TODAY IS my wedding day. Ikakasal na ako sa aking 2-year boyfriend na si Jonathan. He's gonna introduce me to his family this time.
Balak niya lang kasing ipakilala sa pamilya niya ang babaeng sure siya na makatuluyan niya. 'Di ko tuloy mapigilang 'di kiligin.
Jonathan is my ideal man. Maalaga ito at mabait. Sobrang haba rin ng pasensya at understanding. Grabe, minsan, mapapatanong na lang ako kung ano ang nagawa kong mabuti at binigay ng Diyos si Jonathan sa akin.
Iniintindi niya rin kapag minsan, hindi ako makakapag-bonding sa kanya dahil gagala kami ni Valerie. Valerie has been my best friend ever since college. Sa unang tingin, akala mo maldita. Valerie has sharp features. Mapanuri ang mga mata nito at on fleek ang kilay. But once you get to know her, you'll surely love her as I do.
Napatingin ako sa aking wedding dress na suot pa ng mannequin. Ball gown ang style nito. The upper part is covered with lace at may manipis na nude leotards kung saan nakadikit ang flower laces. Sobrang ganda.
Umusbong ang mainit na emosyon sa aking dibdib at nag-iinit ang sulok ng aking mga mata. God, I still can't believe it. I'm going to marry the man of my dreams today. It still feels surreal. Totoo ba talaga 'to? Ikakasal na ako sa lalaking mahal ko?
Pinahiran ko ang mga luha na dulot ng tuwa. Buti nga hindi pa ako nag-apply ng eye shadow. For this day, I want to be the one to put a make-up on myself. 'Yong make-up artist na na-hire namin ay minemake-up-an 'yong bridesmaid na nasa kabilang room.
I let out a sigh and sat in front of the mirror. In front of me is a lady with a heart-shaped face, big brown eyes, and plump rosy lips. Kitang-kita ko ang tuwa na nakaukit sa aking mga mata. It was as if I glow.
I giggled and opened the make-up kit. Nakaayos na rin ang aking buhok. It was tied into a messy bun and the hairstylist purposely let some strands of my hair to fall, emphasizing my neck. Napangiti ako nang malawak. Ang ganda ko!
Bumaling ang aking tingin sa make-up kit at kinuha ang brush na para sa mata. I applied a brown and grey smokey eye shadow.
Na-inspire akong mag make-up dahil kay Valerie. Parati kasi ako nitong niregaluhan ng make-up no'ng college pa kami kahit na hindi ko alam kung paano gumamit. I taught myself by watching make-up tutorials.
Kapag make-up kit ang wedding gift niya sa akin, lagot talaga siya.
Pagkatapos kong malagyan ng eyeshadow ang isang mata ko ay napatingin ako sa sariling repleksyon. It's perfect! Mas lalong na-emphasize ang kulay kayumanggi kong mata. Napangiti ako at muling kinuha ang brush.
I was about to put on an eyeshadow on my other eye when my phone vibrated. Napatigil ako at tiningnan iyon. It's Shane, a cousin of mine. Bakit niya naman kaya ako papadalhan ng mensahe sa oras na 'to? May problema ba?
Binuksan ko ang convo at binasa ang kanyang mensahe.
From: Shane
Jonathan ran away with Valerie, Natalie and Jonathan's friends and family didn't come. Hindi niya pinadala ang invitation cards. What the fuck was that?
Nanlaki ang aking mga mata nang mabasa ang mensahe ng pinsan ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at namanhid ang aking buong katawan. Paulit-ulit ko iyong binasa at naramdaman ko ang pagsikip ng aking dibdib. Hindi. . . hindi maaari 'to. This must be a joke, right?
Shane sent a video of Jonathan running away with Valerie, my bestfriend. Fuck. Anong ibig sabihin nito? Are they cheating behind my back?
Konti lang ang nakakaalam ng relasyon namin ni Jonathan because he wants to keep it private and lowkey. We have been together for two years already. Ito ba ang rason kung bakit niya ako itinatago?
BINABASA MO ANG
Unexpected Proposal
RomanceMendoza Brothers Series #1: Jamie Wren R. Mendoza Her groom ran away before the wedding started. . . so she proposed to someone who unexpectedly turned out to be her new boss. ----- Nathalie D. Cruz is about to get married. She's gonna marry the man...