Binata:
Bakit sadyang kaylakas ng kabog nitong aking dibdib
Kapag naaalala ko ang babaeng nakita ko sa pier agad akong napapaisip
Napapatulala sandali, makakatulog, mananaginip
Sa mukha ng dalaga'y agad akong napapaidlip.
Tinamaan na ata itong abang puso ko
Sa kauna-unahang pagkakataon ako'y nalilito
Waring nabibiyak ang isip ko
Sa mukha mo't ngiting napapangiti ako.
Dalaga:
Kung pwede lang patigilin itong bumibilis sa dibdib ko
O di kaya'y pagsabihang 'tumigil ka' sa kakatibok mo
Pero bakit kabaligtaran naman sinasabi nito?
Dahil lang ba doon sa binata'y napapangiti na ako?
Pero aaminin ko tumatalon sa tuwa ang puso ko
Hindi ko makalimutan ang araw na tumibok ito
Marami ang nagkakagusto sa akin dahil sikat ako
Pero bakit sa isang tulad niya di ako nakakatulog ng matino?
BINABASA MO ANG
Tula ng Buhay at Pag-ibig #Wattys2016
ПоэзияThanks to @AnqelicDoll for the cover...