Binata;
Hilig ko ang magsulat
Magsulat ng mga kathang hindi hango sa aklat
Mga kathang namimilantik
At wala ng patumpik-tumpik.
Marunong din akong maglaro
Badminton nga lang ang isports ko
Pero kung aayain niyong mag-scrabble tayo
Hindi kita uurungan pagdating sa bokabularyo.
Nakasanayan ko naman ang pagkanta
Ang aking ama ang nagturo sa akin nung umpisa
Kahit sintodo noong una
Napatunayan ko namang ako ay may ibubuga.
Masakit nga lang isiping ang nakahiligan kong huli
Ay sadyang napaka-memorable lagi
Kahit wala na ang aking amang laging nakangiti
Kapag ako'y kumakanta kasiyahan niya'y di mo maikukubli.
BINABASA MO ANG
Tula ng Buhay at Pag-ibig #Wattys2016
PoetryThanks to @AnqelicDoll for the cover...