Dalaga:
Marami nga kaming kayamanan
Lahat ng gusto ko naibibigay sa kahit anong paraan
Dagdag pa rito ang biglaang kasikatan
Akalain mong ako ay mapapansin naman?
Kapag ako'y naglalakad lahat sa aki'y nakatingin
Inggit na inggit sa mga tindig kong in na in.
Mga babaeng tulad ko napapanganga sa akin
Mga lalaki naman kabigha-bighani ako sa kanilang paningin.
Lahat ng bagay kaya kong bilhin
Lahat ng wala ang mahihirap nasa sa akin
Kulang na lang dugong bughaw ako kung tawagin
Sobrang yaman daw kasi ng pamilya namin.
Pero bakit ganun hindi ako masaya?
Hindi ko ramdam na hindi ako nag-iisa.
Parang may kulang na aking lubhang ikinababahala.
Sana matulungan ako ng Poong Maylikha.
BINABASA MO ANG
Tula ng Buhay at Pag-ibig #Wattys2016
PoetryThanks to @AnqelicDoll for the cover...