Naulinigan ni Patricio
Na siya ay tatakasan
Ng anak niyang labis na nagdaramdam
Kaya dahan-dahan rin siyang tumingin sa labasan.Hindi nga siya nagkamali
At kanyang natuklasan
Si Angelo at Patricia nagkitang dalawa
Sa labas pa mismo ng bahay nila."Ilang beses ko bang sasabihin sayo
Angelo, layuan mo ang anak ko
Dahil hindi siya karapat-dapat sa iyo." Ang sabi ni Patricio."Wala po akong balak na masama
Sa anak niyong ubod ng ganda
Hindi po pera ang habol ko sa kanya." Ang sabi ni Angelo."Patricia, lumayo ka sa kanya
Hindi siya para sa iyo at alam kong nagsisinungaling siya
Na hindi pera ang habol niya." Ang sabi ni Patricio."Wala kang karapatan na siya ay husgahan
Dahil hindi ikaw kundi ako ang nagkakilanlan
Mahal ko siya at hindi pera ang habol na kailanman." Ang sagot ni Patricia."Hindi ako makakapayag sa iyong kagustuhan
Kung ayaw mo sa santong dasalan
Pwes, gagawin ko ito kapalit ng kanyang kamatayan." Ang sagot ni Patricio.Isang putok ng baril
Isang nilalang ang kinitil
Buhay ni Patricia niya ang kanyang binaril.Sinangga ni Patricia ang bala para kay Angelo
Sinalo niya ang kamatayang para sa kanyang mahal na Angelo
Galit at pagsisisi naman ang naramdaman ni Patricio.
BINABASA MO ANG
Tula ng Buhay at Pag-ibig #Wattys2016
PoetryThanks to @AnqelicDoll for the cover...