Chapter 2

3 0 0
                                    


Marcel's POV

"PSST!!" Lumingon ako at nakita ko ang lalakeng mukang sindikato.

Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Naramdaman kong sumusunod sya saakin at binilisan ko nalang ang lakad ko. Baka isa itong holdaper at wala pa naman akong pera na maibibigay sa kanya.

Habang ako ay naglalakad, hindi ko namamalayan na nasa harapan ko na pala sya.

"Chill ka lang, gusto lang kita kausapin" Sabi nya.

Medyo kinakabahan ako dahil baka may gawing masama ito saakin.

"Hindi kita sasaktan, huwag ka mag alala" Sabi nya.

"Ako nga pala si Sherwin" Sabi nya. Inalok nya ang kamay nya para makipag kamay saakin, pero tinignan ko lang ito.

Binawi na nya ang kamay nya.


"Matagal ka nabang nag tyatyaga sa trabaho nayan?" Sabi ni Sherwin.

Hindi ko sya pinansin at naglakad nalang ulet ako.

"Teka lang!" Sabi ni Sherwin. Sumabay sya sa paglalakad saakin.

"Pwede kita matulungang kumita ng malake." Sabi ni Sherwin.

"Salamat nalang. Kuntento na ako sa saaking trabaho." Sabi ko sa kanya.

"Pero pwede kang kumita ng million dito. Ang kailangan mo lang gawin ay mag eentertain ka sa mga tao. Medyo mahirap nga lang ang gagawin mo, pero sulit naman ang sweldo dito" Sabi ni Sherwin.

" Pasensya na. Katulad ng sinabi ko kanina, kuntento na ako sa trabaho ko at may isa pa akong trabaho kaya salamat nalang. At higit sa lahat, hindi ako magaling sa mga bagay nayan" sabi ko sa kanya.

Maglalakad na sana ako, nang hawakan nya ang braso ko at napahinto ako.

"Teka, atleast tanggapin mo manlang ito" Sabi nya saakin.

Binigyan nya ako ng isang papel.

"Kung magbabago ang isip mo ay tignan mo lang ang address na iyan at nandyaan ang phone number ko." Sabi ni Sherwin at umalis na sya.

Tinignan ko ang papel at ito ang nakasulat.

Tinignan ko ang papel at ito ang nakasulat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Totoo kaya ito? baka mamaya scam lang ito.

Itatapon ko na sana ito, kaya lang parang nanghihinayang ako. Kaya tinabi ko nalang sa bulsa ng jacket ko.  Nagpatuloy na ulet ako sa pag-lalakad  para makauwi na.

Naisip kong bilhan muna si Faye ng paborito nyang spaghetti. Bumili ako at umuwi na.

-------------------------------------------------------------------------------------

Pagbukas ko ng pinto, naabutan ko si Faye na natutulog sa lamesa habang nakubukas ang telebisyon at  kalat kalat ang mga notebook nya. Siguro ay nag-aral sya nung wala ako.

Ginising ko sya ng konti dahil alam kong hindi pa sya kumakain.

"hmmm?" rinig kong gising na si Faye.

"Nakauwi kana pala, papa" Sabi ni Faye at niyakap nya ako.

" May pasalubong ako" Sabi ko sa kanya at pinakita ko ang spaghetti nya.

"Yehey!" Sabi nya at kinuha ang spaghetti sa kamay ko.

umupo ako sa tapat ni Faye at pinanood ko lang sya kumain.

"Ang sarap naman neto papa. Kumain kana po?" Tanong ni Faye saakin.

"Hindi pa anak, pero ayos lang. Makita lang kitang kumakain, busog na ako" Sabi ko kay Faye.

Pumunta si Faye sa kusina at kumuha ng isa pang tinidor.

"Eto oh" Sabi ni Faye. 

"Pero anak, ayos lang naman kah-" Naputol ang sasabihin ko nung mag salita ulet si Faye.

"Masmaganda na yung kumakain ka, papa. Para may lakas ka ulet sa trabaho at ayokong nakikita kang nagugutom habang ako ay kumakain" Sabi ni Faye.

