngayon?" Sabi ni Dr. Jeero.
"OPO!!! GUSTONG-GUSTO KO!!!" Sabi ni Jonathan.
Tinignan ni Dr. Jeero si Marcel at tinignan din sya ni Marcel. Mukang alam na ni Marcel ang ibig sabihin ni Dr. Jeero. Kaya kinabahan si Marcel.
"T-Teka, hindi ko gustong makipa-"Hindi na natuloy ang sasabihin ni Marcel dahil inunahan na sya ni Dr. Jeero.
"Sya ang makakasuntukan mo" Sabi ni Dr.Jeero habang naklturo kay Marcel.
"Pero Dr. Jeero, hindi talaga ako nakikipag away at ayoko ng gulo" Sabi ni Marcel.
"Hindi ba gusto mo ng pera? Ito na ang pagkakataon mo at gusto ko malaman ang abilidad mo" madiin na sabi ni Dr. Jeero.
"MWUAHAHAHAHHAHA huwag mong sabihin na umaatras ka?! hindi ba pumirma kana ng kontrata?" Sabi ni Dr.Jeero.
"Eh paano po kung mapuruhan ako?" Tanong ni Marcel.
"Kung napuruhan o namatay ka, hindi ko na kasalanan yon. Dahil sa una palang ay binalaan na kita" Sabi ni Dr. Jeero. Napabuntong hininga nalang si Marcel at mukang wala na syang magawa.
"Sige, pumapayag na ako" Sabi ni Marcel.
"MWUAHHAAHHAH magaling, magaling." Sabi ni Dr. Jeero habang tumatawa na parang baliw.
Palapit na si Jonathan kay Marcel at nanggigil si Jonathan dahil gusto na nyang yupiin ang katawang bakal ni Marcel. Umatras na si Dr. Jeero at ang iba nyang alagad dahil mag sisimula na ang laban nila.
Tinignan lang ni Marcel si Jonathan habang ito ay lumalapit sa kanya. Pero sa loob-looban ni Marcel, sya ay natatakot.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH" Sigaw ni Jonathan habang pasugod kay Marcel. Tumalon si Jonathan at sinuntok ang muka ni Marcel.
Pero imbis na si Marcel ang masaktan, Si Jonathan ang nakaramdam ng sakit sa sarili nyang suntok dahil sa bakal na katawan ni Marcel. Ni isang kirot walang naramdaman si Marcel, pero dahil sa lakas ng suntok ni Jonathan, napagalaw padin nya ang ulo ni Marcel.
"AARRGHHHH" Sigaw ni Jonathan habang nararamdaman padin nya ang sakit sa kamao nya.
"Pakiusap, ayoko ng gulo" Sabi ni Marcel.
Pero imbis na makinig si Jonathan sa kanya, mas lalong nanggigil sa galit si Jonathan kay Marcel.
"MAGBABAYAD KA!!!" Sigaw ni Jonathan habang sumugod sya kay Marcel.
Samantala......
Nagkwekwentuhan padin ang tatlo este apat pala habang kumakain. Hindi padin sila tapos kumain dahil nagkwekwentuhan padin sila simula nung umalis si Marcel.
Sa gitna ng kanilang kwentuhan, nakarinig sila ng sigaw sa labas na parang may away.
"Ano yun? " Sabi nung isang ulo na si Oliver.
"Parang may gulo sa labas ah" Sabi ni James.
"Ah wala yon. Baka sinusubukan lang ni Marcel ang abilidad nya. Hindi ba ganun din tayo dati?" Sabi nung isang ulo na si Noah.
"Siguro nga" sabi ni James.
"MAGBABAYAD KA!!!" rinig nila ang isang sigaw na pamilyar sila at na alarma si Yara dahil doon.
"Hindi boses ni Marcel ang narinig ko." Sabi ni Yara.
"Hindi kaya si ano yun....." Sabi ni Yara. Tumayo na sila at lumabas para tignan ang gulong nangyayari.
Pero bago pa sila makalabas, hinarangan na agad sila ng isa sa mga gwardiya ni Dr. Jeero.
"Hep hep hep, saan kayo pupunta?" Sabi nung Gwardiya ni Dr. Jeero.
"Titignan lang namin kung ano ang merong gulo sa labas." Sabi ni Yara.
"Hindi kayo pwede sa labas dahil may naglalaban." Sabi nung Gwardiya.
"Sino naman yung naglalaban?" Tanong ni Oliver.
"Si Marcel at si Jonathan" Sabi nung gwardiya.
"KALABAN NI MARCEL SI JONATHAN??!!" Sigaw nung apat.
"Teka hindi ba talaga nag iisip mabuti si Dr. Jeero? pwedeng mapahamak si Marcel dahil kay Jonathan. Alam naman natin na wala sa katinuan si Jonathan at baguhan palang si Marcel" Sabi ni Yara.
"Huwag ka mag alala, Taong bakal naman si Marcel ligtas sya sa mga suntok ni Jonathan" Sabi nung Gwardiya.
Nakita nila Yara na sinusuntok sya ni Jonathan, pero hindi lumalaban si Marcel.
"MARCEL ANO BANG GINAGAWA MO? LUMABAN KA" sigaw ni Yara.
Narinig ni Marcel ang sigaw ni Yara. Pero hindi sya makatingin dahil sinusuntok padin sya ni Jonathan.
"ANO NA?!!! LUMABAN KAAA!!!" Sigaw ni Jonathan habang sumusuntok kay Marcel."MWUAHHAAHHAHAHA sobrang ganda ng laban" Sabi ni Dr. Jeero habang kumakain.
"Marcel Kaya mo yan!!!" Rinig ni Marcel ang sigaw ni James.
"PATUMBAHIN MO SYA" Sigaw nila Oliver at Noah.
"LUMABAN KA PARA KAY FAYE" sigaw ni Yara.
Nang marinig ni Marcel ang pangalan ni Faye, nabuhayan sya at nakita nyang papunta ulet sa kanya ang kamao ni Jonathan kaya hinawakan nya ito.
Nang mahawakan ito ni Marcel, nagkaroon ng malakas na hangin mula sa pagkakahawak ni Marcel dahil sa lakas ng suntok ni Jonathan.
"Sabi ko sayo ayoko ng gulo" Madiin na sabi ni Marcel.
Nagpupumilit pumiglas si Jonathan sa pagkakahawak ni Marcel sa kamao nya.
"BITAWAN MO KO AT LUMABAN KA" sigaw ni Jonathan habang nag pupumiglas sa kamao ni Marcel.
Aksidenteng nadiinan ni Marcel ang pagkakahawak nya sa kamao ni Jonathan kaya nabali ang kamao nya.
"ARAAAAY" sigaw ni Jonathan.
Laking gulat naman si Marcel dahil sa nagawa nya.
"P-pasensya na...hindi ko sinasadyang mabali ang kanang kamao mo" Sabi ni Marcel.
Pero imbis na tumigil si Jonathan, sumugod padin sya gamit ang kaliwang kamao nya.
Inangat ni Marcel ang dalawang braso nya bilang proteksyon sa pagsugod ni Jonathan.
Pero imbis na suntok na naramdaman ni Marcel, dugo ang naramdaman nya sa muka at braso nya.
Nakita ni Marcel na naputol ang kaliwang braso ni Jonathan. Napansin ni Marcel na nakanganga ang mga taong nakatingin sa kanya kahit na si Dr. Jeero ay naka nganga din. Tinignan ni Marcel ang dalawang braso nya at nakita nyang naging spada ang mga ito na merong dugo ni Jonathan. Unting-unti bumabalik sa normal ang braso ni Marcel at hindi sya makapaniwala sa nangyare.
"P-pasensya na talaga, hindi ko sinasadyang maputol ang braso mo" Sabi ni Marcel.
Pero matigas padin ang ulo ni Jonathan at sumugod ito sa kanya kahit na putol ang kaliwang braso nya at bali ang kanang kamao nya.
Hindi alam ni Marcel ang gagawin nya kaya tinignan nya lang ito habang pasugod si Jonathan.
Pero habang tinitignan ni Marcel si Jonathan, aksidenteng may lumabas na laser sa magkabilang mata nya at natamaan si Jonathan. Tumagos ang laser sa katawan ni Jonathan at bumagsak sya.Nabutas ang katawan ni Jonathan dahil sa laser. Bumagsak sya at nawalan na ng buhay. Agad namang kinabahan si Marcel at lumapit sya sa katawan ni Jonathan, pero alam na nyang wala ng buhay si Jonathan.
"Magaling ang ginawa mo, Marcel." Rinig ni Marcel ang boses ni Dr. Jeero sa likod nya.
"Hindi ko intention na pumatay ng tao" Sabi ni Marcel.
"Huwag mo na intindihin iyon dahil magaling ang ginawa mo. Parte ng trabaho yan kaya tama lang iyon." Sabi ni Dr. Jeero at umalis.
Next Chapter...
BINABASA MO ANG
MR.STEEL
Ciencia FicciónMatapos mawalan ng trabaho at pangsustento sa nag-iisang anak niya, walang nagawa si Marcel kundi kumapit sa patalim at pumasok sa (circus) na inalok ng isang sindikatong lalaki. Walang kamalay-malay na doon na pala magbabago nang panghabang-buhay...