Binata:
Mahirap man o mayaman
Matalino man o katamtaman
Bata man o may edad na
Edukasyon ay napakahalaga sa bawa't isa.
Sa tulad kong lumaki sa hirap
Sa tulad kong hindi nakaranas na kumain ng masasarap
Mahalaga sa akin ang karunungang aking pinapangarap
At sa paaralan o unibersidad ko lamang ito makakalap.
Hindi hadlang sa isang tulad ko
Ang mag-aral kahit hindi man matalino
Basta't pinagsisikapan ko
Ang bawat leksyong natututunan ko.
Sapat na sa akin ang makapagtapos
Mahawakan ang isang sertipikong kailanma'y hindi mauubos
Pero sa karapat-dapat lamang ito ibinubuhos
Nang ang tagumpay at hindi kalunos-lunos.
"Mahal kong estudyante
Kayo ay pinagpala ng marami
Mapamayaman man o hindi
Dapat lang na mag-aral kayong mabuti." Ang sabi ng guro namin.
"Ang tagumpay niyo ay tagumpay ng nakararami
Magsumikap kayo at ibahagi
Karunungan niyo'y huwag na huwag itatanggi
Nang ang buong bansa ay katangi-tangi." Ang dagdag niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Tula ng Buhay at Pag-ibig #Wattys2016
PoesiaThanks to @AnqelicDoll for the cover...