Angelo:
Mag-iisang linggo na
Nguni't hindi ko pa rin siya nakikita
Ano kayang nangyari sa kanya?
Sinaktan kaya siya ng kanyang ama?
Alam kong maimpluwensiyang tao sila
Alam ko rin na kaya ng kanyang amang humanap na nararapat sa kanya
Ano nga ba naman ako kung ikukumpara
Isang kahig, isang tuka lang naman ang aking pamilya.
Pero hindi iyon ang basihan
Upang ako ay husgahan
Lalo na't mahal ko ang kanyang anak na higit pa sa kahit na anu pa man.
Sana lang huwag niya siyang sasaktan
Dahil hindi ko alam kung ano pwede kong gawin
Baka masuntok ko lang siya ng walang pakundangan
O di kaya'y makapatay ako ng tuluyan.
Ganito pala ang pakiramdam
Masakit ang aking nararamdaman
Mapahiwalay ka lang sa iyong minamahal ng pansamantala
Nananabik ka ng muli kayong magkita.
BINABASA MO ANG
Tula ng Buhay at Pag-ibig #Wattys2016
PoetryThanks to @AnqelicDoll for the cover...