Chapter 19

3 0 0
                                    

Marcel/Mr.Steel's POV

"Erik, ikaw bayan?" Tanong ko sa kanya.


"HAHAHAHA magaling, magaling. Nahulaan mo kung sino ako" sabi nya.


"Teka bakit ka pumayag magpaturok kay Dr. Jeero?"  tanong ko sa kanya.


"Dahil para patayin ka at bibigyan nnya ako ng milyong dolyar kapag nagawa ko iyon" sabi nya.

"Niloloko ka lang ni Dr. Jeero. Ganyan din ang sinabi nya saakin noon. Kaya wag ka maniniwala sa kanya. Tyaka delikado ang serum na tinurok sayo dahil hindi kana makakabalik sa dati." Sabi ko sa kanya.


"WALA AKONG PAKEELAM! BASTA ANG IMPORTANTE AY MAPATAY KITA!!!" sigaw nya at pasugod na sya saakin.



3rd Person Point Of View

Sumugod si Torus kay Mr.Steel at pinagsusuntok sya. Hindi makabawi si Mr.Steel dahil masyadong malalakas ang suntok nya. Lahat ng galit ni Torus kay Mr.Steel ay binubuhos nya sa kanya.


Makikita sa katawan nya ang puro gas-gas at kakaunting yupi sa katawan nya. Kung ordinaryong bakal lang ang katawan ni Mr.Steel, panigurado kanina pa sya tapos kay Torus.


Kinuha ni Torus ang poste at pinaghahampas ito kay Mr.Steel. Ginawang shield ni Mr.Steel ang parehas nyang braso bilang proteksyon kay Torus. 


Nakita ni Mr.Steel ang bakal sa poste kaya nagawa nya itong hawakan. Inabsorb nya ang bakal sa kanyang katawan dahilan para maayos ulet ang katawan nya at magkaroon ng lakas. 


Hahampasin sana ulet ito ni Torus, pero hinati na ito ni Mr.Steel sa pamamagitan ng abilidad nyang kayang maging sandata ang magkabilang braso nya. At ginawa nyang matalas na lagare ang braso nya. 


Si Mr.Steel naman ang sumugod kay Torus at lumaban naman pabalik si Torus.  Nakita ni Mr.Steel ang papalapit na pagsuntok ni Torus sa kanyang muka kaya nailagan nya ito. Nagawa namang ma suntok ni Mr.Steel ang muka ni Torus kaya tumalsik sya.

Tumalsik si Torus sa isang kotse kung saan may tao pang andoon sa loob. Nagsigawan ang
mag-ina sa loob at narinig iyon ni Torus. Tinignan ni Torus ang loob ng kotse at nakita nyang may isang batang lalake at isang matandang babae.

Naisip ni Torus na kunin ang dalawa at ginawa nya nga iyon. Kinuha nay ang mag-ina sa kotse.


"ANO NA , MARCEL?!! MAMILI KA KUNG SINO ANG ILILIGTAS MO SA KANILANG DALAWA!!" sigaw ni Torus kay Mr.Steel.


"KAPAG SUMUGOD KA DITO, ISA SA KANILA ANG MAMATAY!!" Dagdag pa ni Torus sa kanya.

Agad na kumalma si Mr.Steel dahil sa sinabi ni Torus. Kailangan nyang mag-isip ng mabuti dahil kung hindi, mamatay ang mag-inang hawak nya.

"M-mommy natatakot ako" Sabi nung batang lalake.

"Huwag ka mag-alala anak, magiging maayos din ang lahat" sabi nung nanay nung bata.

"SALUHIN MO SILA KUNG KAYA MO!!" Sabi ni Torus at binato ang dalawang mag-ina sa ere.

Binato ni Torus ang dalawang mag-ina sa ere at walang nagawang si Mr.Steel kung hindi saluhin sila. 

Tumalon sya ng mataas at sinalo nya ang bata pati na ang babae.  Pero hindi alam ni Mr.Steel na pasugod sa likod nya si Torus. Nakahanda na ang kamao ni Torus para tamaan si Mr.Steel at kakaunti nalang ay malapit na nyang matamaan si Mr.Steel na merong hawak na mag-ina.
































Pero bago pa tumama ang suntok ni Torus kay Mr.Steel, nakaramdam si Torus ng buga ng apoy dahilan para tumalsik sya sa gilid. Naramdaman naman ni Mr.Steel na merong umatake kay Torus.

Tinignan nya kung sino iyon at walang iba kung hindi si Yara.

"Yara?" sabi ni Mr.Steel.

"Pasensya na kung nahuli ako. May tinapos lang akong pakeelamero sa circus." Sabi ni Yara.

"Anong ang ibig mong sabihin ?"Tanong ni Mr.Steel.

"Mahabang kwento" Sagot ni Yara.

"Umm...pwede mo naba kami ibaba?" Sagot nung babae na kanina pang hawak ni Mr.Steel.


"Ay oo nga pala, pasensya na" Binitiwan na ni Mr.Steel ang mag-ina at tumakbo na ang mag-ina sa mga sundalo.


"MWOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO" narinig nila ang sigaw ng isang toro na bumangon sa pagkakatalsik dahil sa ginawa ni Yara.


Lalapitan na sana ito ni Mr.Steel para labanan, pero bigla syang hinawakan ni Yara sa balikat dahilan para huminto si Mr.Steel.


"Ako na ang bahala sa kanya" Sabi ni Yara.


"Teka, masyado syang malaka-"


"Sa tingin mo ba mahina ako dahil isa akong babae?" Agad na pinutol ni Yara ang sinasabi ni Mr.Steel.

"Hindi sa ganun, pero masyado talaga syang malakas na apolikant" Sabi ni Mr.Steel.


Tumingin si Yara sa kanya at ngumiti.


"Mas kailangan ka ng anak mo ngayon. Magtiwala ka saakin" Sabi ni Yara. Nakita ni Mr.Steel si Torus na nakatayo na.

"MWOOOOOOOOOOOOOO" sigaw ni Torus na papalapit na sa kanila na parang torong tumatakbo.

Walang nagawa si Mr.Steel kung hindi sundin si Yara.


"Mag-iingat ka sa kanya" Sabi ni Mr.Steel at tumalon na papunta sa 5th floor. Habang papunta sya sa 5th floor, nakita nyang nagagawang labanan ni Yara si Torus.


"Huwag ka mag-alala, Yara. Babalik agad ako" Sabi ni Mr.Steel na malapit na sa 5th floor.


Dr. Jeero's POV

Hay nako! BWISIT! BWISIT!!! bwisit talaga yang Yara nayan. Nag eenjoy ako sa panood ko, biglang may umepal.


"HMMMMM!!!" Narinig ko ang anak ni Claymore nakatali. Hehehe siguro gusto na nya maturukan ng  aking serum.

"Mukang hindi kana ata makapag antay" Sabi ko nang nakangiti sa anak ni Claymore.


"Sige saglit lang" Sabi ko sa kanya at kinuha ang serum pati na ang injection sa loob ng bag ko. Nilagyan ko na ng serum ang injection at pinakita ito sa kanya.

Nakikita kong umiilng sya. HAHAHAHAHAH sa tingin nya ba eepekto yan?


"Shhhhh medyo masakit nga lang ito mwehehehehehe" sabi sa batang ito. Nakikita ko sa muka nya na pinagpapawisan at natatakot. Pero binalewala ko lang iyon at tinaas ko na ang sleeve ng kanang braso nya.


Ituturok ko na sana ang injection, pero narinig kong parang may pumasok sa bintana. Tinignan ko kung sino iyon.


Sh*t! si Mr.Steel pala iyon. Ituturok  ko na sana nang mabilis, pero agad hinawakan ni Mr.Steel ang kamay ko at nabitiwan ko ang injection.  Sinipa nya ako at tumama ako sa pintuan ng naka lock.


Marcel/Mr.Steel's POV

Hayop ka talaga. Kung hindi pa ako dumating dito, malamang napahamak na ang anak ko. 

Nakita ko ang muka nyang hindi maipinta dahil sa sipa ko sa kanya. Dapat lang sa kanya yan.


Dahang-dahan akong lumapit sa kanya at napansin naman nya iyon.


"T-teka, H-huwag moko papatayin!" Sabi ni Dr. Jeero. Nilabas nya ang baril nya at pinatama nya saakin. Sa tingin nya ba eepekto yan sa katawan kong bakal?


Nang makalapit na ako sa kanya, Sinakal ko sya at inangat para magkapantay kame.

"A-Ack!" Nakikita kong nagpupumilit syang kumawala saaking pagkakasakal sa kanya, pero balewala lang iyon.


"Dapat lang sayo ay mamatay" Madiin na bulong ko sa kanya, kasabay ng madiin ng pagkakasakal ko sa kanya.


"Niloko mo lang ako ng ilang taon!" Dagdag ko pa.

Namumutla na si Dr. Jeero at malamang ilang segundo nalang ay wala na ito.

Babaliin ko na sana ang leeg neto nang may marinig akong.........................




"PAPA, HUWAG MONG GAWIN YAN HINDI KA MASAMANG TAO!" 


(Next Chapter....)



MR.STEELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon