Marcel's POV
Kukunin ko ang walet ko sa bulsa ng jacket ko para makita kung magkano nalang ang aking pera,
pero may nakapa akong papel at nagulat ako sa nakita ko.
Ito na kaya ang susi para sa operasyon ni Faye?Ang Jeero's Circus show
Papasukin ko naba ito? Teka, Mamaya illegal pala ito.
Pero kailangan ko na talaga ng pera para kay Faye.
Napasabunot nalang ako sa sarili ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Tinignan ko ulet ang papel.Siguro...Kahit ngayon lang.....Kumapit muna ako sa patalim..
Tinago ko na ulet ang papel sa bulsa ko at kinuha ang wallet ko para bumili nalang ng tinapay kay Faye.
------------------------------------------------------------------------------------------
Pagkatapos kong bumili ng tinapay, agad akong bumalik sa kwarto ni Faye.
"Ito oh" Sabi ko kay Faye.
Kinuha nya ang dala ko para sa kanya.
"Salamat papa" Sabi nya at hinalikan ako sa pisngi. Nanood si Faye habang kumakain. Kaya nagpasya muna akong umupo malapit sa pintuan at tignan ulet ang papel na binigay saakin nung lalake.
Ano ulet pangalan nun, Sherwin? ah basta. Tinignan ko ang papel at merong phone number.
"Papa, ano yang hawak mo?" Nagulat ako nang magsalita si Faye. Napansin nya pala ako dito. Agad kong tinago ang papel.
"A-ah wala. Sige alis muna ako saglit. May tatawagan lang ako." Sabi ko kay Faye.
Lumabas na ako ng kwarto nya at tinawagan ang number na nasa papel.
*Phone ringing*Unknown Person: Hello? sino to?
Marcel Claymore: A-ah ako nga po pala si Marcel Claymore. Tanong ko lang po kung may bakante pa po kayo dyan? kailangan ko lang po kasi ng trabaho.Unknown Person: Oi ikaw pala. Natatandaan mo paba ako?
Marcel Claymore: Ah...pasenya na siguro hindi?
Unknown Person: Ako to si Sherwin. Yung nag bigay ng papel sayo?
Marcel Claymore: Ah oo. Ikaw pala.Sherwin: Oo meron kameng bakante dito. Kung gusto mo mag-apply, puntahan mo nalang yung address na nasa papel.
Sherwin: Kita nalang tayo bukas. Abangan kita ng mga 9:00 am.
Marcel: Sige salamat.*End Phone Call*
Pumasok na ulet ako sa loob ng kwarto ni Faye pagkatapos ang pag-uusap namin ni Sherwin.
"Sino yung kausap mo, papa?" Tanong ni Faye.
"Kinausap ko lang yung kaibigan ko, kung pwede paba ako sumali sa trabaho nila." Dahilan ko Faye.
"Natanggap kaba, papa?" Tanong ni Faye.
Hindi ko na alam ang sasabihin ko kaya tumango nalang ako.
"YEHEEYYY !!!!may trabaho na ulet si papa." Masayang sabi ni Faye.
Hinayaan ko nalang syang mag saya doon, habang ako ay namomoblema kung tama ba talaga ang pinapasok ko. Ang gusto ko lang naman ay makapag pa opera na si Faye."Faye, bukas pala maaga ako aalis para mapuntahan ko yung ma-applyan kong trabaho. Medyo matatagalan si papa" Sabi ko sa kanya.
"Ok lang po. Naiintindihan ko" Sabi ni Faye. Hinalikan ko ang noo nya at nagpasya na kameng matulog.------------------------------------------------------------------------------------------
(Kinabukasan....)
Tumunog na ang cellphone ko dahil nag set ako ng alarm para magising ng maaga. Hinanda ko na ang aking sarili sa pag-alis. Pero bago ako umalis, naisipan ko munang magpaalam kay Faye.
"Hmmmm" sagot na natutulog na si Faye habang ginigising ko sya.
"Aalis na ako. Babalik agad ako ha." Sabi ko kay Faye.
"Sige po. Ingat po kayo" Sabi ni Faye at niyakap ko sya ng mahigpit.
"Magiging ayos din ang lahat" Sabi ko. Tinignan ko ulet si Faye sa mga huling sandali. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko matagal kameng hindi mag kikita. Sinara ko na ang pintuan at tuluyan ng umalis.
BINABASA MO ANG
MR.STEEL
Science FictionMatapos mawalan ng trabaho at pangsustento sa nag-iisang anak niya, walang nagawa si Marcel kundi kumapit sa patalim at pumasok sa (circus) na inalok ng isang sindikatong lalaki. Walang kamalay-malay na doon na pala magbabago nang panghabang-buhay...