"Hindi ba sabi sayo dati ni Mama, Matutong mag share?" Dagdag pa ni Faye.

Napaka bait talaga ng anak ko. Buti nalang nagmana talaga sya sa nanay nya.

Kinuha ko na ang tinidor at kumain na kameng dalawa. Tatlong araw na kasi akong hindi kumakain dahil ang perang kinikita ko ay panggastos ko lang sa bahay at kay  Faye.

-------------------------------------------------------------------------------------

Tapos na kame kumain at hinugasan ko ang aming pinagkainan.  NIligpit nadin ni Faye ang kalat nya at nag walis nadin sya ng kalat.

Naghilamos na kame ng katawan namin at nag sipilyo.

Umakyat na kame at hinatid ko nasi Faye sa kwarto nya.

"Papa, pwede mo ba ako samahan matulog?" Sabi ni Faye.

"Sige anak" Sabi ko sa kanya at lumapit ako sa higaan.

Humiga na kameng dalawa 

"Pwede moko kwentuhan ng bed time story?" Tanong ni Faye.

"O sige ba, ano ba gusto mong kwento?" Sabi ko sa kanya.

"Kahit ano po" Sabi nya saakin.

Naisipan kong i kwento sa kanya ang buhay ni Repunzel dahil paborito nya naman ito. Kinwento ko ito hanggang sa matapos.

"Maraming salamat sa kwento, papa. Goodnight" Sabi ni Faye at hinalikan ako sa pisngi.

Nakita kong pumikit na si Faye at tuluyan na syang natulog.

"Siguro anak kung nabubuhay ang nanay mo, baka mas masaya tayo ngayun. Pero baka ito talaga binigay ng tadhana sa kanya." Sabi ko kay Faye na natutulog. 

Hinalikan ko ang noo nya at nagpasya nading matulog.

-------------------------------------------------------------------------------------

Ilang oras nang lumipas, hindi padin ako makatulog. 

Hindi mawala saakin ang sinabi ng lalakeng nag ngangalang Sherwin, kanina. Bakit ko ba iniisip yun? Bakit hindi mawala sa isip ko ang sinabi nya?

Kuntento naman din ako sa trabaho ko.  Dalawa pa nga eh. Naisip kong umupo muna para kumalma ang isipan ko. 

Hindi naman ako magaling mang entertain ng tao, pero pakiramdam ko gustong-gusto kong pasukin ang trabaho na iyon.

Tinignan ko ang orasan at 2:15 AM na pala. Nagpasya na akong kalimutan ang tungkol sa circus.

Humiga na ako at tuluyang natulog.

-------------------------------------------------------------------------------------

(Kinabukasan......)

"PAPA!! PAPA!!! GISING NA MALALATE NA TAYOOOO" rinig kong sigaw ni Faye. Pag dilat ko ay umaga na pala. Tumingin ako sa orasan at Sh*t 8:30 am na pala.

Agad na akong nag bihis. Hindi na ako naligo. Nag hilamos at nag sipilyo nalang ako.

Napuyat kasi ako kakaisip dyan sa Circus nayan.

"Pasensya na anak. Napuyat ako kagabi" Sabi ko kay Faye.

"Ayus lang yun, papa" Sabi ni Faye.

Umalis na agad kame pagkatapos ko mag bihis. 

Hinatid ko na si Faye sa eskwelahan nya.

" Makinig ka mabuti sa guro mo ah. Ayokong mababalitaan kang nagpapasaway at nakikipag away" Bilin ko sa kanya.

"Opo papa." Sabi ni Faye at hinalikan ako sa pisngi. 

Nagpaalam na kame sa isa't isa at tinignan ko ang orasan.

9:30 AM na. Tumakbo na ako papunta sa building company na pinapasukan ko bilang janitor.

Pumasok ako sa loob at hingal na hingal na ako. Agad ako dumeretsyo sa banyo para magbihis ng uniporme ko.

Nagsimula na akong mag linis.

Next Chapter...

MR.STEELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon