Matapos mawalan ng trabaho at pangsustento sa nag-iisang anak niya, walang nagawa si Marcel kundi kumapit sa patalim at pumasok sa (circus) na inalok ng isang sindikatong lalaki.
Walang kamalay-malay na doon na pala magbabago nang panghabang-buhay...
"Sinabi mong magaling ka sa agham at matematika dba?" Sabi ni Dr Jeero. Tumango si Marcel sa kanya.
"Sumunod ka saakin. May gagawin tayo" Sabi ni Dr. Jeero kay Marcel.
Sumunod si Marcel kay Dr. Jeero at may pinakita si Dr. Jeero kay Marcel.
Marcel's POV
Sumunod ako kay Dr. Jeero at parang may hinahalungkat sya sa lagayan. Nakuha na nya ata ang hinahanap nya.
"Nakita ko din" Sabi ni Dr. Jeero.
Lumapit saakin si Dr. Jeero at pinakita nya saakin ang hawak nya.
"Tignan mo ito" Sabi ni Dr. Jeero.
Kinuha ko ito sa sa kanya at ito ang itsura nya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Inobserbahan ko mabuti ang bagay na ito. Sa palagay ko isa itong kakaibang serum. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klase ng serum.
Napansin ko na meron itong tatak.
"J.C.S?" Sabi ko.
"Jeero's Chemical Serum ang tawag dyan. Sinimulan kong imbentuhin ang serum na iyan nung nasa menor de edad palang ako. Halos ayaw maniwala ng mga kasama ko sakin pati na ang sarili kong pamilya tungkol diyan. Pero pinatuyanan kong mali sila kaya nag layas ako ng bahay at lumipas ang ilang taon, Nakumpleto ko din ang serum na gusto ko." Sabi ni Dr. Jeero. Mukang may pinagdadaanan ata sya.
"Ano ba ang kaya neto? pwede mo ko bang tignan sa microscope kung ligtas ito?" Sabi ko kay Dr. Jeero.
"Sige tignan mo. Basta huwag kang mabibigla" Sabi ni Dr. Jeero.
Hinanap ko ang microscope at pumunta doon. Pumatak ako ng konting serum at tinignan ko ito. Napansin ko na masyadong mataas ang chemical na ito at mukang delikado. Pwede mong ikamatay ito kapag pumasok sa buong katawan mo dahil lahat ng cells sa buong katawan mo ay kakainin neto.
"T-teka. Hindi ba delikado ito?" Tanong ko kay Dr. Jeero.
Pero hindi sagot sa tanong ko ang narinig ko kay Dr. Jeero.
"MWUAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" Tawa ni Dr. Jeero. Tawa lang sya ng tawa na parang nasasapian. Bakit ganito si Dr. Jeero?
Ilang minuto lumipas, medyo kumalma na sya.
"P-pfffftttt. Pasensya na. Ayoko kasi marinig ang salitang iyan. Huwag mo na ulitin dahil baka may magawa akong hindi maganda" Sabi ni Dr. Jeero. Medyo nakakatakot ang mga tingin nya saakin.
Siguro ay iiwasan ko na muna sa kanya ang salitang iyon, pero napaka delikado talaga non.
"Bakit nyo po pala pinakita saakin itong serum na ito?" Sabi ko Dr. Jeero. Lumapit sya saakin at hinablot ang serum sa kamay ko. Lumakad sya at sinundan ko lang sya.
Huminto sya at nakita ko na nakatingin sya sa isang koneho. Kinuha nya ang cute na koneho.
"Hawakan mo sya at ilagay mo sya doon sa lamesa" utos ni Dr. Jeero. Sinunod ko ang ginawa nya.
Kinuha ko ang cute na koneho at nakikita ko sa muka nya na parang natatakot sya.
"Shhh" Pampakalma ko sa koneho. Nilagay ko na sya sa lamesa.
"Hawakan mo sya mabuti." Rinig ko sa likod kong si Dr. Jeero. Papalapit sya sa koneho na merong injection at ang laman non ay ang dilaw na serum. Balak nya ata ito iturok sa koneho.
"Teka lang DR.-" Naputol ang aking sasabihin dahil tinignan ako ni Dr. Jeero na para nya akong papatayin. Hindi na lang ako sumagot.
"Huwag ka mag-alala, Mr. Claymore. Alam ko ang aking ginagawa kaya hawakan mo na ang koneho." Utos ni Dr. Jeero. Napabuntong hininga nalang ako at hinawakan ang koneho. Napansin ko na nakatingin ito saakin at nakikita ko sa mga mata nya ang takot at awa. Nakakaawa itong koneho na ito, pero wala ako magawa para sa kanya.
