Chapter 3

3 0 0
                                    

Marcel's POV

Lumipas ang tatlong oras, natapos din ako sa aking trabaho at lunch time na.
 Pumunta ako sa Canteen at  tinignan ko ang laman ng wallet ko. Kakaunti nalang pala ang pera ko at naisipan ko bumili at uminom ng tubig.

Nagpahinga ako ng kalahating oras habang umiinom. 

"CLAYMORE!!" Rinig kong tawag ng boss ko sakin. Agad akong tumayo at lumapit sa kanya.

"Bakit po?" sabi ko sa kanya.

"Balita ko late kananaman?" Sabi ng boss ko.

Tumango ako sa sinabi nya.

" Hindi ba at pinagusapan na natin ito?  Nakailang late kana sa trabaho ko." Sabi ng boss ko.

"Pasensya na po sir." Sabi ko sa kanya. 

"Ito ang tatandaan mo ha. Kapag may narinig pa akong late o kahit anong hindi ko gustong marinig tungkol sayo, wala akong magagawa kung hindi tanggalin ka." Sabi ng Boss ko.

Natakot naman ako sa sinabi nya at hindi ko namamalayan na nakatulala na pala ako.

"Hoy naririnig mo ba ako?" Sabi ng boss ko. Nagising ako sa pagkakatulala ko nung sabihin nya iyon.

"O-opo sir.." Sabi ko. Nakita kong umalis na sya sa harapan ko. 

Naka ilang late at absent na kasi ako dahil minsan ay kinukulang ako sa tulog. Dumdagdag pa yung kagabi.

Tinignan ko ang orasan at  nakita kong oras na ulet para mag trabaho.

Sinimulan ko na mag trabaho.

Habang ako ay nag mo-mop, hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ng boss ko saakin kanina.

"Ito ang tatandaan mo ha. Kapag may narinig pa akong late o kahit anong hindi ko gustong marinig tungkol sayo, wala akong magagawa kung hindi tanggalin ka."

Sisiguraduhin kong aayusin ko na talaga ang pag tratrabaho ko dahil ayaw ko mawalan ng trabaho.

*Kriiiingg*

Habang ginagawa ko ang aking trabaho, narinig ko tumutunog ang aking cellphone.

Nakita ko ang pangalan ng guro ni Faye.


Sinagot ko ang tawag.


"Hello? Mr. Claymore? " Tawag ng guro nya

"Yes, ako nga ito. Bakit po kayo napatawag?"  Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Ang anak nyo pong si Faye, Nahimatay po"  Sabi ng guro nya.

Agad naman akong kinabahan at natataranta sa sinabi nya saakin.

"A-asaan ang anak ko? nasaan sya ngayon?" Sabi ko sa kanya.

" Nasa hospital po. Ito po ang address ng hospital. ************ Dyaan po. Andito pa po ako sa hospital" sabi ng guro nya.

"Sige, pupunta na ako dyan." Sabi ko sa kanya at pinatay ang tawag. 

Agad akong lumabas ng building at pinuntahan ang address ng hospital.

------------------------------------------------------------------------------------------

Nakarating na ako ng hospital at sinimulan kong tanungin kung asaan ang kwarto ni Faye.


" Hello? Excuse me. Asaan po ang pasyenteng pangalan ay Faye Claymore?" Sabi ko sa nurse.

" Asa room 27 po sya sa 5th floor" sabi ng nurse.

"Thank you po!" Sabi ko at agad na tumakbo sa 5th floor.

Nakita ko ang guro ni Faye.

"Hello po, Mr.Claymore" Sabi ng guro nya.

"Ano ang nangyare sa anak ko?" Sabi ko sa kanya.

" Sabi po ng mga kaklase nya ay nahirapan nalang daw po syang huminga at bigla nalang daw po syang nahimatay" Sabi ng guro nya.

"Hindi pa po dumadating ang doktor" Dagdag ng guro nya.

"Ah ganun ba? sige makakauwi kana. Salamat sa pagdala sa anak ko sa hospital" Sabi ko sa kanya.

"Walang anuman po. Sana po ay gumaling na si Faye. Matalino po syang bata pag dating sa Math at Science." Sabi ng guro nya.

"Mauuna na po ako."Dagdag ng guro nya.

Tumango nalang ako at umalis na sya.

Pumasok ako sa loob at nakita ko ang anak kong natutulog sa kama nya.

Lumapit ako sa kanya at lumuha nalang bigla ang mga mata ko.

Sana naman ay hindi ganun ka lala ang sakit nya.

Umupo ako sa tabi nya at bigla kong narinig ang pagbukas ng pinto.  Nakita ko na may Doktor na pumasok.

" Hello po, kayo po ba ang tatay ni Faye Claymore?" Sabi ng Doktor.

"A-ako nga po" Sabi ko at pinunasan ang luha ko.

"Ako po si Dr. Hart, at ako po ang doktor ng anak nyo po." Pagpapakilala ni Dr. Hart.

"Ako naman po si Marcel Claymore, kinagagalak ko po kayo makilala" Sabi ko sa kanya. 

Nakipagkamay ako sa kanya at tinanggap naman nya ito.

"Ano po ba sakit ng anak ko, Doc?" Tanong ko sa kanya.

"Medyo malala ang sakit ng anak nyo, Mr. Claymore" Sabi ni Dr. Hart.

"A-ano po ba ang sakit nya?" Sabi ko sa doktor.

" Meron po syang Ventricular Septal Defect o VSD. Isa po itong uri na merong butas ang kanyang puso. " Sabi ng Doktor

Teka paano nangyare  yun?

"Maaring namana nya ito sa Family histoty nya. Sa Family nyo po ba sir, merong ganun?" Dagdag  ng Doktor.

" Wala naman po."  Sabi ko sa kanya.

" Baka po sa family ng asawa nyo." Sabi ng Doktor.

Inisip ko kung meron bang ganun ang pamilya ni Freya. Naalala ko na merong syang sinabi saakin dati na namatay ang kapatid ng lola nya dahil may butas daw ang puso ng kapatid ng lola nya . Siguro nga baka doon iyon.


"P-paano po gagaling ang anak ko?"  Tanong ko sa kanya.

"Kailangan po maoperahan ang anak nyo sa lalong madaling panahon." Sabi ng Doktor.

"Magkano naman po ang aabutin?" Tanong ko.

"Mahal po ang surgery para sa VSD. Aabutin po ito ng 800k-1M depende sa lala ng butas ng puso nya. Kapag nagtagal syang ganyan, maaring lumala ito at pwede syang mamatay ." Sabi ng Doktor. Napasapo nalang ako sa noo sa sinabi nya. Saan naman kaya ako kukuha ng ganung pera? Eh kakarampot lang ang sinasahod ko sa dalawang trabaho ko.

Bahala na.

"I suggest na dito muna sya sa hospital para hindi lumala masyado ang kalagayan nya." Sabi ng Doktor.

"Sige po salamat." Sabi ko at umalis na si Dr. Hart.

Lumapit ako kay Faye at niyakap ko sya.

" Huawag kang mag-alala, Faye. Gagawa ng paraan ang papa mo para makaipon sa operasyon mo. Kumapit ka lang mabuti ha?" Sabi ko sa natutulog na si Faye.


Nagpasya muna akong manood ng telebisyon para malipasan muna ako sa kakaisip sa problema ko.

Nagulat ako sa nakita ko sa balita.

3rd person point of view

Nanood ng balita si Marcel at ito ang nakita nya sa balita.

*Breaking News*

Reporter 1: Kakapasok lamang po ng balita. Bumagsak po ang eroplano na sinasakyan ng mga pasahero, pero hindi po tao ang itsura nila. Dahil kakaiba ang mga itsura ng mga nasa loob.


Ano kaya ang nasa loob ng eroplano?

Abangan

Next Chapter.....

MR.STEELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon