2 months later
"NAT, MAY bago raw tayong boss," saad ni Hill sa akin, isa sa mga ka-close ko na lalaki.
Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi. Wala naman yatang sinabi si sir Javier sa akin?
Sir Javier Mendoza is our boss and I'm his secretary. I've been working under him for a year already. Close ko na nga rin pati ang misis nito na si miss Wyette, eh.
Tumunog ang aking cellphone kaya kaagad ko iyong kinuha. It's a text from sir Javier, telling me to come early tomorrow.
Nagkatinginan kami ni Hill. He raised his thick eyebrow at me. Ang kanyang tsokolateng mga mata ay parang nagsasabing, 'Told yah'. Napairap na lang ako.
"Pero bakit naman? At sino kaya?" I curiously asked. Balak na bang mag-resign ni Sir? Grabe, ang bait pa naman nito sa akin lalo na si Miss Wyette.
Sana naman, kasing bait ni Sir Javier ang bagong boss namin.
"Sa narinig ko mula kay May, anak daw ni sir. Ewan," Natasha said bago tinungga ang baso na may lamang alak. Pinadaan niya ang mga daliri sa buhok niya na hanggang leeg ang haba. Bumaling sa akin ang tsinita niyang mga mata. "Nga pala, si Valerie two months na palang buntis?"
Parang may kung anong pait na gumuhit sa aking puso. Shit. Valerie. Natasha and Hill knew what happened two months ago. Kilala rin nito si Val at Jonathan at minsan na rin kaming nagkasama kaming lima.
Bumalik sa isipan ko ang sinabi ni Natasha. Valerie is two months pregnant which only means one thing: Jonathan is screwing her while we were still together. Kaya siguro sila tumakas dahil buntis si Val.
Ipinilig ko ang aking ulo at dire-diretsong tinungga ang laman ng aking baso. Hearing that name brought back a lot of bad memories. Naramdaman ko ang pagtapik ni Hill sa aking balikat.
"Woah, easy," natatawang wika niya. Si Natasha naman ay sinuri lang ang aking reaksyon. Napahilot siya sa sentido at naiiling
"Masakit pa rin ba?" May mga pagkakataon talaga na ayaw ko sa mga tanungan nitong si Natasha, eh. Talagang isasampal nito sa iyo ang katotohanan. Sobrang straightforward ng pisteng yawa.
I made a gesture by putting my index finger and thumb close to each other. "Slight." I sighed. Bumuga ako ng hangin. "Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko para sa kanila. Halo halo, eh. Naroon ang galit at sakit. Akala ko, wala na akong pakialam but deep inside me, gusto kong malaman ang rason kung bakit nila nagawa sa akin 'yon." Mapakla akong napangiti. Hindi ko kasi inakalang magagawa nila sa akin 'yon. Two people who were close to my heart. One was my lover and the other one was my best friend.
"Gusto mong malaman ang rason kasi alam mong hindi mo deserve ang ginawa nila. You deserve an explanation, Nat." Muling tinapik ni Hill ang aking balikat. Binigyan ko siya ng maliit na ngiti at napaisip sa kanyang sinabi. Could be.
"Hay, anong oras na? Baka bukas, papasok tayong tatlo na lasing, ha," pabirong ani ni Natasha na ikinatawa namin.
"Ikaw lang, Asha. Baka magkaka-hangover ka bukas. Kanina ka pa inom nang inom," natatawang wika ni Hill kay Natasha. It's true. Kanina pa talaga siya umiinom. Mataas kasi ang tolerance niya sa alcohol.
"Sus! Ako? Papasok na merong hangover? Ha! Never!" confident pa na sabi ni Natasha at muling uminom ng alak. Nagkatinginan kami ni Hill at sabay na napailing.
"GOD, ANG sakit ng ulo ko. Parang hinampas ng sampung titi." Marahang minasahe ni Natasha ang kanyang sentido. Napahalakhak naman ako sa kanyang sinabi. Ayan kasi, inom nang inom kahapon. Confident pa na hindi siya magkakaroon ng hangover. 'Yan tuloy.
BINABASA MO ANG
Unexpected Proposal
RomanceMendoza Brothers Series #1: Jamie Wren R. Mendoza Her groom ran away before the wedding started. . . so she proposed to someone who unexpectedly turned out to be her new boss. ----- Nathalie D. Cruz is about to get married. She's gonna marry the man...