Matapos mawalan ng trabaho at pangsustento sa nag-iisang anak niya, walang nagawa si Marcel kundi kumapit sa patalim at pumasok sa (circus) na inalok ng isang sindikatong lalaki.
Walang kamalay-malay na doon na pala magbabago nang panghabang-buhay...
Hindi ako kasya sa sasakyan kaya naisip ko nalang tumakbo kahit na mabagal ang aking pag takbo.
Pinilitan kong bilisan ang aking pagtakbo. Malayo-layo pa ang aking pupuntahan, pero hindi ako susuko
Sa aking pagtakbo, napadiin ang aking pag apak sa lupa at bigla akong napatalon ng sobrang taas.
Umabot ako sa langit ng 200 feet (60 m)
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA" sigaw ko habang bumabagsak.
Bumagsak ako sa lupa at ramdam kong bumakat ang hugis ng aking katawan.
Bigla akong napaisip kung papaano ko nagawa iyon. Ang alam ko lang ay nadiinan ko lang ang paa ko sa lupa habang tumatakbo. Siguro isa din yon sa mga abilidad ko.
Sinubukan ko ulet tumakbo at tumalon. Umabot naman ako sa ere ng 400 ft (120m).
Pabagsak na ako sa ere, pero nagawa ko namang controllin ang aking katawan kaya nakapaglanding ako sa lupa ng maayos.
Ayos to. Mas mapapabilis ang aking pagpunta sa hospital bago pa ako unahan ni Dr. Jeero.
Konting tiis nalang, Faye. Ililigtas ka ng papa mo.
3rd Person's Point of VIew
Dahil sa nalaman ni Mr.Steel na kaya nya palang tumalon ng mataas, sinamantala na nya ang kanyang abilidad para makapunta na agad sa hospital.
Nakikita na ni Mr.Steel ang siyudad kaya mas binilisan nya para makaabot agad doon.
May isang taong nakapansin na parang may nakikita syang tumatalon ng mataas at papunta ito sa kanya.
"Honey, tignan mo yun oh!" Turo ng isang lalake sa asawa nya.
"Hala ano yun? Tao ba yun?" Sabi nung asawa nung lalake.
Narinig ng mga tao ang parang balagbag sa lupa kaya akala nila ay lumilindol. Napansin nadin ng mga tao sa siyudad ang pinagtitinginan ng asawa sa malayo na papalapit sa siyudad. Agad natakot ang mga tao at nagsitakbuhan na sila. Ang iba naman ay tumawag ng pulis, pero mamaya-maya pa darating.
Bumagsak na si Mr. Steel sa lupa ng siyudad at nakikita nyang nagsisitakbuhan ang mga tao dahil sa kanya. Ang iba naman ay kinukuhaan sya ng litrato at pinopost sa social media. Dahilan para sya ay mag viral.
Hindi ito inintindi ni Mr, Steel at hinanap nya ang hospital ni Faye. Nang makita na nya ang hospital ni Faye, agad syang tumalon sa bintana ng 5th floor. Agad syang pumasok, pero wala syang makita kung hindi dilim. Walang ilaw na nakabukas. Kahit na madilim ang paligid, nakita ni Mr.Steel ang kama ni Faye kaya agad syang pumunta doon.
"FAYE" sigaw ni Mr.Steel. Tinanggal nya ang kumot ng higaan, pero unan lang ang nakita nya doon.
"Hehehehe. Sa tingin mo ba mauunahan mo ako dito?" Rinig ni Mr.Steel na merong nagsalita sa likod nya.
Nakita nya si Dr. Jeero ang nagbukas ng ilaw at nakita nya din na hawak ni Dr. Jeero si Faye na nakatali sa upuan at merong takip na panyo sa bibig. Nakita din ni Mr.Steel ang isang duguan na nurse sa sahig at mukang patay na ito. Naisip ni Mr.Steel na pinatay ito ni Dr. Jeero kaya siguro syang nakapasok.
"Pakawalan mo sya" Madiin na sabi ni Mr.Steel kay Dr. Jeero.
"OOOHHHHH nakakatakot ka grabe" Pang-aasar ni Dr. Jeero.
"Tumatayo na ang aking balahibo dahil sa iyong sinasabi HAHAHAHAHAHAHAHa" Dagdag pa ni Dr. Jeero na merong halong tawa.
Nakikita na ni Mr.Steel na natatakot na si Faye sa mga nangyayare kaya naisipan na ni Mr.Steel na gawing kutsilyo ang kanang braso nya para tapusin na si Dr.Jeero at para mapakawalan na nya si Faye.
pero bago sya makalapit, biglang may bumagsak sa taas ng kisame at dinaganan si Mr.Steel. Hindi makagalaw si Mr.Steel dahil sa bigat ng nakadagan sa kanya.
"MWWWOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO" sigaw ng nakadagan kay Mr.Steel.
"HAHAHAHAHAHAHAHAH magaling TORUS, MAGALING" sabi ni Dr. Jeero sa nakadagan kay Mr.Steel. Torus ang pinangalan ni Dr. Jeero dito dahil ang itsura nya ay isang Toro na maskulado ang katawan kagaya kay Mr.Steel.
Ito ang itsura ni Torus.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(Credits: google)
Hinawakan ni Torus ang ulo ni Mr.Steel at hinagis nya si Mr.Steel sa bintana. Bumagsak si Mr.Steel sa kotse. Tatayo na sana si Mr.Steel, pero dinaganan agad sya ni Torus at pinagsusuntok sya.
Nakakaramdam na ng sakit si Mr.Steel sa pagkakasuntok ni Torus sa kanya, kahit na bakal pa ang katawan nya.
Habang sya ay sinusuntok, nakahanap ng tiyempo si Mr.Steel at nahawakan nya ang kanang kamao ni Torus.
Sa pagkakataon na iyon, ginamit ni Mr.Steel ang kanyang Heat Vision(Laser eyes) dahilan para malinlang si Torus. Hindi na makasuntok si Torus si kay Mr.Steel dahil sa Heat Vision na nilalabas nya sa mata nya. Sinamantala ni Mr.Steel ang pagkakataon at nagawa nyang iangat ang kanyang mga paa at tinadyahan papalayo si Torus.
Tumalsik si Torus sa building. Mas lalong natakot ang mga tao dahil sa laban ng dalawang malalaki ang katawan.
Nagsi datingan na ang mga sundalo dahil sa mga kumakalat sa social media sa mga post ng mga tao tungkol dito. Pero binalewala ito ni Mr.Steel. Tumayo sya at tumalon ulet papunta sa 5th floor.
Pero bago pa sya makaabot sa 5th floor ng hospital, bigla syang binangga sa ere ni Torus. Kaya tumalsik si Mr.Steel dahil sa ginawa nya.
Pero hindi sumuko si Mr.Steel at tumayo padin sya. Wala syang nagawa kung hindi labanan muna itong si Torus para makapasok sa hostpital sa lalong madaling panahon. Pinagbabaril na sila ng mga sundalo.
"Itigil nyo na ang laban na iyan at kayong dalawa ay arrestado dahil sa gulong sinimulan nyo" Sabi ng isang sundalo na mukang general na hawak ang megaphone habang pinagbabaril ang dalawa.
Pero baliwala sa kanila ang mga bala na tumatama sa kanilang dalawa dahil parehas silang bulletproof.
Kinuha ni Torus ang isang kotse at binato ito kay Mr.Steel.
Ginawa namang spada ni Mr.Steel ang magkabilang braso nya at hinati ang sasakyan. Nagulat si Mr.Steel nang pagkahati sa sa sasakyan, bigla syang nasalubong ng malakas na suntok ni Torus. Bumawi naman agad si Mr.Steel at nagsuntukan na ang dalawa.
Patuloy lang ang kanilang laban.
Marcel/Mr.Steel's POV
Grabe ang lakas netong isang ito. Hindi ko akalain na meron pa palang mas malakas na Apolikant kesa saakin. Pero hindi ako susuko dahil kailangan kong mailigtas ang anak ko, bago pa sya maging apolikant kagaya ko.
Nakita kong papunta na ang kamao nya saakin at inipon ko ang buong pwersa saaking kanang kamao at sinalubong ang kanyang malakas na suntok. Tumama ang kamao namin sa isa't-isa dahilan para magkaroon ng malakas na hangin mula sa mga nagkasalubong na kamao namin.
Nagsitalsikan ang mga pulis at natigil nadin sila sa pagbabaril nila saamin dahil natamaan sila ng malakas na hangin.
Agad kong sinuntok gamit ang kaliwang braso ko itong isang malaking toro na ito kaya tumalsik sya.
Nakita kong may daplis ng dugo sa kanyang bibig dahil sa pagkakasuntok ko. Kinapa nya ang ang dugo at tumingin saakin ng nakangiti.
"Ayan lang ba kaya mo, Claymore" Teka pamilyar saakin ang boses na yun ah?
"Heh, talunan ka padin kagaya ng dati" Sabi nya ng nakangiti.
Pamilyar talaga sakin ang boses nya at kilala nya pa ako.