Si Angelo at Si Patricia

35 6 1
                                    

Angelo:

Sinasagot mo na ba ako?

Maririnig ko na ba ang matamis mong Oo?

Pakiusap Patricia, makiking ako.

Tatanggapin ko ng maluwag sa puso ko bawat sagot mo.

Patricia:

Relaks ka lang Angelo

Huwag kang kabahan ng todo

Ilang saglit na lang po

Maririnig mo na ang sagot ko.

Angelo:

Kanina ko pa hinihintay ang tatlong salita

Atat na atat na akong marinig ka

Sabihin mo na kasi mga kataga

Nang di na mainip ang isip kong natutuwa.

Patricia:

Hihinga muna ako ng malalim

Angelo, heto na't hindi ko ililihim

'I love you', mahal din kita

Ikaw lang at walang iba.

Angelo:

Hindi mo alam kung gaano ako kasaya

Hindi mo alam kong gaano ako kaligaya

Pwede na ba kitang tawaging sinta

At pwede na ring mayakap ka?

Patricia:

Nakakatuwa ka talaga

Lagi mo akong pinapasaya

Oo naman, sinta ko, masaya ka na?

Pwede ring mayakap ka?

Don Patricio:

Anong kalokohan ito?

Anak, Patricia ko?

Dito lang pala kita makikita

At nakikipagyakapan sa tulad niyang hampaslupa?

Tula ng Buhay at Pag-ibig #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon