Chapter 5

2 0 0
                                    

Marcel's POV

Tumawa ang boss ko sa sinabi ko sa kanya.

"Hindi mo ba natatandaan ang sinabi ko?" Sabi ng Boss ko.

"Ito nga pala oh, si Michael Santos, ang pumalit sayo" Sabi ni Boss. Pinakilala nya ang kasama nya at suot nya ang uniporme ng kagaya saakin.

T-teka paano ako natanggal?

"Pano po ako natanggal? Masipag naman po ako nagtratrabaho dito" Sabi ko sa boss ko.

"Natatandaan mo paba ang sinabi ko? kapag meron akong nabalitaan na hindi maganda sa iyo, mapipilitan kitang palitan. At ito na ang nahanap kong kapalit sayo. Kung tatanungin mo kung ano ang ginawa mo, tumakas ka kahapon sa trabaho ko. Kaya.....YOU'RE FIRED!!!" Sabi ng boss ko.

Hindi maari to. Kailangan kong magipon para kay Faye.


"P-pasensya napo. Tumakas po ako kasi nabalitaan ko pong  inatake ang anak ko at dumeretsyo po ako sa hospital" Paliwanag ko sa boss ko.


"Nang hindi nagpapaaalam saakin?"Tanong ng boss ko.

"Bigyan nyo pa po ako ng isa pang pagkakataon. Pinapangako ko po talaga na hindi na ako uulet. " Pagmamakaawa ko sa boss ko.

"Kahit ano pa ang dahilan mo, tanggal kana." Sabi ng boss ko.

"Pero boss, kailangan ko mag ipon para sa an-"

"YOU'RE FIRED!!!!" Naputol ang sasabihin ng magsalita ulet ang boss ko.

Mukang wala na akong magagawa........

Umalis na ako sa building na nalulungkot. Kakaunti pa nga lang ang aking ipon, natanggal pa. Hindi ko pa nakukuha ang huling sahod ko. Napag isip-isip ko na bumalik nalang sa hospital.

Pag balik ko sa kwarto ni Faye, nagpahinga muna ako sa tabi ng higaan nya. Napasabunot nalang ako sa sarili ko dahil sa nangyare kanina. Kung minamalas ka nga naman oh.

Nagpasya nalang akong matulog muna saglit sa tabi ng higaan ni Faye para makalimutan ko nalang muna ang nangyare kanina.

------------------------------------------------------------------------------------------

Napansin kong may humihimas sa buhok at nagising ako bigla. 

Pag-angat ko ng ulo ko, nakita ko nang si Faye ay nagising at nakangiti ito saakin.

"F-Faye? gising kana pala" Sabi ko sa kanya.

Niyakap nya ako bigla.

"Na miss kita papa" Sabi ni Faye. Niyakap ko din sya pabalik.

"Kamusta pakiramdam mo? Ano oras ka nagising?" mga tanong ko sa kanya.

"Medyo kanina pa ako nagising, papa. Maayos nadin pakiramdam ko." Sabi ni Faye.

Kinwento ko sa kanya kung ano ang nangyare kung bakit sya nahimatay at ano ang dahilan nun. Kinwento ko nadin sa kanya ang pagkawala ng aking trabaho. Nakita ko naman ang lungkot sa muka neto.

"Huwag ka mag-alala anak, hindi mo kasalanan kung bakit ako nawalan ng isang trabaho. Natural lang na tumakas ako dahil mas mahalaga ka kesa sa trabaho. Tyaka meron pa naman akong isa kaya makakaipon padin ako. Matatagalan nga lang ng ipon, pero ayos lang dahil ang importante gumaling ka" Sabi ko sa kanya.

"Hindi sa ganun, papa. Nalulungkot ako dahil maganda ang trabaho mo dyan sa pang umaga mo. Mas malaki ang sahod mo dyan kumapara mo sa isa. Nabablitaan ko din na napagtritripan ka sa isa mong trabaho kaya nalungkot ako kung bakit ayun pang isa ang nawala sayo." Malungkot na sabi ni Faye.

Paano nya nalaman ang tungkol doon?

"Saan mo nalaman yun?" tanong ko kay Faye.

"Pumunta kasi yung kaklase ko sa restaurant na pinagtratrabahuan mo at nakita nilang pinagtritripan ka nung isang ka trabaho mo." Sabi ni Faye.

Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi nya.

"Huwag mo na isipin yun. Ang importante ay may isa pa akong trabaho" Sabi ko sa kanya.

"Pero pa-" Pinutol ko ang sasabihin ni Faye.

"Sinabi kong ayos lang ako. Huwag mo na ako intindihin ha? Dahil d ko alam kung san pa ako kukuha ng pera kapag nawalan pa ako ng isang trabaho. Naiintindihan mo ba?" Sabi ko kay Faye.

Tumango nalang ito.

Nagpasya muna akong manood kame ng telebisyon para hindi na sya puro tanong tungkol sa trabaho ko at kay Erik.  

Lumipas ang ilang oras at nakita ko na oras na pala ng trabaho ko sa restaurant. 

"Faye, mauuna na ako ha? babalik ako ng may pasalubong sayo" Sabi ko kay Faye.

"Ok po. Ingat po kayo sa trabaho." Sabi ni Faye at hinalikan ko sya sa noo.

------------------------------------------------------------------------------------------

Nakarating na ako sa tapat ng restaurant at nakita ko sa loob na parang nagagalit ang boss ko habang kausap si Erik. Nakita ako ni Erik at tinuro nya ako kay boss. Pumasok ako sa loob para malaman kung ano ang meron.

