EQ

17.1K 497 7
                                    

“MARCH 26 ang birthday mo and you’re three years older than me. I  know na may tatlo kang kapatid ta’s puro kayo lalaki. Ikaw, Si Jester, Jaycee at Jackson. Walang babae sa inyo! Sabi pa ni Ms. Wyette noon, ang kulit niyo raw sobra! Parati niyong pinapasakit ang ulo niya! Babaero ka rin,” mahabang wika ko. Ewan kung anong trip namin ngayon. We just checked kung ano ang mga bagay na alam namin sa isa’t isa. 

It’s been three weeks at kahit saan lang kami gumagala. Kapag kumakain naman kami, do’n talaga sa malayo kung may malapit naman. Ani pa ni Jamie, he wants to tour me around Switzerland. ‘Di na lang ako nag-reklamo pa. Kakagaling lang namin sa Montreux at talagang sobrang layo! We travelled by train pero worth it naman.

Napakamot sa batok si Jamie nang marinig ang sinabi ko. Bakit? Totoo naman kasi ang sinabi ko, eh! Ang dami niya raw kayang babae noon sabi ni Mr. Javier! Namomroblema nga ang mga ito tungkol sa pagiging babaero ni Jamie, eh!

“Noon lang. It all changed when you came,” depensa pa nito. Napairap lang ako. Weh? Scam. May pa-‘it all changed when you came’ pa ang mokong!

“Che! It all changed when your father told you na ililipat sa akin ang mana mo!” Napakamot na lang siya ng kilay. Ayan, ‘di na siya makapagsalita kasi totoo ang sinabi ko. “Eh, ikaw, what do you know about me?” taas-kilay kong tanong sa kanya. He smiled playfully at umayos ng upo sa kama.

“June 21 ang birthday mo and you have a sister. Ikaw ang breadwinner sa pamilya. You’re 26, and you have a childhood friend named Trek.” He rolled his eyes at the mention of Trek’s name. Natawa ako nang malakas. Nagpatuloy naman siya, “34-24-38 ang vital statistics mo and your height is 5’2. Humihilik ka rin nang malakas kapag natutulog.” Hinampas ko siya sa braso at tawa naman siya nang tawa. Kailangan ba talagang isali iyon?

“Gago ka ba? Hindi kaya ako humihilik nang malakas! Ikaw kaya ‘yon! Scam ka!” nanlalaki ang mga matang wika ko sa kanya. Mas lalo siyang natawa at pinisil ang ilong ko pagkatapos ay hinalikan ang tungkil no’n na ikinakurap ko. Tumahip ang aking puso sa kanyang ginawa. Okay. . . that was unexpected.

“Kapag natutulog ka, gusto mo talaga na may kayakap o may yayakap sa ‘yo. Then you were jilted by your groom.” Tumaas ang aking kilay. He stated the most fucking obvious fact about me.

“Kailangan pa talagang sabihin ‘yon? Gago ka talaga kahit kailan!” I snorted and crossed my arms over my chest. Matunog niya akong hinalikan sa pisngi na ikinakurap ko. Bakit ba ang hilig manggulat nitong si Jamie, ha? Potek naman, eh! ‘Yong puso ko, nagwawala na naman.

“Because that’s how we met, hon. Hindi ko kayang isipin ang buhay na mayroon ako ngayon kapag tuluyan kayong kinasal ng gagong ‘yon.” Hinaplos niya ang aking pisngi at malamlam ang kanyang mga mata na nakatitig sa akin. I gulped. “Maybe, that really meant to happen. Kasi kung hindi iyon nangyari, baka hanggang ngayon, loko-loko pa rin ako.” Pinisil ko ang kanyang ilong.

“Hanggang ngayon pa rin kaya! Grabe ka mang-asar sa akin! Idagdag pa ‘yang mga banat mong hindi ko alam kung saan mo napulot!” Napangiti siya nang malawak sa narinig. Tumikhim ako upang pakalmahin ang sarili ko. ‘Yan na naman ang ngiti niya na halatang galing talaga sa puso. Shocks! Mas lalo siyang pumogi! Mas lalo akong nai-in love. Char!

“Kilig ka naman sa mga banat ko? Am I now making your heart beat fast like how you did mine?” Nag-iwas ako ng tingin at pinapakiramdaman ang aking puso na nagsusumigaw sa kilig. It’s beating for Jamie. Kung alam mo lang, Jamie. Kung alam mo lang. Ang puso ko ang naunang tumibok para sa ‘yo.

Binigyan ko siya ng tinging mapang-asar. “Secret! Hulaan mo!” I wiggled my brows. Natawang naiiling na lang siya bago kinabig ang aking ulo at hinalikan ako sa sentido. Kanina pa siya nanghahalik! Gusto ko rin naman. Hehe.

Unexpected ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon