3rd person point of view
Reporter 2: Ang itsura daw ng mga ito ay hindi tao dahil nakita ng mga residente na ang itsura nila ay mga taong kamay ng alisamag, Taong dalawa ang ulo, isang binatilyo na kulay lila ang balat, At ang isa naman ay taong ang ulo nya ay aso.
Reporter 1: Ayon sa residenteng nakakita, natakot sila nung makita nila na ganito ang itsura nila. Patay nadin ang piloto.Reporter 2: Ang eroplano daw ay papuntang sa bansang UK at ang dahilan naman ng pagbagsak ng eroplano ay masyado daw mataas ang lipad at hindi na daw ito na control ng piloto.
Reporter 3: Lahat ng nakasakay sa eroplano ay patay, maliban sa dalawang bata daw na tumakas, ayon sa isang residente. Ang pangalan daw ng mga bata ay Benjamin at Bryce. Sila daw ay kambal.
Reporter 1: Hinahanap nadin daw ng mga pulis ang dalawang bata at kahit si Voltrone ay tumulong nadin sa paghahanap.Reporter 3: Kung nakita at may balita kayo sa bata, Tumawag lang kayo sa +84******* ** **** at ipaalam saamin agad.
Reporter 2: At doon na natatapos natatapos ang balita. Mag ingat po kayong lahat!
*End*Marcel's POV
Ano bang klaseng balita yan? bakit ganun ang itsura nila? Tao kaya sila? base sa pag-aaral ko dati, ang mga ganun daw ay parang mutation. Ito ay ang pagbabago ng kanilang mga DNA kaya sila naging ganyan.
Pero ano naman kaya sanhi nun? alam kong may isa pang dahilan bukod sa pagbabago ng kanilang DNA
Tumingin ako sa orasan at 5:40 pm na.
Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at hinalikan ko ang noo ni Faye.
"Aalis muna si Papa ha? Gagawa ako ng paraan para sa operasyon mo" Sabi ko sa natutulog na si Faye at umalis.------------------------------------------------------------------------------------------
Nakarating na ako sa trabaho at nagbihis na ng uniporme ko.
Agad kong hinugasan ang mga platong pinagkainan ng mga customer.
Medyo madami-dami ulet ito, pero kakayanin naman.
"Marcel" rinig kong tawag ng isang pamilyar na boses.
Tinignan ko ang tumawag saakin at nakita kong si Erik iyon.
Himala. Ngayon lang ako tinawag sa pangalan ko.
Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paghuhugas ng plato."Marcel! Marcel!" Paulet-ulet ang tawag saakin ni Erik at wala na akong nagawa kung hindi pansinin ito.
"Ano yun?" Sabi ko sa kanya habang nag huhugas ng plato.
"Pwede bang humingi ng pabor?" Sabi ni Erik. Tinignan ko ito at nakita ko sya.
Ngayon lang nangyare ang ganyan kay Erik.
"Ano yun?" Sabi ko sa kanya.
"Pwede bang ikaw muna sumalo sa trabaho ko? may pupuntahan lang ako sa saglit." Sabi ni Erik.
"Teka, hindi pwede. Hindi ba ang sabi ni boss, kailangan huwag aagawin ang pwesto ng isang trabahador kahit na wala sya?" Sabi ko kay Erik.
"Nagpaalam ka ba kay boss?" Sabi ko sa kanya.
"Hindi, pero kailangan ko nang umalis. dahil kailangan kong puntahan ang nanay ko sa hospital dahil inatake sya." Sabi ni Erik.Nakaramdam ako ng awa sa sinabi ni Erik tungkol sinabi nya. Alam ko ang pakiramdam ni Erik dahil nasa hospital din ang anak ko.
Tinignan ko sya sa mata at mukang seryoso naman sya. Napabuntong hininga nalang ako.
"Sige, basta ngayon lang ha?" Sabi ko at nakita ko sa muka ni Erik ang saya.
"Maraming salamat, Marcel. Kahit na madalas kitang pinagtritripan, napapakiusapan kita." Sabi ni Erik.
"Aalis na ako ha. Ikaw na ang bahala dyan." Sabi ni Erik. Nakita ko na umalis na sya sa trabaho at naghatid na ako ng pagkain sa mga customer dahil ayun ang position ni Erik sa trabaho nya.
Nakakapagod magtrabaho pag ganito, pero kailangan para nadin kay Faye.------------------------------------------------------------------------------------------
Natapos na ako sa trabaho at pumunta na ako sa hospital ulet para bantayan si Faye.
Pagpunta ko sa kwarto nya, naabutan ko padin syang walang malay.
Umupo muna ako sa tabi ng higaan ni Faye.
Tinignan ko ang anak kong natutulog.
"Freya, sana andito ka para makita mo kung gaano kasiyahing bata ang anak natin" Sabi ko.Tumunog na ang tiyan ko at nakaramdam ako ng gutom. Lumabas muna ako at bumili ng cup noodles. Ito lang ang kaya ng pera ko ngayon dahil ang sahod ko ay makukuha ko pa sa susunod na buwan.
Bumalik na ako sa kwarto ni Faye at binuksan muna ang telebisyon habang kumakain.
Pagkatapos kong kumain at manood, nagpasya na akong matulog.
------------------------------------------------------------------------------------------Kinabukasan.....
Dinilat ko ang aking mata at umaga na pala. Naligo na ako sa banyo ng kwarto ni Faye at nagbihis na pang alis.
"Aalis muna ako saglit ha? Sana pagbalik ko, gising kana" Sabi ko sa natutulog na si Faye at hinalikan ang noo nya.
Umalis na ako ng hospital at pumunta na saaking trabaho bilang Janitor.Pagpasok ko ay nagtitinginan saakin ang mga empleyado na parang nagtataka sila kung bakit ako nandito. Hindi ko na sila pinansin at dumeretsyo nalang sa banyo para magsuot ng uniporme.
Pero bago ako makapasok doon, hinarangan ako ng guard.
"Sorry mr. Claymore. Hindi kana pinayagan ni boss pumasok dito." Sabi ng guard.Ano pinagsasabi neto? siguro nagbibiro lang ito.
"Heheheheh nice Joke. Sige bihis na ako" Sabi ko, pero bigla nya padin ako hinarangan.
"Sorry, Mr.Claymore. Bawal na po talaga kayo pumasok sa kompanyang ito. Dahil tinannggal na po kayo ni boss." Sabi ng Guard.
Hindi ko na sya pinansin, pero hinila na nya ako.
"Ano ba?! kanina ka pa ha! magbibihis lang ako ng uniporme ko para makapagtrabaho na! Sinasayang mo lang oras ko" galit na sabi ko sa kanya.
"Ang kulet mo din eh no? Sinabi na nga ni boss na tanggal kana nga daw!" Sinabi ng guard.
Hinila na nya ako paalis ng building, pero bago pa ako makaalis ay sinapak ko na sya. Hindi din sya nagpatalo at sinapak nya din ako pabalik.
3rd Person Point of View.Nung sumuntok pabalik ang gwardiya, doon na nagsimula ang suntukan nila ni Marcel. Pinagtitinginan na sila ng mga empleyado at inaawat na silang dalawa.
Hindi padin umaawat si Marcel at patuloy padin nyang nilalabanan ang gwardiya.
"ANO ANG KAGULUHANG MERON DITO!" napatigil silang lahat ng marinig nila ang boss nila.
Nakita nilang bumaba ang boss nila na may kasama.
"Bumalik na kayo lahat sa trabaho nyo, maliban sa dalawang ito." Sabi ng boss nila.
"Ano ang kaguluhan ang meron dito?" Tinanong ng boss ang guwardiya.
"Sir, gusto ko lang naman mag palit ng uniporme at magtrabaho, pero ayaw ako papasukin neto" sumagot bigla si Marcel.
Biglang natawa ang boss nya sa sinabi ni Marcel.
Ano kaya ang dahilan kung bakit tumatawa ang boss nya at ano ang ibig sabihin ng guwardiya na tanggal na si Marcel?
Next Chapter.........
BINABASA MO ANG
MR.STEEL
Ficção CientíficaMatapos mawalan ng trabaho at pangsustento sa nag-iisang anak niya, walang nagawa si Marcel kundi kumapit sa patalim at pumasok sa (circus) na inalok ng isang sindikatong lalaki. Walang kamalay-malay na doon na pala magbabago nang panghabang-buhay...