"Marcel! totoo ba ang sinasabi ni Erik na inagaw mo daw ang trabaho nya!?" Galit na sabi saakin ni Boss.

"H-hindi naman po sa ganun...May kailangan lang po puntahan si Erik kaya nakiusap sya saakin na ako daw po muna ang gumawa non" Sabi ko kay boss.

"Hindi po totoo yun!  Nagtapon lang ako ng basura sa malayo, pagdating ko inagaw na nya ang position ko sa trabaho." Sabi ni Erik.

Tinignan ko si Erik at nakita ko ang muka nyang nakangiti. Mukang naloko nya ako.

"Hindi ba at sinabi ko sainyo na walang aagaw sa trabaho ng isa kahit na absent o kung anong dahilan pa nila?!! ALAM MO BA ANG GINAWA MO MR.CLAYMORE!!!" galit na sabi saakin ng boss ko.

"P-pasensya na po." Sabi ko. Wala na ako magawa kung hindi humingi ng pasensya.

"From now on.....You're fired" Nagulat ako sa sinabi ng boss ko sakin.

"Teka boss. Hindi ko na po uulitin." Sabi ko sa boss ko.

"Umalis kana, Mr. Claymore. Bago pa kita pwerasahang paalisin dito sa saaking restaurant." Sabi ng boss ko.

Lumuhod ako sa harapan nya.

"SIge na boss. Gagawin ko ang lahat para lang magtrabaho ulet." Pakiusap ko sa boss ko.

"Umalis kana" Sabi ng boss ko.

Niyakap ko ang isang  binti nya.

" Pakiusap....Kailangan ng anak ko ng operasyon. Kahit maliit na ang sahod na ibigay mo, pagtiyatiyagaan ko. Huwag mo lang ako tanggalin" Maluha-luhang sabi ko sa boss ko kahit nakayakap ako sa kanya.

Bigla akong nakaramdam ng tadyak sa muka ko at tumalsik ako sa labas ng restaurant. Nakita ko sa labas na nakatingin saakin ang mga tao. 

" Tanggal kana, Marcel. Pasensya na, ayun ang patakaran ko." Sabi ni boss at pumasok na sya sa restaurant kasama ni Erik.

Naiwan ako dito sa labas na mukang kawawa. Nagpasya nalang akong bumalik sa hospital.

Erik's POV 

HAHAAHHAHAHAHAHA. Madali lang pala maloko yung asawa ni Freya. Hay nako Freya, kung ako lang sana pinili mo, hindi ka magkakaroon ng asawang tanga.

Ang totoo talaga nyan, wala naman talaga sa hospital ang nanay ko kung bakit ako umalis. Dahil matagal ng patay yun. Niyaya lang talaga ako ng mga barkada ko mag inom kaya umalis ako sa trabaho.

Dapat lang sa kanya yan. Kung inagaw nya ang mahal kong si Freya, Aagawin ko din ang trabaho nya.

------------------------------------------------------------------------------------------

Marcel's POV

Bumalik na ako sa hospital at pumasok sa kwarto ni Faye.

Naabutan kong nanood si Faye ng looney tunes at napansin nya ako pumasok.

"Bakit ang bilis mo, papa?" Tanong saakin ni Faye.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang noo nya. Nakita ko sa muka nya na parang meron syang napansin sa muka ko.

"Ano ang nangyare sa muka mo, papa? bakit meron kang pasa sa kaliwang mata mo?" tanong ni Faye.

Hinawakan ko ang kaliwang mata ko at medyo masakit. Nagkaroon siguro ako ng black eye nung tinadyakan ako ng boss ko.

Umupo ako sa tabi nya.

"Nabangga lang ako sa bintana kanina kaya nagkaroon ako ng black eye" Sabi ko. 

pero halata sa muka ni Faye na hindi ito naniniwala sakin.

"Alam kong napaaway ka, papa. Ano po ba ang nangyare sa trabaho mo at bakit ang bilis mo?"Sabi ni Faye.

Napabuntong hininga ako para magsalita.

"Natanggal nadin kasi ako sa isa kong trabaho." Sabi ko at niyakap agad ako ni Faye pagkatapos kong sabihin iyon.

"Pasensya na anak. Pero hayaan mo, makakahanap ulet ako ng trabaho." Sabi ko kay Faye.

"Ayos lang yun pa. Ang totoo nyan, masaya ako dahil natanggal kana dyan sa trabaho nayan. Mas ayos na yung wala tayong makain, kesa naman nag papakahirap ka dyan sa trabaho nayan at napag tritripan kapa." Sabi ni Faye.

Niyakap ko sya ng mahigpit. Talagang napaka bait ng anak ko.

Biglang pumasok sa isip ko na nakalimutan ko syang bilhan ng pasalubong.

"Teka anak, bibili lang ako sa labas saglit ha? nakalimutan kasi kita bilan ng pasalubong." Sabi ko kay Faye.

Tumango ito at umalis na ako.

Ano naman kayang bibilhin ko sa kanya?

SIguro tinapay nalang.

Kukunin ko ang walet ko sa bulsa ng jacket ko para makita kung magkano nalang ang aking pera, 

pero may nakapa akong papel at nagulat ako sa nakita ko.

Ito na kaya ang susi para sa operasyon ni Faye?

Next Chapter..........

MR.STEELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon