Chapter 13

0 0 0
                                    

3rd Person's Point of View

"Ladies and gentlemen, meron tayong bagong kasama ngayon na kakaiba,Bago, at paniguradong mamangha kayo sa kanya" Sabi ng MC.

"pinapakilala ko sainyong lahat.............. si MR.STEEL!!!!!"

Sinabi ni Dr.Jeero sa mc na kapag tatawagin na si Marcel, Mr.Steel ang itawag sa kanya dahil ayun ang magiging stage name nya sa circus.

 Nung una nagtataka si Marcel kung bakit Mr.Steel ang tinawag sa kanya. Pero dahil matalino sya, naintindihan nya agad iyon. At ayon na ang itatawag sa kanya.

Dahang-dahan naglalakad si Mr.Steel sa gitna at nararamdaman nya na lahat ng tao ay nakatingin sa kanya. Gulat na gulat ang mga tao dahil sa itsura nya, pero hindi ito isang beses na may ganyang sumali dati sa circus dahil may mga kakaiba nadin na itsura ang nagperform sa palabas na ito. Sa kanya lang din nakatutok ang ilaw. Sinusundan sya ng ilaw sa paglalakad nya, hanggang sa tumigil sya sa gitna. Hindi nya alam ang gagawin nya kaya nakatayo lang sya doon. Nakikita ni Mr.Steel sa mga muka nila kahit na madalin ang paligid na parang naiinip na sila dahil wala pang ginagawa si Mr.Steel.

Maya-maya ay nakarinig na sya ng batikos ng mga tao.

"HOY ANO TATAYO KANA LANG BA DYAN?!!!!"

"SINASAYANG MO ORAS NAMIN"

"ANG BADOY NAMAN NETONG ISANG ITO. MAS MAGALING PA YUNG MGA NAUNA EH." 

sabi ng mga taong nagagalit sa kanya.  Pinagbabato na sya ng kamatis dahil sa sobrang inis ng mga tao.

Gulong-gulo na ang isip ni Mr.Steel dahil hindi nya alam kung papaano ito sisimulan. Pumasok sa isip nya na pinagsisihan nyang pumasok sa ganitong trabaho.

"PSSST!!" Nakarinig si Mr.Steel ng tawag mula likod ng stage. At nakita ni Mr.Steel na sila Yara pala iyon.

Sinenyasan ni Yara na huminga muna si MR.STEEL ng malalim para makapag isip ng mabuti. Ginawa naman ni MR.STEEL ang sinabi ni Yara. 

Dahil sa sobrang inip ng mga tao, may isang lalakeng nakakita ng batong malaki at binato ito kay Mr.Steel.

Napansin ni Yara na merong papuntang bato kay MR.STEEL at sinenyasan nya si Mr.STEEL tungkol dito.

Tumingin si Mr.STEEL at nakita nya ngang may paparating na malaking bato sa kanya.

Kinabahan sya habang tinitignan nya ito. Pero dahil sa kanina pa sya nakatitig, Hindi nya namamalayan na nailabas ang HEAT VISION (Laser Eyes) nya. Nagkapira-piraso ang bato dahil doon. At dahil doon, Napalitan ang muka ng mga tao sa tuwa dahil sa pinakita ni Mr.STEEL.  Ngayon lang kasi nila nakita ang ganung abilidad sa circus kaya natuwa sila.

Nagbukasan na ang ilaw at mas lalong natuwa ang mga tao.

Medyo natuwa si Mr.Steel dahil sa nagawa nya. Pero sa gitna ng kaaliwan ng mga tao, nakarinig sila na parang may nasisira sa Ceiling tent. Tinignan ni Mr.STEEL ito at laking gulat nya ng makita nya ang isang malaking truck na nakasabit doon at malapit na maputol ang manipis na tali doon. Nagtataka si Mr.STEEL kung papaano at bakit nagkaroon ng truck sa taas ng ceiling tent.

Pero sa kabilang banda, kasama sa plano ni Dr. Jeero ang tungkol doon para lang kay MR.STEEL.

Nakita ng mga tao na naputol na ang tali ng higanteng truck at pabagsak na ito kay MR.STEEL. Nagsigawan ang mga tao dahil dito, pero na alarma si Mr.Steel at sinalo nya ang truck. Nung una ay nabibigatan sya, pero dahil sa kanyang abilidad na sobrang lakas o Super Strength, Nagawa nyang buhatin ito at parang medyo magaan nalang sa kanya ang higanteng truck. 

