Tagpuan

32 5 0
                                    

Angelo:

Isang linggo pagkatapos ng aming pagpapakilala

Nalaman kong Patricia pala ang pangalan niya

Kutis mayaman at mayaman pala talaga siya.

Mapupungay na mata niya di nakaligtas sa aking mata.

Mapupulang labi niya ang sarap halikan na

Pero hindi pwede baka ako'y ipakulong niya

At baka sabihin niyang bastos ako sa kanya

Kaya pinigilan ko na lamang ano mang nararamdaman ko pabigla-bigla.

Nahuli ko ring paminsan-minsan siyang nakasulyap sa akin

Hindi ko alam pero ako'y natutuwa at ako'y napapansin

Napapangiti na lang ako sa tuwing napapangiti siya

Isang araw na kung tutuusin ay sobrang saya.

IisanG paaralan lang ang aming pinapasukan

Hindi ko siya siguro napapansin

Kahit na sikat talaga siya sa paaralan namin

Kasi nga aral at trabaho lang ang aking pinapansin.

Dahil ayaw kong matsismis

At ayaw niya rin ang natsitsismis

Napagpasiyahan naming sa pier lagi gumimik

Magkita para tahimik.

Tula ng Buhay at Pag-ibig #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon