Binata:
Isang buwan na rin pala ang nakakaraan
Simula nang ako'y mahumaling sa isang kagandahan
Isang dalagang sa tingin ko'y anak mayaman
Dahil napakagara ang kanyang sasakyan.
Naisip kong tuluyan ko na kaya siyang kalimutan
Upang hindi na magulo ang aking isipan
Pero bakit lagi-lagi na lang napapangiti na naman ako ng di inaasahan
Ganoon ba talaga ang epekto kapag unang pag-ibig ang iyong kinakalaban?
Dahil wala akong pasok, kargador na naman ako
Saan pa eh di sa pier na maraming pasahero
Naghihintay ng taong may ginintuang puso
Para magbigay ng tip o magbayad sa akin sa pagbubuhat ng mga gamit nito.
Nguni't sa hindi inaasahan
Isang pamilyar na kotse ang aking nasilayan
Buwan na nga ata ang nakakaran
Pero sariwa pa rin ang kotseng kanyang sinasakyan.
Nakita kong tumigil ito sa harapan ko?
Anong ibig sabihin nito, kikidnapin ako?
Ng taong pinakahihintay ko?
Kung sakaling siya nga iyon, magpapakidnap na lang ako.
Bumukas ang pintuan at paa pa lang niya ang aking nagisnan
Hanggang unti-unti ko na siyang namumukhaan
Nakaunipormeng katulad ng sa aking paaralan?
Ibig sabihin isa lang ang aming pinapasukan?
Itutuloy...;-)
BINABASA MO ANG
Tula ng Buhay at Pag-ibig #Wattys2016
PoetryThanks to @AnqelicDoll for the cover...