Chapter 20

2 0 0
                                    

Marcel/Mr.Steel's POV

"PAPA, HUWAG MONG GAWIN YAN HINDI KA MASAMANG TAO!" rinig ko ang isang pamilyar na boses.


Nakita kong si Faye na nagawa nyang tanggalin ang pagkakatakip ng panyo sa bibig nya. 

"F-faye?" Sabi ko. Bigla nalang akong naluha dahil ngayon ko lang ulet narinig ang boses ng anak ko pagkatapos ng tatlong taon.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya ng mahigpit.


"Pasensya na kung ngayon lang nakauwi si papa" Sabi ko.

"Ayos lang po iyon, ang importante po hindi nyo po ako nakalimutan" Sabi ni Faye nang naka ngiti.


Napangiti nalang din ako sa sinabi nya. Ginawa kong kutsilyo ang isang darili ko para mapakawalan ko na sa pagkakatali si Faye. Tinanggal ko na ang pagkakatalli sa kanya at kitang-kita ko sa mga pulso nya ang bakat ng pagkakatali sa kanya.


"Papaano mo nga pala nakilala si papa kahit na ganito ang aking itsura?" Tanong ko kay Faye.

"Sinabi nya po saakin" Sabi ni Faye sabay turo kay Dr. Jeero na nawalan ng malay dahil sa pagkakasakal ko sa  kanya.


"Sinabi nya din po saakin na monster na din daw po ang ugali nyo, pero alam ko namang hindi totoo yon dahil katulad ng sinabi nyo po saakin ay huwag maniwala sa mga taong hindi kakilala" Dagdag ni Faye.

Napangiti ako sa sinabi nya at ginulo ko ang buhok nya.

"Papa, umuwi na po tayo" pag-aaya ni Faye.

"Sige" Sabi ko.

Binuhat ko si Faye at naglakad ako palabas ng bintana.




"AT SAAN KAYO PUPUNTA!!!"  napahinto ako sa paglalakad ko ng makita kong may humarang saamin. Nakita kong si Erik pala iyon.


"Papa..." Narinig kong si Faye na natatakot kay Erik.


"Akala nyo ba makakatakas ka saakin, Claymore?" Hindi ako sumagot sa sinabi nya. Tinitigan ko lang sya sa mata. Hinahanda ko ang sarili dahil baka sumugod sya saakin at baka mapahamak pa si Faye.


"Sinasauli ko na nga pala sya sainyo" Sabi ni Erik at binato ang katawan ng babaeng duguan sa sahig.


SH*T SI YARA!!

Agad kong tinakpan ang mata ni Faye para hindi nya makita ang mga dugo.

"Faye, tumalikod ka muna at huwag kang titingin ha?" Sabi ko kay Faye. Tumango naman sya sa sinabi ko.


Agad akong lumapit sa katawan ni Yara. Tinignan ko ang muka nya at puro dugo ito.


"Yara, Yara, gumising ka Yara!" Tinapik-tapik ko ang muka nya baka magising pa sya.

Napansin kong dumilat ang mga mata nya kaya parang nabuhayan ako.

"M-marcel?" Sabi ni Yara.


"Yara, ayos ka lang ba? sabi ko naman kasi sayo malakas sya at hindi mo sya kaya" Sabi ko sa kanya.



"A-alam kong m-malakas sya at walang akong laban, p-pero gusto ko lang naman bumawi sayo at sa anak mo dahil matagal kong tinago ang sikreto ni Dr. J-Jeero" nauutal na sabi ni Yara.  


"Wala ka dapat sisihin dahil ako ang may kasalanan at pinabayaan kita sa kanya" Sabi ko ng umiiyak. Kasalanan ko talaga dahil pinabayaan ko sya.


*Cough* *Cough*

Rinig kong umuubo si Yara.

"Mawawalan na ako ng oras, Marcel. Ingatan mo at protektahan mo ang anak mo. Gamitin mo ang abilidad mo sa kabutihan at huwag mong gagamitin ito sa kasa- *Cough* kasamaan" sabi ni Yara.


