GULAT AKONG napatingin kay Sir Javier na nakatingin lang kay Jamie. Si Jamie naman ay walang reaksyon. What the fuck?
Napatayo ako sa aking kinauupuan. "S-S-Sir? How did you know about our marriage? Pero invalid 'yon!" paglalabas ko ng saloobin. Sir Javier really has his ways! 'Yon ba ang rason kaya binigay nila sa akin ang debit card at pati na rin ang inheritance ni Jamie kapag sasaktan niya ako?
Miss Wyette lets out a sigh. Napatingin kami sa kanya. "It's not, hija. A week after you got married, my husband finalized your documents, making your marriage valid." Mas lalong nanlaki ang aking mga mata.
"What the fuck, dad?"
"Language, Jamie Wren!" mariing singhal ni Miss Wyette kay Jamie. Kita kong napalunok si Jamie nang marinig ang boses ni Miss Wyette. Pero ano raw? Valid 'yong kasal namin? Shit!
"Sir, you can't just process our papers without our permission." Hindi maaari 'to. Ako? Kasal na? Holy shit. At kay Jamie pa?
Tumaas ang sulok ng labi ni Sir Javier nang marinig ang aking sinabi. "I can, hija. Your signatures alone already signify your permission." I gasped. Pero bakit niya ito ginagawa? Invalid naman sana 'yong papers namin but why did Sir Javier legalize it?
Para namang pareho kami ng iniisip ni Jamie dahil tumingin siya kay Sir Javier at nagtanong, "Why are you doing this, dad? You know I'm still not ready to tie the knot. You took advantage of the situation." Umigting ang panga ni Jamie. Pumalatak naman si Sir Javier at tumingin sa akin. Napalunok ako. What? Is it about me?
"Simple. Gusto kong magtino ka when you and Nathalie finally meet, and I want Nathalie to be a part of our family," saad nito habang nakatingin pa rin sa akin. Kita kong binalingan ako saglit ni Jamie ng tingin. Kinurot ang aking puso nang makita ang emosyon na nakaukit sa kanyang mga mata. Hatred. Fuck.
Dahan-dahan kong pinakawalan ang aking hininga. What? He hates me? Kasalanan ko bang malalaman ni Sir Javier? And Jamie fucking agreed na magpakasal sa akin!
"Take care of Nathalie, Jamie. Kapag nalalaman naming sinasaktan mo siya at nambabae ka, we will transfer your inheritance to her." Nanlaki ang mga mata ni Jamie nang marinig ang sinabi ng kanyang ama.
"Dad! That's too much! Hindi pa ba sapat na ginawa niyong valid ang kasal-kasalan namin? Pati ba naman 'to?" Tumaas ng ilang decibel ang boses ni Jamie at bakas ang galit doon. Hindi ko mapigilan na hindi matakot nang marinig ang boses niya. Baka ano na naman ang iisipin ni Jamie sa akin.
"Don't raise your voice at me, Jamie Wren! No buts. Iyan na ang pinag-usapan natin. Let's go, hon," aya nito kay Miss Wyette. Marahan munang tinapik ni Miss Wyette ang aking balikat bago sumama kay Sir Javier palabas. Para lang aong nakatangang nakatitig sa pinto na pinaglabasan nila. Can someone please tell me that I am just dreaming? Shit. Ano ba ang nangyayari ba't nagkaganito?
Napatalon ako nang may mahigpit na humawak sa aking braso. Napangiwi ako. Fuck. Ang sakit! Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa akin.
Sinalubong ko ang mga nanlilisik na mata ni Jamie. Sobrang higpit ng pagkakapit niya sa braso ko at alam kong magkakapasa iyon! Ramdam ko ang kanyang galit base sa kanyang pagkakahawak.
Biglang umusbong ang takot sa aking dibdib nang makita ang galit sa kanyang mga mata. Sasaktan niya ba ako?
"You, bitch!" mariing wika niya. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang kamao na nakahawak nang mahigpit sa aking braso. Nanginig ang aking katawan sa takot at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kabang naramdaman.
"J-J-Jamie—" I was about to say something pero mas lalong dumilim ang kanyang mukha. Mas lalo akong nanginig. Natatakot ako kay Jamie. Alam kong kaya niya akong saktan physically. Wala naman akong kinalaman dito. Bakit niya ito ginagawa sa akin?
BINABASA MO ANG
Unexpected Proposal
RomanceMendoza Brothers Series #1: Jamie Wren R. Mendoza Her groom ran away before the wedding started. . . so she proposed to someone who unexpectedly turned out to be her new boss. ----- Nathalie D. Cruz is about to get married. She's gonna marry the man...