Lumipas ang mga araw
Dumaan ang mga linggo
Ang dalawang tao kaya'y
Pagtatagpuin ng panahon?
Makikilala kaya nila ang isa't isa?
Magiging hadlang ba ang estado sa buhay nila?
Dadaan pa kaya ang mga buwan upang sila'y magkita?
Tunay na pag-ibig ba ang nararamdaman ng damdamin nila?
Sa mga mahal kong nagbabasa
Ako po'y nagpapasalamat at inyong binabasa
Itong maikling kwentong patula
Na una ko talagang ginawa.
Kahit hindi man ito kaibig-ibig sa inyong panlasa
Kahit hindi niyo man ito iboto ng kusa
Nagpapasalamat pa rin ako sa inyong pagbabasa
Kaya itutuloy na natin ang naudlot nilang pagkikita.
BINABASA MO ANG
Tula ng Buhay at Pag-ibig #Wattys2016
PoetryThanks to @AnqelicDoll for the cover...