Patricia:
Hindi ko alam kong paano ko sisimulan
Ang bawat salitang iyong binitiwan
Angelo aking manliligaw, mga salita mo'y kahanga hangang pakinggan
Tagos sa puso ng babaeng tulad kong iyong nililigawan.
Gusto kong sabihin sayo
Nung masilayan ka masaya ako
Bumilis ang tibok ng puso ko
Natutuwa kapag nakikita mukha mo.
Hindi ako pinapatulog
Isip ko'y parang tinutuhog
Parang gusto ko ngang iuntog
O di kaya'y magpabugbug.
Oo aaminin kong sikat ako
Sa paaralan natin kilalang kilala ako
Pero hindi ako pumayag na dun ako ay ligawan mo
Kaya nga sinadya kong dito na lang sa pier na ito tayo magtagpo.
Noong una takot ako
Takot akong malaman ng Ama ko
Na may nagugustuhan ako
Na may nanliligaw sa isang tulad ko.
Pero napagtanto ko
Na wala naman sila noong nag-iisa ako
Kaya wala rin silang magagawa sa pintig ng puso ko
Ako ang magdedesisyon sa kung sino ang mamahalin ko.
BINABASA MO ANG
Tula ng Buhay at Pag-ibig #Wattys2016
PoetryThanks to @AnqelicDoll for the cover...