Binata
Ako po ay nakatira
Sa isang lugar na lahat ay nakakakilala
Lugar kung saan halos ay maralita
Isang kahig, isang tuka kung ituring nila.
Ako po ang panganay sa aming magkakapatid
Ang ina na lang namin ang pilit na tumatawid
Sa aming tatlo na para sa kanya ay biyaya sa makatuwid
Binabangon at iniraraos anu mang buhay ang nais ihatid.
Mahal na mahal ko aking ina
Kahit gaano kahirap ay kinakaya niya
Kahit anong trabaho pinapasukan niya
Ayaw lang namin ang maagrabyado siya.
Dahil ako ang panganay sa aming tatlo
Ramdam ko ang bigat na dala-dala ng ina ko
Kaya nga kahit gustong-gusto ko
Makatapos ng pag-aaral ay iwinaksi ko ito.
Kahit ayaw ni ina na siya'y aking tulungan
Wala naman siyang magagawa kung kusang loob ko itong tinatangan
Nangako na lang akong magtatapos ng aking pag-aaral sa paaralan
Kahit magbalat pa ako ng buto maramdaman niya rin kahit konting kaginhawaan.
"Hindi mo kailangan ako ay tulungan
Anak ko ikaw ay dapat na nasa paaralan
Nag-aaral ng leksiyon mo at nakikipagdunong sa harapan
Ng iyong gurong humahaliling bilang iyong pangalawang magulang." Ang sabi niya
"Mahal kong ina
Kayo po ay huwag mag aalala
Sapagka't napagpasiyahan kong ako'y mag-aaral din kaya
Nang makatapos at mabigyan ng kaginhawaan ka." Ang sabi ko.
"Tatandaan ko yan, mahal kong anak
Huwag ka lang tatalak talak
Sa masasamang bagay na hindi ko ikagagalak
Maraming salamat, mahal na mahal kong anak." Ang sagot niya.
BINABASA MO ANG
Tula ng Buhay at Pag-ibig #Wattys2016
PoesieThanks to @AnqelicDoll for the cover...