Angelo:
Hindi na ako makatiis
Agad akong umalis
Pinuntahan ang bahay ng taong aking namimiss
Wala akong pakialam sa ama niyang mabangis.Patricia:
Hindi ko na talaga kaya
Ang magmukmok dito sa kwarto kong mag-isa
Miss na miss ko na siya
Bahala na at ako'y lalabas na.Angelo:
Nakarating ako sa bahay nila
Pinagmasdan ko ang buong paligid sa kanila
Upang masigurong walang nakakakita
Nang masilayan ang aking sinisinta.Patricia:
Kahit alam kong takot ako
Sa kung anong pwedeng mangyari dito
Wala akong pakialam sa Ama ko
Ang mahalaga ay makaalis ako dito.Angelo:
Sa di kalayuan natanaw ko ang isang pamilyar na nilalang
Dahan-dahan siyang humahakbang
Palabas ng kanilang tahanan
Lingon-lingon ng lingon sa bawat dinaraanan.Patricia:
Nakalabas ako ng walang nagmamanman
Pero ako'y nagulat sa aking nasaksihan
Si Angelo ay naghihintay sa labasan
Hindi ko alam pero ramdam kong may sakunang magaganap sa aming kahibangan.