3rd Person's Point of View
"Handa kana ba?" Sabi ni Dr. Jeero. Tumango si Marcel.
Sinimulan nang iturok ni Dr. Jeero ang serum sa katawan nya. Mainit ang nararamadaman ni Marcel habang pinapasok ito sa loob ng katawan nya.
Nang matapos maiturok ni Dr. Jeero ang serum, lumayo sya ng konti at pinagmasdan kung ano ang magiging anyo ni Marcel. Patuloy padin napapaso si Marcel kahit na tapos na syang turukan ni Dr. Jeero. Bigla nalang natulala si Marcel at nag simula ng manginig. Nanginginig sya na parang sinasapian.
Masmalala ang panginginig ni Marcel kumpara sa mga dating naturukan ni Dr. Jeero. Lumayo ng konti si Dr. Jeero dahil mukang malala ang magiging anyo ni Marcel. Nakita ni Dr. Jeero na bumubula na ang bibig ni Marcel.
"AGGGGGGGGGGHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH" Sigaw ni Marcel na nanginginig habang bumubula na ang bibig.
Nung naturukan si Marcel, nabalutan ng serum ang buong cells sa katawan nya. Kahit na ang red blood cells nya ay nabalutan nadin. Lahat ng nabalutan nadaanan ng serum sa katawan nya ay naging kulay grey.
Nagulat si Dr. Jeero nang lumake ang mga katawan ni Marcel. Naging masculado ang katawan nya. Napaka laki at lumalake din si Marcel. Nagiging bakal na ang kanyang katawan pati na ang buhok nya ay nagbabago nadin. Napunit na ang damit ni Marcel dahil sa lumalake na ang katawan neto. Pati na ang mga braso ni Marcel ay malaki nadin.
Ilang minuto lumipas....Natapos na ang panginginig at pagpapalit ng anyo ni Marcel. Nasira ang higaan dahil sa bigat at laki ni Marcel.
Lumapit si Dr. Jeero at inobserbahan nya mabuti ang anyo ni Marcel.
Dr. Jeero's POVTotoo ba itong nakikita ko? Napaka ganda ng anyo nya. Naging taong bakal ang isang ito. Napaka laki. Ano kaya ang abilidad neto?
Sinubukan kong obserbahan ang katawan nya at hinawakan ang braso nya.
Teka.... hindi ito isang ordinaryong bakal......isa itong Fuertanium
Tinagurian itong pinaka malakas at matibay na bakal sa mundong earth. Hindi ito basta masisira ng basta basta dahil ito ay 12 times lighter than aluminum and 40 times stronger than steel alternatives.
Grabe.....sobrang ganda talaga ng naging anyo nya. Sya ang pianaka malakas na nalikha ko sa ngayon.
"MWUAHAAHHAAHAHHAHAHAAHHAHAHA Siguradong maraming tao ang magiging interesado sa kanya"Marcel's POV
(Kinabukasan..)
Nagising ako na parang bigat ng katawan ko. Teka ano ba ang nangyare kagabi?
Pagdilat ko, nasa hinding pamilyar na kwarto ako. Sa pagkakatanda ko ay tinurukan ako ni Dr. Jeero at bigla nalang akong nahimatay.
Sinubukan kong tumayo, pero napaka bigat ng katawan ko. Ano ba ang nangyare sakin? Kahit ulo ko ay hindi ko na mai angat.
Naalala ko tinurukan nga pala ako ni Dr. Jeero ng serum. TEKA ANO NA ANG ITSURA KO?!!Sinubukan kong tignan ang sarili ko, pero hindi ko talaga mai angat ang ulo ko sa sobrang bigat. Pero hindi ako sumuko at sinubukan ko padin. Nagawa ko nang umupo sa hinihigaan ko, pero kailangan ko padin ibalanse ang katawan ko dahil baka bumagsak ulet ako sa pagkakahiga.
Kahit na mabigat ang magkabilang braso ko, sinubukan ko padin itong mai-angat. Nagtagumpay naman ako. Nakita ko na parang naging bakal ang mgakabilang braso ko.
Hindi ito maari......
Sinubukan ko tignan ang katawan ko at puro bakal nalang ang nakikita ko. Wala na akong makitang bakas ng pagkatao sa katawan ko. Sinubukan kong tumayo kahit hirap ako.
Dahan-Dahan akong naglakad papunta sa isang salamin. Nang makapunta na ako, nakita ko ang sarili ko na purong bakal na. Kahit ang muka ko ay bakal na din pati na ang buhok ko. Sinubukan kong hawakan ang buhok ko, pero imbis na matigas ito dahil gawa ito sa bakal, para lang itong ordinaryong buhok na nagpalit lang ng kulay. Pero gawa padin ito sa bakal kahit na hindi ito matigas.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na malungkot. Ano nalang kaya ang magiging reaction ni Faye kapag nakita nya ako? Matatakot kaya sya? Makikilala kaya nya ako? Ayoko na matakot sya saakin. Sana kapag nakita kame, ganun padin ang tingin nya saakin katulad noon. Kahit na ganito ang aking itsura. Dahil napaka sakit para saakin na hindi na nya ako makillala bilang ama nya."Gising kana pala" rinig kong may nag salita sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko si Yara.
"Kanina kapa gising?" Sabi ni Yara habang lumalapit saakin.
"Kakagising lang." Sabi ko sa kanya habang tinitignan ang aking sarili sa salamin.
"Ano ang pakiramdam mo matapos turukan?" Tanong ni Yara.
"Mabigat ang pakiramdam ko ngayon dahil sa bakal na katawan ko. Nalulungkot at pinagsisihan ko pumasok sa ganito, pero wala na ako magawa dahil nakapirma na ako ng kontrata. Isa pa, para din sa anak ko. Iniisip ko kung ano ang magiging reaction nya kapag nakita nya ako" Sagot ko kay Yara.
Hinawakan ni Yara ang muka ko at hinirap nya ako sa kanya. Pinagmasdan ni Yara ang aking muka. Sa tingin ko ay napapangitan sya dahil sa anyo ko.
"Sa tingin ko kapag nag kita kayo ng anak mo, kung ano ang tingin nya sayo noon, ganun padin ang magiging tingin nya sayo. Dahil kahit ano pa ang itsura ng isang ama, kahit matagal silang hindi magkita ng anak, makikilala ka padin nya. Dahil ang pagmamahal ng isang ama ay walang katumbas sa ibang tao para sa kanyang anak." Sabi ni Yara. Mukang gumaan ang pakiramdam ko nung sinabi nya iyon sakin.
"Sana nga." Sabi ko.
"Oo nga pala, kumain kana. Kanina ka pa hindi nagaalmusal" Sabi ni Yara.
Sinubukan kong maglakad, pero nahihirapan ako dahil sa bigat ng binti ko. Kailangan ko pang bumalanse dahil kung hindi, malamang babagsak ako.
Nakaramdam ako na parang may umangat sa kanang braso ko. Nakita ko si Yara na tinutulungan ako sa paglalakad.
"Tulungan na kita. Mukang hirap ka ata dahil sa binigay sayo ng serum na anyo" Sabi ni Yara.
" Hindi kaba nabibigatan?" Sabi ko kay Yara.
"Nabibigatan, pero kailangan mo kumain para magka-lakas ka" Sabi ni Yara.
Ilang minuto lumipas sa paglalakad namin, mukang nakakaya ko na mag lakad.
"Yara, mukang kaya ko na." Sabi ko. Bumitaw na si Yara at sinubukan kong maglakad. Nakakapag lakad na ako, pero may konting bigat padin akong nararamadaman. Siguro masasanay din ako.Naglakad na kame hanggang sa makarating na kame sa kainan. Nakita ko ang kambal na ulo na si Oliver at Noah, Pati nadin si James na kumakain.
Nakita ko na napansin nila ako. Nagtataka ata sila kung sino ako.
"Yara sino yung kasama mo?" Tanong ni James.
"Si Marcel yan. Naturukan na sya ng serum" Sabi ni Yara.
"TEKA SI MARCEL NAYAN?!!!!!" Sigaw nung tatlo.
Next chapter.....
![](https://img.wattpad.com/cover/291518092-288-k54108.jpg)
BINABASA MO ANG
MR.STEEL
FantascienzaMatapos mawalan ng trabaho at pangsustento sa nag-iisang anak niya, walang nagawa si Marcel kundi kumapit sa patalim at pumasok sa (circus) na inalok ng isang sindikatong lalaki. Walang kamalay-malay na doon na pala magbabago nang panghabang-buhay...