Ang Pagkikita

55 5 1
                                    

Dalaga:

Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang

Ang aking nararamdaman para bang may kulang

Mahigit isang buwan na ang nakakaraan

Simula ng siya'y aking masilayan.

Kaya heto ako ngayon nagbabakasakali na makita ko siya

Sa isang lugar kung saan una ko siyang nakita

Habang papalapit ang aking sinasakyan

Hindi ko alam kung bakit iba ang aking nararamdaman.

Sinadya kong hindi buksan ang bintana ng sasakyan

Upang hindi ko agad siya magisnan

Baka kasi hindi naman siya doon mapapadaan

Kaya kahit sabik akong makita siya, sarado pa rin ang bintana ng sasakyan.

'Senyorita, dito na po tayo' ang sabi ng drayber ko.

'Saglit lang po Manong' ang tanging sagot ko.

Dahil hindi naman tinted ang bintana ng sasakyan

Sinimulan kong ilibot ang aking paningin.

At sa hindi inaasahan nakita ko siya sa di kalayuan

Kahit na kinakabahan, bumaba ako na puno ng kasiyahan

Kahit naka uniporme pa akong tingnan

Hindi naman iyon bawas sa aking kagandahan.

Pagkababa ko nakita kong nakatingin siya sa akin

Tulalang tulala siya habang ako'y papalapit sa kanyang harapan

Hindi niya siguro aakalaing siya ay aking pupuntahan

Pero bigla na lang may humablot ng gamit ko sa aking harapan.

Sumigaw ako ng 'tulong, tulong, magnanakaw' ang sigaw ko.

Nang magawi ang tingin ko sa lalaking aking pupuntahan

Nakita ko siyang hinabol ang magnanakaw ng may kabilisan

At agad naman nakuha ang gamit ko at ang magnanakaw ay kanyang binatukan.

Tula ng Buhay at Pag-ibig #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon