Binata:
Pagkatapos ng aking klase
Dumeretso ako sa aking trabaho para magsilbi
Tagabuhat ng mga gamit sa pier ginagawa palagi
Kahit sa kaunting barya hindi naman siguro ako lugi?
Iba-t ibang klaseng gamit ang aking binubuhat
Nagpapaalam sa mga pasaherong sasakay ng barko na ako ang magbuhat
Nang mabawasan naman ang kanilang dala-dalang gamit na kaybigat
Kahit na minsan ramdam ko'y braso ko at kamay ay sugat-sugat.
Habang nakapila bitbit ang mga gamit ng isang pasaherong sa aki'y pinagkatiwala
Nahagip ng aking mga mata isang nilalang ubod ng ganda
Tumigil sandali ang oras at nagtama ang aming mga mata
Habang dahan-dahang umaandar ang sasakyan kung saan ko siya nakikita.
Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla
Bumibilis ang tibok ng puso ko wari'y natutuwa
Sa isang babaeng ngayon ko lang nakita
Ano kaya ang pangalan niya?
BINABASA MO ANG
Tula ng Buhay at Pag-ibig #Wattys2016
PoëzieThanks to @AnqelicDoll for the cover...