Tinutok na ni Dr. Jeero ang injection at tuluyan na nya itong tinurok sa koneho.
"Mr. Claymore, lumayo ka muna saglit." Sabi ni Dr. Jeero. Lumayo ako ng konti at nakikita ko ang koneho na parang sinasaniban. Nanginginig ito at naglalaway. Ilang minuto syang nanginginig at biglang nahimatay ang koneho.
Lalapit sana ako para tignan ang koneho
"Huwag kang lalapit! dumito ka muna sa tabi ko at obserbahan natin ang mangyayare" Sumunod ako sa sinabi ni Dr. Jeero.
"Pagmasdan mo lang mabuti ang mangayayare at ihanda mo ang sarili mo"Sabi ni Dr. Jeero.
Maya-maya biglang bumangon ang koneho at biglang nag liyab ng apoy ang buong katawan nya.
ito ang itsura ng koneho.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(Credits: pinterest)
Napansin kong nakatingin sa direksyon namin ang koneho at pasugod ito saamin. Pero bago pa sya makalapit, isang putok ng baril ang narinig ko at nakita kong patay na ang koneho.
Hindi ako makapaniwala. Ito ba ang epekto ng serum?
"Dr. Jeero, ito po ba ang tunay na epekto ng serum?" tanong ko sa kanya.
"Oo, ayan ang tunay na epekto ng serum. Iilang tao at hayop na ang sumubok sa serum na iyan, pero namatay ang iba. Kaya sila namatay ay dahil hindi pa kumpleto ang aking serum." Sabi ni Dr. Jeero.
Teka ang ibig sabihin ba neto ay.....
"Ang ibig sabihin po ba neto ay....." Sabi ko.
"Oo, ang mga bangkay na nakikita mo. Sila ang unang sumubok ng serum."Sabi ni Dr. Jeero.
"Kaya magkakaroon ka ng abilidad kagaya ng tatlong nakita mo kanina na nagperform." Dagdag ni Dr. Jeero. Ibig sabihin ay sinubukan din nila iyon?
"Ibig sabihin po ba nyan ay ipapasok nyo din sa katawan ko ang serum" Sabi ko sa kanya. Nakita ko na ngumiti ito at parang alam ko na ang sagot nya.
"Te-teka lang. Papaaano kung-" Naputol ang aking sasabihin dahil nagsalita si Dr. Jeero.
"Wala nang atrasan ito, mr.Claymore. Dahil pumirma kana ng contrata." Sabi ni Dr. Jeero. Napabuntong hininga nalang ako. Wala na ata talaga ako magagawa. Kailangan ko ng pera para kay Faye.
"Bago nyo po ako turukan, may mga tanong lang akong gusto kong maisagot nyo" Sabi ko kay Dr. Jeero.
" Ano po ba klaseng itsura ko ang kalalabasan kapag tinurok nyo saakin iyan?" Unang tanong ko kay Dr. Jeero.
"Walang nakakaalam. Depende sa serum na ituturok ko sayo." Sagot ni Dr. Jeero.
"May pagkakataon paba na bumalik ako sa normal na tao?" Pangalawang tanong ko kay Dr. Jeero.
"Kinalulungkot ko.......hindi na. Dahil mapapalitan na lahat ng buong cells sa katawan mo. Wala ng gamot ang pwedeng malunasan kapag naiturok na ito sa katwan mo. At kung meron mang gagawa ng cure, mabibigo lang ang tao na iyon." Sabi ni Dr. Jeero.
3RD Person Point of View
Napabuntong hininga nalang si Marcel sa mga sagot ni Dr. Jeero. Nakapirma na sya ng kontrata at wala ng atrasan iyon. Napagisip ni Marcel na simulan na ang gagawin para matapos na.
"Simulan na natin, Dr. Jeero" Sabi ni Marcel. Ngumiti si Dr. Jeero sa sinabi nya.
"Humiga ka sa kama na iyon" Tinuro ni Dr. Jeero ang higaan nya.
Ito ang itsura ng higaan nya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(Credits: Google)
Humiga na si Marcel at kinandado na ni Dr. Jeero ang magkabilang braso nya. Ihinanda na ni Dr. Jeero ang injection na merong laman na serum. Pinagpapawisan si Marcel sa ituturok sa kanya ni Dr. Jeero.
"Handa kana ba?" Sabi ni Dr. Jeero. Tumango si Marcel.