Dalaga:
Trapiko nga naman sa bansang sinilangan ko
Kailan kaya malulutas ito ng ating gobyerno?
Araw-araw na lang kahit sino napeperwisyo
Kahit mahirap ang estado mo
Mapapamura ka talaga sa sarili mo.
Si Manong drayber lumihis ng daan
Napunta kami sa isang pier sa pantalan
Kahit na sobra akong nababahuan
Wala akong magawa dahil mahuhuli na ako sa klase ko't mapapagalitan.
Dahil hilig kong buksan ang bintana sa kotseng aking sinasakyan
Sinilip ko sa di kalayuan mga bata sa lansangan
Kitang kita mo ang kanilang ngiti ng kasiyahan
Nguni't napako ang paningin ko sa isang binatang guwapong guwapo kong titingnan.
Mas lalo akong natigilan ng magtama ang ang aming paningin
Tumigil ang bawat galaw ng orasan habang akin siyang tinitingnan.
Hindi ko alam kung bakit biglaang pintig ng puso ko'y nawala sa katinuaan
Hindi magkandaugaga sa kalandian???
BINABASA MO ANG
Tula ng Buhay at Pag-ibig #Wattys2016
PoetryThanks to @AnqelicDoll for the cover...