"M-*cough* Marcel?" tawag ni Yara saakin.

"Ano yun?" sabi ko.

"P-pwede ba akong humingi ng pabor?" Sabi ni Yara.

"S-Sige lang" sabi ko.

"Natatandaan mo paba ang sinasabi kong kambal? hanapin mo sila at alagaan mo para saakin. Ikaw lang ang kilala kong mabuting tao na pwedeng mag alaga sa kanila. Wala na silang magulang dahil alila na s-sila noon pa" Sabi ni Yara.

Patuloy padin na lumuluha ang mga mata ko.

"S-sige. Pinapangako kong aalagaan ko sila" Sabi ko.

"Salamat, Marcel. K-kinagagalak kitang makilala" Ayun na ang mga huling salita ni Yara dahil tinignan ko ang pulso nya at wala na ako maramdaman doon.

KASALANAN KO TALAGA ITO!!! KASALANAN KO!!!!

Patawad talaga, Yara.


"Tapos naba kadramahan nyo" Biglang kumulo ang dugo ko nang magsalita ang isang ito.


"Sabihin nyo lang kung tapos na, dahil isusunod na kita sa kanya" Dagdag pa nya.

Tumayo ako at tinitigan ko sya ng puno ng galit.


"Gusto mo ng laban? sige pagbibigyan kita, pero sa isang kondisyon. Doon tayo sa labas" Madiin na sabi ko sa kanya.


"Aantayin kita doon sa labas" Sabi nya at tumalon pababa.


Lumapit ako sa anak ko na nakatalikod padin hanggang ngayon.


"Faye?" Tawag ko sa anak ko. 

"Bakit po?" Sabi nya.

Humarap ako sa kanya at nakita kong nakapikit padin ang mga mata nya.

"Ibaba kita muna ha? doon ka muna sa mga sundalo. Dahil may tatapusin pang problema ang papa mo." Sabi ko sa kanya.


Tumango naman sya sa sinabi ko.

Binuhat ko sya at lumabas na kame ng bintana at tumalon pababa ng building.


Naglakad ako papunta sa mga sundalo at nakita kong tinutukan nila ako ng baril, pero binaliwala ko lang iyon at pumunta ako sa mukang general.


"Sir, pwede po bang dito muna ang anak ko? meron lang po akong tatapusin na problema." Tanong ko sa mukang general ng sundalo.


"Sige, sa isang kondisyon. Kailangan nyong makulong pagkatapos ng laban ninyong dalawa." Sabi nya saakin. Mukang wala akong magagawa para doon dahil ako din ang nag simula ng gulo sa siyudad.

"Sige, pakibantay nalang po sya" Sabi ko at naglakad na papunta kay Erik.

"Mag iingat ka po, papa" Sabi ng anak ko.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti.


"MWOOOOOOOOOOOOOOOO" rinig ko na ang sigaw ng isang toro kaya lumapit na ako sa kanya.

3rd Person's Point of VIEW

Pumunta na si Mr.Steel kung nasaan si Torus. Talagang napuno ng galit ang katawan ni Mr.Steel pagkatapos nyang makita ang katawan ni Yara sa kagagawan ni Erik.


Nagkatitigan ang dalawang maskulado ang katawan.

"Paghihiganti kita, Yara" Sabi ni Mr.Steel sa isip nya.

Unang lumapit si Mr.Steel na naglalakad papunta kay Torus. Ganun din ang ginawa ni Torus papunta kay Mr.Steel. Binilisan na ng onti ang paglalakad ni Mr.Steel at ganun din si Torus. Hanggang sa tuluyan na silang dalawa tumakbo sa isa't isa at nagkasalubong silang dalawa. 



Nagawang manalo ni Mr.Steel sa banggaan nilang dalawa. Nasa ibabaw si Mr.Steel at nasa baba naman nya si Torus. Nagsuntukan ang dalawang maskulado ang katawan at parehas nilang nasasaktan ang isa't-isa sa kanilang ginagawa.

Nagawang suntukin ng malakas ni Torus si Mr.Steel at tumalsik naman si Mr.Steel. Pero habang nasa ere si Mr.Steel, ginamit nya ang kanyang laser eyes or Heat vision para patamain ito kay Torus. Nagawang ilagan ito ni Torus, pero naputol ang kanyang kaliwang sungay.

"MAGBABAYAD KAAA" sigaw ni Torus dahil sa galit ng maputol ni Mr.Steel ang kanyang sungay. Sumugod si Torus na parang toro kay Mr.Steel.


Naalarma naman si Mr.Steel nang makabagsak na sya sa lupa, ginawa nyang shield ang kanang braso nya at bumangga naman doon si Torus. Nahilo si Torus dahil sa malakas ang pagkakabangga nya sa katawan na bakal ni Mr.Steel. Sinamantala ito ni Mr.Steel at binuhat nya si Torus at hinagis. Tumama naman si Torus sa building.



Tumalon si Mr.Steel  nang mataas at hinanda nya ang kanang kamao nya pabagsak kay Torus. Pagdilat ni Torus. Nakasalubong si Torus ng malakas na suntok mula sa langit dahil kay Mr.Steel.
Patuloy itong sinusuntok ni Mr.Steel.  Para kay Yara lahat ng mga suntok na binibigay nya kay Torus bilang bawi.


Susuntukin nya pa sana ito ng isa pa, pero nakita nyang lamog na at puro dugo nadin ang muka ni Torus. Kaya naisipan nalang itong itigil ni Mr.Steel. Dahil wala naman ding laban ang kalaban nya.

Tumayo si Mr.Steel at tumalikod.

"Bibigyan pa kita ng isa pang pagkakataon, para mabuhay." Sabi ni Mr.Steel.


Pero imbis na oo ang sagot ni Mr.Steel, isang malakas na sipa ang naramdaman nya at tumalsik si Mr.Steel sa malayo.


Tumayo si Torus at nakita ni Torus sa mga militar ang isang batang anak ni Mr.Steel.
Palapit si Torus kay Faye at natatakot na ng husto si Faye. Tinago sya ng general sa sasakyan bilang proteksyon sa bata.


"Ihanda nyo ang baril at paputukan nyo ang target na papunta saatin." Sabi ng general.

Pinagbabaril nila si Torus, pero wala itong ubra. Pinagpapapatay na ni Torus ang ibang military na nagbabantaykay Faye at naubos na silang lahat. Malapit na ito kay Faye at ang general nalang ang natitira.  Pinagbabaril nya si Torus, pero winasiwas lang ni Torus ang general at wala ng bantay si Faye.


Sinira ni Torus ang ibabaw ng kotse at nakikita nya ang anak ni Mr.Steel na natatakot.


"Kamukang-kamuka ka ng ex girlfriend ko. Sayang, mas maganda kung kame ang nagkaanak at hindi ikaw" Sabi ni Torus.


Kukunin na nya si Faye, 







nang biglang may naramdaman si Torus na may sumaksak sa kanyang likod at tumagos ito sa kanyang dibdib. Tinignan ni Torus kung sino iyon at walang iba kung hindi si MR.STEEL.  Ihinagis na ni Mr.Steel si Torus at binuga nya ang kanyang Heat Vision (laser eyes) kay Torus at sumabog na ang katawan ni Torus dahil doon. Tuluyan ng nawala ang kalaban ni Mr.Steel at sya ang nanalo.


"PAPA!" Sigaw ni Faye at niyakap si Mr.Steel.


"A-akala ko po ay wala na po *sobs* kayo" sabi ni Faye na umiiyak. Pinunasan ni Mr.Steel ang luha ni Faye.


"Buti nalang nakaabot ako bago ka nya kunin" Sabi ni Mr.Steel at niyakap si Faye.

"EHEM!" rinig nilang dalawa na parang may isang taong kumukuha ng attention nila.

(Next Chapter.....)


























MR.STEELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon