Patricia:
Simula ng araw na kami ay nagkasagutan
Ng aking amang ako ay pinagbawalan
Na makipagkita sa aking mahal na kasintahan
Nagmukmuk ako sa kuwarto ko isang linggo rin ang nakakaraan.
Masakit para sa akin na hindi siya makita
Ramdam ko ang kalungkutan sa aking mga mata
Dahil wala akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak pa
Hindi dahil sa aking ama kung hindi sa pagkasabik ko sa aking ina.
Naalala ko noon kung gaano kami kasaya
Walang araw kaming namimiss, lahat kami ay sama-sama
Pero lahat ay nabura at nawalang parang bula
Simula ng malaman ng aking mahal na ina na ang aking ama ay may kalaguyong iba.
Kahit kompleto kaming nagsasama
Napakalamig na ng pakikitungo nila sa isa't isa
Lagi kong naririnig na nag-aaway sila
Nagsasagutan at nagbabangayan talaga
Hanggang sa hindi na kinaya ng akin ina, binaril niya ang sarili niyang mag-isa.
May isip na ako noon at naroon ako ng mawala siya ng buhay
Akala ko lang nawalan siya ng malay
Pero nang makita kong duguan ang kanyang mga kamay
Doon na ako umiyak ng walang humpay.
BINABASA MO ANG
Tula ng Buhay at Pag-ibig #Wattys2016
PoetryThanks to @AnqelicDoll for the cover...