Hindi makapaniwala si Marcel o Mr.Steel na magagawa nyang buhatin ang isang malaking truck na nahulog mula sa Ceiling tent. Para sa mga nagtataka kung papaano nakatayo padin ang tent ng circus, ayun ay dahil sa mga bakal na na katayo dito at ang mga bakal na ito ay Titanium. Ang Titanium ay pangalawa sa malakas na bakal sa Fuertanium na kagaya ni Mr.STeel.

Kitang-kita ni Mr.Steel ang tuwa ng mga tao dahil sa pinakita nya kaya naisip nyang ihagis ang truck at ginawa nyang  spada ang magkabilang braso nya at tumalon para mahiwa nya ang truck. Mas lalong nagsigawan ang mga tao dahil sa pinakita ni Mr.Steel.

Ang mga taong naiinis kanina kay Mr.Steel, ngayon ay natutuwa at hinahangaan na sya.

Biglang pumasok sa isip ni Yara na tulungan si Mr.STEEL. 

"Tara tulungan natin sya." Sabi ni Yara sa tatlo.

"Hindi ba tayo pagagalitan ni Dr.Jeero? Baka magalit sya kasi nakikielam pa tayo. Isa pa, tapos na ang performance natin" Sabi nung isang ulo na si Noah.

"Hindi yan, akong bahala" Sabi ni Yara at kumindat.

Pumasok ulet sila Yara sa stage at mas lalong naaliw ang mga tao dahil sa pag babalik nila.

"Ano ginagawa nyo dito?" Sabi ni Mr.Steel.

"Edi ano pa nga ba? Edi tinutulungan ka" Sabi ni Yara.

hinanda na nila Yara ang posistion nila.

Ginamit ni Yara ang kapangyarihan nya para sindihan ang dalawang circus ring.

Tinawag ng kambal na sina Noah at Oliver ang kabayo nila at sumakay doon. Umikot sila at pinapunta sa direksyon ng umaapoy na circus ring at nagawa nilang  lumusot doon ng ligtas. Pagkatapos non tumambling sila Noah at Oliver bilang entertainment sa mga tao.

Si James naman.

Sumakay sa isang isang circus canon at sinindihan iyon ni Yara. Pagkasindi ni Yara, sumabog ang circus canon at nakikita nilang nasa ere si James. Habang nasa ere si James, ginawa nyang tatlo ang sarili nya na parang si Chuck na nasa angry bird.

(A/N: Yung kulay Yellow)

May trampoline naman sumalo sa kanya kaya ligtas padin sya. 

Si Yara  naman, sinensyasan nya si Mr.Steel na ihagis sya sa ere na parang gymnastic. Ginawa ni Mr,Steel iyon. Pag kahagis ni Mr.Steel, bumuga si Yara sa ere at umikot at kitang-kita ng mga tao ang Aesthetic na ginagawa ni Yara.

Nang bumabagsak na sa ere si Yara, sinalo ito ni Mr.Steel at binuhat silang apat. At sabay - sabay silang nag bow. Nagpalakpakan ang mga tao dahil sa ginawa nila.

"WHOOO ANG GALING NYONG LAHAT!!!" 

"THE BEST KAYO!!"

"YARA NAPAKA GANDA MO!"

"NOAH, OLIVER, AT MR.STEEL ANG ASTIG NYO!!!"

"JAMES NAPAKA TALENTED MO"

sigaw ng mga tao sa kanila. Natapos na ang palabas sa circus at nag si uwian na ang mga tao. 

Nagpalakpakan sila dahil sa kanilang ginawa. 

"Whoooo galing natin grabe" Sabi ni Noah.

"Oo  nga eh, syempre si Marce- este si Mr.Steel pala. Hindi natin magagawa yon kung wala sya" sabi ni Yara.

"Ano ba naman kayo, syempre mas lalong hindi ko magagawa yon kung wala kayo" Sabi ni Mr.Steel. Nag tawanan sila hanggang sa makarinig ng.....

"EHEM!" rinig nila sa likod nila at nakita nilang si Dr.Jeero iyon.

"Magaling ang pinakita nyong lahat, lalong- lalo kana, Mr.Steel" Sabi ni Dr. Jeero.

"Maraming salamat po" sabi ni Mr.Steel.

"Mula ngayon, hindi kana tatawagin sa totoo mong pangalan, tatawagin kanang Mr.STEEL" 

sabi ni Dr. Jeero at umalis.

Narinig ni Marcel tumunog ang cellphone nya at nakita nya ang sahod na binigay sa kanya.




NEXT CHAPTER........

MR.STEELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon