Angelo:
Ito na marahil ang tamang panahon
Upang ipaalam ko sa iyo Patricia
Ang tunay na nararamdaman
Ng puso at isipan ko sa iyo.
Ilang buwan na rin akong nanliligaw sayo
Nakita at nasaksihan mo ang mga pagsisikap ko
Kahit na mahirap ako
Sigurado akong hindi hadlang iyon sa iyo.
Sinasabi ko sa iyona hindi pera ang hangad ko
Niligawan kita dahil iyon ang gusto mo
Binigyan kita ng pulang rosas na gustong gusto mo
Kahit walang wala ako naipakita ko lahat sa iyo.
Hindi pera ang habol ko
Hindi karangyaan ang hanap ko
Simple lang ako hindi katulad mo
Pero sana pagbigyan mo ang sinasamo ng puso ko.
Minahal kita hindi dahil sa kagandahan mo
Minahal kita hindi dahil sikat ka paaralang pareho tayo
Minahal kita dahil sinasabi ng puso ko
Minahal kita dahil sa iyo tumibok ito.
Alam kong katakot takot ang kahihinatnan nito
Alam ko ring mga bata pa tayo
Pero hindi ko na kaya ang pagtibok na ito
Gustong kumawala at ipagtapat sa iyo.
BINABASA MO ANG
Tula ng Buhay at Pag-ibig #Wattys2016
PoetryThanks to @AnqelicDoll for the cover...