Ama sa Anak

94 5 0
                                    

Don Patricio:

Lintek na pag-ibig yan

Hindi ko sila hahayaan

Tututulan ko ang kanilang pag-iibigan

Hahadlangan sa abot ng aking kakayahan.

Patricia:

Wala kayong karapatan

Upang ang isang katulad ni Angelo ay husgahan

Dahil hindi naman kayo ang may nararamdaman

At higit sa lahat nasaan kayo ng kayo ay aking kailangan?

Don Patricio:

Huwag mong ibalik sa akin iyan

Hindi mo alam ang aking pinagdaanan

Simula ng mamatay ang iyong ina, dugo't pawis kitang sinustentuhan

Ngayon, sabihin mo wala akong karapatan?

Patricia:

Huwag mong idamay ang aking Ina

Dahil kahit kailan naging mabuti siya

Eh ikaw, nasaan ka?

Trabaho dito, trabaho doon ang ginawa mo.

Kaya kahit kailan, hindi kita itinuring na Ama.

Oo, nasa akin nga ang karangyaan, pero para saan pa?

Kung mag-isa naman akong nabubuhay sa hinaharap?

Kung buhay lang sana si Mama, siya lagi ang aking kaharap.

Don Patricio:

Ganyan ba ang natutunan mo?

Sa lalaking iskuwaterna iyon sa iyo?

Nasaan na ang respeto mo?

Tandaan mo, ako pa rin ang Ama mo.

Kaya sa ayaw at sa gusto mo

Susundin mo bawat utos ko

Hindi ka na makikipagkita kay Angelo

Ni hindi ko nga alam kong bakit siya ang gusto mo.

Patricia:

Hindi mo gagawin sa akin yan

Dahil hindi mo magugustuhan

Ang aking gagawing kabulastugan

Kapag may ginawa kang kasamaan sa aking kasintahan.

Don Patricio:

Huwag mo akong susubukan

Anak ka lang, kay dapat sundin mo ang aking tinuran

Kung ayaw mong may mangyari sa iyong kasintahan

Iwasan mo siya at iwanan.

Patricia:

Wala kang kwentang ama

Wala kang kwentang tao

Sana hindi na lang kita nakilala

Namatay na rin sana ako.

Don Patricio:

Bumalik ka dito, Patricia

Hindi pa tayo tapos mag-usap, bumalik ka.

Wala ka talagang galang na bata ka

Manang mana ka talaga sa iyong Ina.

Tula ng Buhay at Pag-ibig #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon